==================
Chapter 2
The Poet
==================
Chiina's POV
I have decided. I should talk to Dylan to get things done...
or over with.
Nahihirapan na kasi talaga ako Sobrang labo.
Minsan hindi ko na masabi kung anung status ko sa mga kaibigan ko, sa mga using nagtatanong, at maging sa Friendster. Oo, friendster. (A/N: Friendster pa po ang uso nung mga araw na to. Pagpasensiyahan na po. >.< )
Kahit pala sa Friendster, hindi ko rin siya nakaka-commentan. Bihira lang kasi siya mag-internet nung mga panahong yun. Kung ngayon ang libangan ng mga kalalakihan eh pagdo-DOTA at kung anu-anu pang computer o on-line games, noon, basketball lang ang madalas kong nakikitang pinagkakaabalahan nila.
At doon nga kami nagsimula, sa kakanood ko ng mga laro nila ng basketball sa subdivion na di kalayuan sa bahay ko. don ko lang napagtanto na gusto ko na pala siya.
HE! anu ba to? Sabi ko gusto ko na tapusin eh. Nahihirapan na kaya ako T_T
Pero kahit anung ulit kong tangkaing kausapin siya.... Wala.
Hindi...
Hindi ko pa rin kaya T_T
Epic fail. Siguro, ganito na lang kami.
No closure.
Parang ganun din naman kasi. Hindi kami nag-uusap. Parang Ex na bitter. Baka nga ganun na kami kahit di pa kami official na mag-Ex.
Pero... Ganun na lang ba talaga? T_T
2nd year high school pa lang ako pero ganito na mga iniisip ko. Huhuhuhuhuh...
Bahala na.
Bahala na si Batman. :(
=====================
"So, kamusta naman Chii?" tanong sakin ni Queenie habang breaktime.
"Ok naman ako, bakit mo natanong? Kayo?"
"Ok na ok no!" sagot naman ni Princess.
"Nakapag-usap na ba kayo ni Dylan?" biglang tanong ni Rose Anne.
Oo nga pala, nitong nakaraang linggo, hindi ko na hinahanap si Dylan. Hindi ko yun agad napansin, siguro kasi maraming school projects. Madalas din kasi akong piliing leader sa mga groupings. Syempre mabait ako eh. HEHEHEHE!! Tapos, magaling pa ako sa English.
*evil laugh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!
Masyado na akong naka-fouces sa pag-aaral. HEHEHEHE!!!
Ang gaan sa pakiramdam. Feeling ko, wala akong problema. Parang.... wala lang. :D Napangiti ako.
"Hindi eh. Pero hayaan niyo na yun. Tingin ko naman, hindi na rin kami, kasi kung kami, dapat kinakausap niya ako diba?"
"Sa bagay. Saka kasalanan na rin niya yun no. Sobrang torpe ba naman eh. Kayo na nga, pero hindi pa rin kayo nag-uusap." sabi ni Queenie.
"Oo nga naman, saka marami pang lalake jan no, hindi lang siya" :D nakangiting sabi ni Rose Anne.
"Hoy! wag niyo namang sabihan si mommy na palitan ang daddy ko!" sigaw naman ni Princess.

YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...