Chapter 21 - One Missed Call

99 0 0
                                        

==================

Chapter 21

One Missed Call

==================

Jhyrus' POV

June 2007

After two months ng bakasyon, panibagong school year na naman.

Nandito na naman ako sa MHS.

Na-miss ko yung atmosphere na maraming estudyanteng nagkalat sa school grounds, yung ingay na nalilikha nila bago magsimula ang klase pati na rin yung mga all-time favorite food sa canteen. Haha. Pero ang pinakana-miss ko sa lahat ehyung bonding ng BoyzOlmyti after ng klase namin. Kaya lang, hindi na kami kumpleto ngayon. Bago kasi matapos yung taon last school year, nalaman naming malilipat ng section si Kenji at Harold. Nakakalungkot, pero ganoon talaga eh. Kailangan na lang tanggapin.

Sa pagpasok ko sa gate ng MHS…

It's official.

4th year na ako. Huling taon sa highschool. Huling taon ng pagiging bata.

Pagpasok ko ng classroom…

Maingay. Sobrang ingay.

6am pa lang, sobrang ingay na. Sa bagay, ang palengke naman eh nagbubukas bago mag 6 eh, so  masyado na ring maingay don. Kaniya - kaniyang usapan ang mga tao.

Pero halatang may kulang. Usually kasi, sila Harold ang pasimuno ng mga kaguluhan  kapag ganitong wlaa pang ginagawa. Hindi lang naman si Harold at Kenji yung inalipat, may mga girls din. Kaya naman halatang may mga kulang. Maya - maya, pumasok na yung teacher namin at nagsi-tahimik ang lahat.

"Good morning class." bati niya. Seryosong-seryoso. Tsk tsk. "I'm Mr. Tianco, your class adviser and English teacher. Before we begin, meet your new classmates…"

Tinawag niya yung mga tinutukoy niyang new classmates namin. Inabangan namin kung sino-sino sila.

"Kamusta mga classmates!" Nagulat kami nung nagsalita si Harold. Kasama niya si Kenji at Charmaine. Nagsigawan lahat ng tao sa classroom namin. Lahat masayang - masaya, lalo na ang mga Boys. Kumpleto na uli kami!

"Ok class, settle down. Tama na yan. Para kayong di nagkita kita ng isang taon. For now, let's just know one another. Stand up as I call your name then choose one quotation from those…" tinuro niya yung mga quotations na nakalagay sa decorations ng room namin, "then interpret your chosen quotation in English. Ok? Let's start…"

Nagtawag na siya ng mga estudyante randomly. Hassle naman. First day na first day, kailangan agad mag-isip. Buti na lang at nagawa ko ng maayos iyong akin. Sabi ni Sir, pinagawa raw niya iyon samin kasi iyon daw ang way niya para makilala niya kami. Ibabase raw niya iyon sa first impression niya sa amin. May binansagang Big Boy, Mr. Bean, Miss Universe at iba pa. Ako? Binansagan niya akong "The Poet". Haha. Ewan ko kay Sir kung bakit yan yung tinawag niya sa akin. All in all, naging masaya ang first meeting namin sa kaniya. Nakakatuwa kasi siya eh, akala namin strict siya.

During the break, I got the chance to have a little chat with Raine. Nagkataon kasi na napadaan siya sa harap ko, kaya tinawag ko siya at kinamusta. Akala ko nga iisnabin niya ako eh pero huminto siya at nakipag-usap sa akin. Sabi niya, wala pa rin daw siya pinagbago, maganda pa rin. Nagtawanan lang kami. Sa pag-uusap naming iyon na-realize ko na na masaya na talaga ako. Sa ganitong paraan, magiging close kami. Wala na akong nararamdamang katulad ng dati.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now