Chapter 40 - Bahala na

35 0 0
                                        

==================

Chapter 40

Bahala Na

==================

Jhyrus' POV

Paminsan-minsan eh naalala ko pa rin si Alexa. Anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan  eh. May pinagsamahan naman kasi kami kahit papano.

O, baka para sakin lang yun?

Ewan.

Sinubukan ko na rin namang ibalik yung samin eh. Sinubukan ko talaga ah. Nag-effort talaga ako. Hindi lang basta-basta effort.

Tinext ko siya, nung isang Sabado.

To: Alexa 

Mag-usap tayo. Hihintayin kita bukas ng hapon, mga alas-singko sa simbahan. Hihintayin kita kahit anong mangyari.

Alam kong hindi siya pwedeng umalis ng bahay kapag Linggo. Pero nagbaka sakali lang ako. Malay mo diba, duamting siya.Kung gusto niya kaming mag-usap. Gagawa siya ng paraan.

Nung dumating yung araw na yun, naghintay ako.

Isang oras…

Dalawang oras

Tatlong oras…

Inabutan na ko ng pagsara ng simbahan mga bandang alas-ocho ng gabi, Nagmuka na kong ewan. Tambay ng simabahan?

Pero hindi siya dumating.

Walang Alexa na nagpakita.

Inisip ko na baka talagang hindi siya pinayagang lumbas. Pero sana nagtext siya diba? Sigurado naman akong nabasa niya yung text ko. Kakatext lang niya sakin nung magtext ako sa kaniya.

Pero siguro sadyang wala na talaga.

At mula nung araw na yun, nag-decide na akong kalimutan siya at mag-focus na lang sa ibang bagay. At buti na lang, nandiyan ang barkada.

Oh, hindi lahat ng barkada eh masamang impluwensya. Mas napapadalas ang pagtambay ko kasama sila. Kung hindi kami nagabbasket, sa computer shop ang punta namin.

Mas nakapag-focus na rin ako sa pag-aaral ko. Hindi na ako naka-zero sa drills. Mas confident na rin ako sa pagsasagot ng problems.

 I must say, bumabalik na ko sa dati.

Maliban sa boys, may pang tao na tumulong sakin. Kahit pa hindi naman talaga kami magkakilala, parang matagal na kaming magkaibigan.

Ewan ko ba, pero mula nung una ko siyang nakausap, magaan na talaga loob ko sa kaniya. Hindi siya rebound. I really like her for being reliable, true and sincere. Para siyang bata - pure and innocent.

Napapangiti niya ako sa bawat bagay na ginagawa niya. Napapagaan din niya yung pakiramdam ko sa bawat salitang sinasabi niya.

Hay, ano ba naman to! Ang drama ko!

Wala akong masyadong alam sa mga crush crush na yan.

Sorry naman, wala akong masyadong interes sa babae bago dumating si Alex. Friend zone lang tlaga sila. Haha.

Pero seryoso, alam ko itong nararamdaman ko ngayon.

To: Chiina

May ssbhn ako saung imprtnte.

Hindi ko alam kung pano sasabihin.

Pero.,..

Bahala na!

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now