==================
Chapter 22
Ultimatum
==================
Chiina's POV
First day of classes.
Excited? Hindi masyado.
Parang ordinaryong araw lang din kasi. Ang pagkakaiba nga lang, gustung-gusto ko na makita ang barkada ko.
Excited lang ako dahil makakasama ko na uli sila. Sobrang miss ko na yung mga baliw na iyon. Hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanila sa ginawa nila sa akin. Hindi nila ako iniwan nung mga panahong kailangan ko sila. At buong buhay ko, pasasalamatan ko sila sa pagiging mabubuting kaibigan nila sa akin.
Pero, wag niyong iisipin na hindi ako excited dahil makikita ko na si Allein. Sa totoo lang kasi, wala na akong galit sa kaniya. Naiyak ko na lahat ng kaya kong iiyak. Isa pa, hindi rin naman sila nagtagal ni Kara. Expected ko na iyon, dahil nga kilala ko si Kara. Sila - sila mismo ng mga kaibigan niya eh nagpapasahan lang ng mga lalake. Kaya naman sa una pa lang, alam kong hindi sila aabot ng June.
I'm not angry. I actually feel sorry for him. Of all people, si Kara pa. Sa bagay, ano nga naman ang panama ko sa kaniya. Mas maganda at mas talented siya sa akin. Iyon nga lang, magkaiba kami ng ugali. I'm not saying this to destroy her image, but I'm saying this because it is true. Wala akong karapatang siraan siya, pero sinasabi ko lang kung ano ang alam ko. In addition to that, maaaring marami pa akong hindi alam tungkol sa kaniya, kaya naman ang basehan ko lang ay ang side niyang nakilala ko mula nung una kaming naging magkaibigan.
Choice ni Allein iyon, kaya wala akong nagawa.
Tinaggap ko lang kung anong ginusto niya kasi inisip kong doon siya magiging masaya. Kaya nawala na iyong galit ko sa kaniya.
At kahit pa magkita kami ngayon mismo, kaya ko siyang ngitian at kausapin. Hindi ako magpapanggap na kaya ko, kasi kaya ko talaga.
Tanghali na ako nagising.
Tatlong taon na kasi kaming panghapon. 1pm yung start ng class at 8pm ang uwian. Although ayos naman yung schedule dahil hindi ako gigising ng maaga, mas gusto kong pang-umaga dahil mas marami pa akong magagawa pagkatapos ng class. Pero ano nga bang magagawa ng pagrereklamo ko?
Bumangon na ako para makapaghanda.
Hindi ako nagpasundo sa kahit kanino ngayong araw. Nalimutan ko kasing sabihan si Ela na sunduin ako. Si Ela ang isa rin sa mga taong una kong naging kaibigan sa school. On the way yung bahay ko papunta sa kanila, kaya naman madalas niya ako daanan noon para sabay kaming pumasok. Naging close kami ng sobra. Isa rin siya sa mga pinagsasabihan ko ng sikreto ko. Madalas din siya sa bahay namin, gaya ng iba ko pang mga kaibigan. At gaya ko, nagka-issue rin sila ni Kara.

YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...