Chapter 19 - Over

87 0 0
                                        

==================

Chapter 19

Over

==================

Jhyrus' POV

So far, so good.

Almost two weeks na mula nung nag-start ang ANI.

Ito rin yung pinagkaabalahan ko last summer eh. 4th year Math, Science and English lessons naman ang pag-aaralan ko ngayon. Sakto para sa susunod na taon. Hehe. Maliban pa ron, may mga activities din gaya ng modified version ng amazing race. Dagdag pa ron yung mga magaganda at mababait naming facis, teka, sige na nga, pati na rin yung mga mababait naming guy facis. Haha. Syempre, mga Atenista eh. Asahan mo talagang maganda sila pumorma. Isipin mo nalang, natututo ka na, inspired ka pa. Hahaha.

Yun nga lang, my mga ilang pagbabago. Last summer kasi, classmates ko si Jolo at Justin. Kaming tatlo ang palaging magkakasama. Ngayong taon, nalipat sa ibang section si Justin, kaya si Jolo na lang ang kasama ko. Si Jolo yung tipo ng estudyante na weird pero matalino. Hindi ko siya kayang sabayan sa Biological Science at English. Pero pagdating sa Math, ha! Sakin siya nagpapaturo! Hahahaha!!! :)

Bukod pa sa hindi ko nakakasama si Justin, naninibago ako ako sa section na napuntahan ko. Hindi ko kasi inaasahan na mapupunta ako sa advance class ng ANI. Grabe. Hindi ko talaga yun inaasahan. :D Bago kasi magsimula yung ANI, lahat ng participants ay nag-take ng exam para sa sectioning. Siguro para na rin sa mga mapupunta sa advance classes. Swerte naman ako dahil isa ako sa mga napunta sa advance class. Kasama ko pa rin si Jolo, syempre, yun pa, siguradong pasok din yun sa advance class nu. Si Gina lang ang classmate ko sa school na nakapasok din sa advance class. Hindi naman kami close non kaya si Jolo alng talaga ang lagi kong kasama. Magkasundo talaga non kahit pa magkaiba kami ng school na pinanggalingan. Sa Angono National High School kasi siya nag-aaral.

Since nasa advance class kami, lahat ng lessons namin ay advance. Malamang di ba?Putek! Iba yung syllabus namin sa syllabus ng ibang section. Hay. Nakakapanibago talaga. Halos mga taga-MariSci (Marikina Science High School) pa yung mga classmates ko. Parang meron silang sariling mundo. Ganun ba talaga pag-matatalino? Hehehe. Hay. Bakit ba kasi ako rito napunta, samantalang pwede naman ako sa iabng section. Ang saya-saya nila ron eh. Pero anu pa nga ba ang magagawa ko eh andito na ako. Saka amrami pang pwedeng mangyari. Siguro mag-eenjoy din naman ako sa mga susunod na araw. Pangalawang linggo pa lang naman ito. Ngayon, isa na namang panibagong araw para sa kin dito sa loob ng classroom.

Wala pa si Jolo kaya si Gina muna ang kasama ko, since wala pa rin naman yung mga kaibigan niya.

"Uy Jhyrus, may sasabihin ako sayo pero wag mo ipagsasabi ah." sabi ni Gina.

"Anu yun Gina? Sige, satin - satin lang yan."

"Nitong nakaraan lang kasi, nung papasok na ko ng Ateneo, nakita ko si Chad. Papasok na rin at mag-isa lang siya…" kwento niya.

"Oh tapos?"

"Nung nagkasabay kami sa gate, nginitian niya ako tapos nauna siya. Dun ko lang napansin, ang sute niya pala!!" sabi niya. Kinikilig pa siya. Mga babae talaga oh.

"Nginitian ka lang tapos nakita mo siayng mag-isa, cute na agad? Ang babaw mo naman Gina! Hahaha!" Ganun ba talaga ang mga babae?

"Eh kasi naman nung time na yun, ang mysterious ng dating niya. Parang sa mga teleserye!" paliwanag niya. Oo na, sige na. Mga babae talaga, masyadong imaginative.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now