Chapter 28 - Changes

70 0 0
                                        

==================

Chapter 28

Changes

==================

Jhyrus' POV

Ang bilis ng mga pangyayari.

Hindi  lang ako nagtext ng 2 days, hindi na nagtext si Alex, kahit ngayon. Hindi ko naman siyang magawang kausapin sa school. Imbis na siya ang katext ko, ibang babae pa tuloy. Madalas na kasi kaming magkatext ni Chii ngayon.

Halos dalawang linggo nang hindi nagtetext si Alex. Hindi na ako makatiis. Kinausap ko si Ciara, classmate ko siya at seatmate kapag Math, kaibigan din siya ni Alex.

"Ciara, tanungin mo naman si Alex kung bakit hindi na siya nagpaparamdam saka parang iniiwasan niya ako eh."

"Sige, tanungin ko siya." sabi niya. Lumabas siya ng room at pumunta sa section 2.

Hinintay ko siya dahil ang akala ko eh saglit lang siya ron. Malapit nang mag-Math, pero wala pa rin siya. Maya-maya pa, nakabalik na siya.

"Anong sabi Ciara?"

"Wag ka raw mag-aalala sa kaniya kasi sira raw cellphone niya. Hindi pa niya napapaayos at hindi rin daw niya alam kung kailan daw siya magkaka-cellphone uli." sagot nito.

"Eh bakit ang bakit ang tagal niyo mag-usap?"

"Ay, sorry, nakipagkwentuhan pa kasi ako kina Marjorie eh."

"Ah, sige. Salamat ah. Mahalaga nalaman ko na ngayon kung bakit di siya nagtetext."

Kahit nalaman ko na yung dahilan, nagtataka pa rin ako bakit hindi niya ako sinabihan agad.  Pwede naman siyang makitext di ba? Almost two weeks din kasi iyon at wala akong kaalam-alam. Hay. Hayaan ko na nga lang.

Lumipas pa ang ilang araw pero wala pa ring text sakin si Alex. Sa bagay, noon ngang hindi ko alam na sira cellphone niya, hindi niya ako sinabihan eh, o tinext man lang, ngayon pa kayang alam ko na? Nakakatampo lang talaga.

Isang gabi, habang gumagawa ako ng homework, bigla na lang siyang nagtext. Hay! Mabuti naman. Ibang number ang gamit niya, at according to her, sa mom niya iyon. Pwede naman pala siyang makitext sa mama niya, bakit hindi pa niya ginawa dati? Pero hindi ko na iyon iisipin, ang mahalaga eh nagtext na siya sa akin. Sa halip na magalit, sinabi ko sa kaniyang miss na miss ko na siya, pero alam niyo ba kung anong nireply niya sa akin?

Isang malamig na "same to you".

Hindi ko na rin iyon pinansin, ayoko kasing maging one-dimensional. Maaaring may ibang dahilan kung bakit ganoon siya kalamig. Hindi lang kasi ako sanaya na ganoon ang reply niya. Nasanay lang kasi ako na kapag sinasabi kong miss ko na siya, ang reply niya eh "I miss youtoo!". Tsss. Nagiging OA lang siguro ako. Pareho lang naman ang ibig sabihin ng "same to you" at "I miss you too!" kaya hindi hindi ko na dapat pang pag-isipan ang meaning behind her reply.

Magkatext nga kami ngayon, pero iba na. Ibang-iba na siya. Iba na yung tono ng text niya. Inulit lang niya yung mga sinabi ni Ciara, and then nag-good night na siya dahil ibabalik na raw yung phone ng mama niya. I felt bad, pero sino ba naman ako para magalit, samantalang hindi naman kami. :(

Nagpatuloy lang ang ganoong set-up namin ni Alex. Once a week niya akong tinitext pero hindi na ito ganoon katagal. Unti-unti, nararamdaman kong nawawala na siya. Ang resulta, si Chii na lang nakakatext ko. Natutuwa talaga ako sa kaniya. Nagpapakwento lang siya ng nagpapakwento tungkol sa amin ni Alex.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now