Chapter 34 - Best

97 1 0
                                        

==================

Chapter 34

Best

==================

Chiina's POV

Masayang nag-umpisa ang taon ko. Actually, even before New Year, masaya na talaga ako. Hindi ko naman kasi inakalang  tutuparin ni Justin yung hiling ko. Kaya naman sobrang natuwa talaga ako sa kaniya. Best friend ko si Josh, pero iba yung closeness namin sa closeness namin ni Justin. Basta, pakiramdam ko ang swerte ko sa kanila. Hehe.

Nagtataka lang ako, hindi namin masyadong napag-uusapan si Zea. Hindi ko alam kung ano na ang real score sa pagitan nila. Hindi rin naman kasi masyadong inoopen ni Justin yung tungkol sa kanila, pati si Zea hindi rin nagsasalita. Hindi ko nga alam kung ok pa ba sila or what eh.  Pero ayoko na lang sila panghimasukan. Malaki naman na sila pareho eh. Haha. Saka kung may problema man sila, sila na ang bahala kung magsasabi sila o hindi.

Kung gaano naman ako kasaya mula nung Bagong Taon, siya namang kabaliktaran ng nararamdaman ni Jhyrus ngayon.

Mukha na kasi siyang Alexa ngayon.

Ikaw ba naman eh hindi magmukhang ewan kung load ka ng load para sa taong hindi naman nagtetext sayo. Epic di ba? Nauuwi tuloy sa wala lahat ng ginagawa ni Jhyrus para sa kaniya. Mabuti na lang at nirereplyan niya naman ako kapag nagtetext ako sa kaniya. Hindi ko alam kung gusto ba niya ako talaga itext o dahil lang sa wala siyang katext. Pero kahit ano pa man ang dahilan, ok lang sa akin. Ang mahalaga eh may nakakausap siya samga ganitong oras. Somehow, alam ko kasi yung nararamdaman niya. Tao rin naman ako nu. At alam kong masarap sa pakiramdam kapag may kausap ka sa tuwing may problema.

Can you imagine a girl taking advantage of a guy who really likes him? Well, hindi naman siya unusual these days pero di ba, ang mean niya? Tinitext lang siya nito kapag may kailangan siyang tulong sa Math or kung saan pa. And nitong nakaraan lang, bottles for Math and Science ang favor na hiningi niya. Grabe. Nakaka-BV lang. Hindi rin naman makapal ang facelalu niya nu? Hindi siya magtetext for a reason na a few weeks later pa nalaman. And then a few months more, malalaman mong hindi pala totoo yung dahilang sinabi sa iyo. Na ang totoong reason pala ay may iba na siyang katext at nagpalit na rin siya ng network. And eventually, hihingi siya ng favor? Wow lang, I must say.

Alam ko wala naman akong karapatan para magalit kay Alexa. Pero may dahilan naman ako eh. At least kasi ako, totoo akong kaibigan ni Jhyrus. At hindi ko ginagamit yung friendship na yun para lang sa pansarili kong dahilan.

Hay. Pero katulad nga ng sinabi ko, wala naman akong magagawa para kay Jhyrus kundi ang makinig sa mga kwento niya. Syempre, pinapayuhan ko rin naman siya. Pero nasa kaniya na iyon kung susundin niya. Hehe.

So much of Jhyrus. Hindi lang naman siya ang nasa isip ko nitong mga nakaraang araw.

Malapit na pala ang SC elections. Nararamdaman kong aayain na naman ako nila Maylene na tumakbo para sa posisyong tinakbuhan ko rin last year. Hay. Hindi ko na nga yun iniisip keh. Sabi ko kasi ayoko na sumama. Dahil kasi sa leche flang SC, nagkalabuan kami ni Allein. Omo, I should not be going back to the past. Kaso I can’t help it. Ayoko na kasing magkamali uli. Pero… may magagawa pa nga ba akong mali if sumama ako this time?

Hindi ako agad nag-confirm sa candidacy ko. I am still weighing options. Alam ko kasing  malaking responsibility ang paghahawak ng office sa school. Palaban kasi ang batch namin. I mean, hindi kasi kami basta-basta nagpapadala sa principal namin. Nilalaban namin ang stand namin lalo na kung alam naming tama kami. Para alam kong malaki ang expectation sa amin, lalo pa't hindi kami isang ordinaryong batch lang. Maliban pa sa responsibilty sa office, malaking responsibility rin ang pagiging student. Sa totoo lang, mas malaking responsibility pa nga iyon. Holding a postion at the same time, doing your best to excel in school. Can you just imagine that?

It Started with a GlanceTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang