==================
Chapter 36
Lucky
==================
Chiina's POV
Oras na para magdecide kung tatakbo ba ako bilang PRO ng SC namin. Hay. Nakakainis naman kasi. Wala na talaga sa plano ko ang pagtakbo, pero ito, pinipilit na naman nila ako. Hindi sa takot ako sa responsibility. Wala lang talaga sa priority ko ang pulitika. Simple lang naman ako at hindi popular sa mga estudyante. Hindi gaya ng mga kaklase kong tatakbo.
Ako talaga ang gusto nilang sumama. Napilit ko na nga si Zea na pumalit sa akin eh. Ayoko kasi talaga. Kahit pa advantage iyon dahil mas marami akong makilala, mas priority ko pa rin ang pag-aaral ko pati ang mga friends ko. Once kasi maging officer ako, mababawasan na ang tambay moments namin dahil may duty ako sa office. Isa pa, marami akong mami-miss once magsimula ang campaign period. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, pangalan ko ang sinubmit nila Zaira. At pirma ko na lang ang kulang sa COC ko.
Hay. Nakakainis. Kahit gusto ko mag-back out, wala na. Nasa listahan na ako. Wala na akong choice kundi pumirma. Bahala na.
Kinwento ko naman iyon kay Justin. Siya lang naman nasasabihan ko ng mga ganitong bagay eh. Masyadong personal na mahirap masabi sa isang classmate, lalo na may mga classmate din akong involved dito. Nakikinig naman siya, at sinabi niyang ayusin ko na lang daw ang paghawak ko sa oras ko. Isipin ko na lang din daw na may makukuha ako sakaling manalo ako. Sana talaga. :(
Kahit pa katext ko rin si Jhyrus, mas nasasabi ko pa rin kay Justin yung mga ganitong bagay. Ewan ko ba. Ayokong magmukhang weak kay Jhy, kaya kay Justin na lang. At least kau best, ayos lang na magmukha akong ewan o kung ano pa. Alam nga niyang mukha na akong ewan dahil hopelessly in love ako sa kaibigan niya, but he did not judge me. He even cared for me more and give me more attention.
Yes, I do think that I am deeply in love sa isang taong wala namang gusto sa akin. The fact that he already gave up on Alexa does not mean na I have chance, but then it's still possible right?
Justin slept early. And kung kailan naman siya natulog agad eh saka naman nagtext itong si Jhyrus. D@mn. Parang hindi ko na kakayanin. I should be happy now na hindi na niya iniisip si Alex. In that way, alam kong hindi na siya mahihirapan. But then again, iba ang epekto nun sa akin. Aminin ko man o hindi, parang umasa lang ako lalo na sana, sana talaga ako naman ang magustuhan niya. Hay. Silly me. I'm such a fool to even expect such a thing.
I need to compose myself. Hindi dapat makahalata si Jhyrus.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Nagtatanong ng mga hilig at mga gustong bagay. Nalaman kong favorite color niya ang red. Ah, kaya pala Red team kami nung Math Camp. Haha. Ayoko talaga ng kulay na yun, pero dahil favorite siya ni Jhy, sige na nga, I'll take consideration. Haha. Wala siyang preferance pagdating sa mga gamit. Basta meron, ok na raw yun. Hindi siya maarte gaya ko. Haha. Sa bagay, lalake siya eh. Haha.
Mas marami pa nga atang kaming pagkakaiba kesa pagkakatulad. Mapili ako sa pagkain pero siya, kahit anong nakahain kakainin niya. Ayaw niya ng gabi (yung rootcrop), pati yung labong (pagkain din yun, bamboo shoots). Pero kahit hindi niya gusto yung lasa nun, kinakain pa rin niya. Haha. Hindi talaga siya pihikan sa pagkain, samantalang ako - haha! xD Hindi siya mahilig sa matatamis gaya ko, pero kumakain din naman daw siya.
Ang kulit talaga. Hehe.
Halos ganito kami everytime na magkakatext kami. Through that, I got to know him better. Naramdam ko ring mas naging close kami sa isa't isa.

KAMU SEDANG MEMBACA
It Started with a Glance
Fiksi Penggemar(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...