==================
Chapter 15
Asymptote
==================
Jhyrus' POV
*Alarm clock ringing*
Umaga na naman. At ito na ata ang pinakaayaw ko, Lunes. Ang sarap pa sana matulog. Kaya lang kailangang gumising ng maaga eh. May flag ceremony kasi. Mahirap nang ma-late, baka magkaroon pa kami ng sarili naming flag cem.
Teka, speaking of flag cem, iyon nga pala dahilan kung bakit ako excited ngayong araw.
Tuwing may nanalong representative ang school namin, binabati ng prinsipal yung mga nanalo. And this time, kasama na ko ron! :D Yun ay kung magsasalita ang prinsipal sa stage. Haha.
Hahaha. Ang sarap siguro sa pakiramdam nun. Maririnig ng buong school na nag-champion kami sa isang contest sa Ateneo nitong Sabado lang. Syempre para sa school yung trophy na yun pero iba pa rin yung effect nun sa mga nanalo mismo. Iba pa rin yung effect nun sakin. Hahahaha.
Bumangon na ako at naghanda sa pagpasok.
Sa flag ceremony, magkatabi kami nila Denz. Hinihintay namin kung babanggitin nga ba ng principal yung pagkapanalo namin. Paakyat na ng stage ang principal namin. Anu na naman kayang mga paalala at pangaral ang sasabihin nito? Hehe.
"Oh ayan na, magsasalita na yung principal." sabi ko kina Denz.
"Good morning sa lahat ng mag-aaral ng Marikina High School!........" at nagsimula na ang mahabang listahan ng mga paalala at kung anu-ano pa. Sa loob ng tatlong taon ko sa school na ito, ilang beses ko na rin narinig yang mga sinasabi niya.
Nakakabored talaga ang flag cem. Pero minsan, advantage rin ito. Minsan kasi nasasakop niya yung buong first period, kaya naman wala kaming klase pag ganun. Pero kung saglit lang, atleast nabawasan yung first subject. Hindi naman Math eh kaya ok lang. Haha. Isa pa, oras din sa pag-c cram ng mga school works. Hassle, pero atleast nakakagawa oa rin. :D
Biglang….
"Nitong nakaraang Sabado lamang, may mga mag - aaral na naman na nagbigay karangalan sa ating eskwelahan…"
Uy! Ito na yung hinihintay namin! Hahahaha..
Sa pagmamasid ko sa paligid, halos wala namang nakikinig sinasabi ng principal. Nagdadaldalan lang halos lahat ng mga estudyante habang nakaupo sa quadrangle. Yung iba, naghahabol ng homeworks, yung iba nagbabatuhan ng maliliit na papel o kung anu pa, habang yung iba naman, tulala lang - parang mga walang pakialam. Nakakatuwa sila tingnan. Hahaha.
Samantalang kami, ito, excited na!
"Sa naganap na…." tiningnan ng principal yung hawak niyang papel, " 'Mathalino ka, Enggaling Mo' contest na idinaos sa Ateneo High school, tayo ang itinanghal na kampeon! Malugod kong binabati ang mga mag-aaral na naghatid ng bagong karangalang ito na sina….."
Una niyang binanggit yung mga 2nd year kaso wala naman sila. Hapon pa kasi ang klase nila eh. So saming lima lang ang moment.
"…….Lander Rosal, Denz Sarangay, Ariel Tagasa, Jhyrus Villareyes at Lloyd Undayag. Maaari bang umakyat ang mag-aaral na ito sa ating stage?" sabi ng principal.
Ayun! Narinig ko na rin yung pangalan ko! Hahaha! Ang sarap sa pakiramdam!
Tuwang - tuwa kaming lima, panay ang bati samin ng mga classmates namin, habng yung mga ibang section, nakatingin lang samin. Parang mga walang pakialam. Hehehe. Ano ngayon? Ang mahalaga ay ang napakasayang moment na ito. Pero, kulang pa rin ito para sakin.

VOUS LISEZ
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...