Chapter 24 - "Stalker"

66 0 0
                                        

==================

Chapter 24

"Stalker"

==================

Chiina's POV

August 2007

Habang tumatagal, mas nasasanay na ako sa sitwasyon sa school.

Kahit kasi malinaw na sa lahat na wala na kami, hindi pa rin maiiwasan na tuksuhin kaming dalawa, lalo pa't walang nakakaalam ng tunay na dahilan sa likod ng mga pangyayari.

Pero gaya nga ng sinabi ko, nasanay na ako. At hindi na ako nadadala sa mga tao. Masayang-masaya na ako sa buhay ko ngayon. Aral lang, walang inaatupag kundi ang tumambay kasama ang barkada.

No boys. Well, not exactly the right word.

No boyfriend.

Yan. Mas appropriate.

Bakit? :)

Eh kasi naman, may bago akong crush.

Remember yung kasama namin sa Enggaling contest last February? Yung guy na ang cute ngumiti? >:D

Oo, siya yung crush ko. :">

Nung birthday ko kasi, pinaalala siya ni Rose sa akin. Nai-kwento ko pala sa kaniya na may crush ako sa upper batch, at nakilala ko siya sa Enggaling contest.

Sakto isang araw, maaga ako pumasok. Umakyat ako agad ng room. Eh kasi naman wala kaming tambayan, kaya dun kami umupo sa labas ng classroom namin. Ka-room pala uli namin yung section 1 ng upper batch.

At nakita ko uli siya. 2 weeks ago ata.

Naglilinis. Cleaner ata siya nun eh. Kausap niya si Kuya Lloyd. Hay, grabe.

I was really mesmerized. :">

"Hay nako, may babae na namang nakangiti ng walang dahilan." Naku, dumating na pala sila.

"Mukhang ang saya mo aa Chii." Nakangiting sinabi ni Sam.

"Paano ba namang hindi sasaya iyan, eh nakita na naman niya yung crush niya kanina." sagot ni Rose.

"Ha? Eh kanina pa tayo rito hindi ko naman nakita yung mukha niya." sabi uli ni Sam.

"Nakatalikod kasi siya." :)

"Eh paano mo naman nasabing siya iyon?" tanong ni Sam.

"Kasi, kasi… alam ko yung bag niya, alam ko yung mga binibitbit niya araw-araw, alam ko yung hairstyle niya, saka kahit nakatalikod pa siya eh alam na alam kong siya iyon."

"Ay, adik te? Kilig na kilig ka pa!" Baliw talaga itong si Sam. Nagtatanong siya eh, sinsagot ko lang naman.

"Parang hindi mo yan kilala, obvious na obvious yan eh." sabi ni Queenie.

"Uy hindi ah! Hindi nga ako nagpapakita sa kaniya eh! Nahihiya ako!"

"Ikaw te? Nahihiya?" sagot ni Michael. Walang hiyang bakla ito.  Hahaha. Pero ang totoo, crush na crush ko talaga siya. Hindi ko alam kung bakit, basta alam ko, gustong-gusto ko siya.

"Sus, pagbigyan niyo na iyang si Chiina, hindi pa nga alam kung anung pangalan nung guy eh! Kaya hanggang ganyan lang yan." sabi ni Princess.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now