==================
Chapter 20
My Happy Ending
==================
Chiina's POV
Hindi lahat ng couple ay naghihiwalay dahil sa 3rd party, kawalang tiwala, o wala ng love para sa isa't isa.
May ilang naghihiwalay kahit mahal pa nila ang isa't isa.
6 months…
6 months after September 9, 2006, naghiwalay kami ni Allein.
Tinanggap ko na iyong nanagyari samin. Wala na rin naman kasi akong magagawa. Pero hindi ko naman inaasahang...
6 months after November 10, 2006, naghiwalay naman ang dalawa kong best friend.
Ano bang meron sa #6? :(
Siguro nga pareho pa silang hindi prepared sa relationship. Pero hindi ko naman gusto na hindi sila nagpapansinan ngayon. Ang hirap. Ang hirap kasi nasa isang group of friends kami. Palaging may awkward moments.
Pero, alam ko namang hindi ko dapat sila pilitin sa gusto ko. Wala akong karapatang makialam sa kanila. Ang maaari ko lamang gawin ay ang suportahan sila pareho sa kanilang naging desisyon.
As much as possible, ginagawa ko lahat ng paraan para mawala yung mga awkward moments na iyon. Hindi ko na sila inaasar sa isa't isa. Alam kong hindi iyon tamang oras. Kinakausap ko sila pareho, pero ayaw pa nilang magsalita. Hindi pa kasi nila kinukwento ng buo kung anong nangyari. Some other time na lang.
Kahit pa alam kong mahal pa rin nila ang isa't isa, siguro tama na rin iyong naghiwalay sila. Hindi nga naman tama kung ipagpapatuloy pa rin nila kahit pa hindi na maganda ang relasyon nila.
Hay.
Aaminin ko, minsan naiinggit ako kapag nakikita ko silang magkasama. Naalala ko kasi si Allein eh. Pero kahit na ganun, hindi ko kailanman hiniling na sumunod sila samin ni Allein. Naiinggit man ako, naututwa pa rin ako sa kanila, kasi nakikita ko silang masaya. Kaya hindi ko pa rin hiniling na maghiwalay din sila.
Pero siguro ganoon lang talaga.
Baka hindi lang din ito ang tamang oras para sa kanila.
If it's meant to be, it will be.
If it's not, it won't.
==================
In three days, susunod na si Papa kina mama magbakasyon. Nakakainis talaga, hindi ako nakasama. Hay. Pero dahil doon, pinapunta naman ako ni Ate Cha, (my eldest cousin sa mother side), sa hotel kung saan siya nag-stay bago siya bumalik ng States. Hindi nga ako nakaattend ng Enrichment class dahil doon eh. Pero ok naman kasi sulit yung stay ko sa Mandarin Oriental Hotel. Wala naman akong ginawa ron kundi manood ng T.V at kumain. Nagkwentuhan lang din kami ni Ate Cha, ang tagal na kasi naming hindi nagkita, siguromga 7 years na.Kaya puro kami kwentuhan. Hanggang dito sa hotel, dala ko yung CL journal ko. Sabi kasi ni Kuya Chico, yung journal namin eh hindi lang para sa mga homeworks namin. Pwede rin daw namin gamitin iyon na parang diary. Kaya naman nagsusulat ako roon ng mga bagay-bagay. Kahit pa tungkol kay Allein.
Pauwi na kami galing sa Ani classes namin. Puro kami kwentuhan habang naglalakas pababa ng hagdan (tawag ito sa daan galing Ateneo papuntang Marikina, shortcut ito) at syempre, ako naman ang nagpapasimuno nito. Usually, ang aksabay ko sa jeep ay sila Maylene, Josh, Noel at Happy. Pero ngayon, sumabay si Rose samin nila Josh. Pupunta raw kasi siya ng market na malapit samin. And even if magkasama sila halos araw-araw, hindi pa rin sila nag-uusap ni Josh.

ВЫ ЧИТАЕТЕ
It Started with a Glance
Фанфик(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...