Chapter 10 - Twenty-oh-six

111 0 0
                                        

==================

Chapter 10

Twenty-oh-six

==================

Chiina's POV

Ang daming nangyari ngayong taon.

Mga bagay na nag-iwan ng masasayang ala-ala.

Mga bagay na nag-iwan din ng mga malulungkot.

2005 nang una akong tumuntong ng high school.

At dito ako sa MHS napadpad.

For some reason, kinailangan kong pumasok dito.

Dahil first timer ako pagdating sa pagiging transferee, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung paano ako makikisama sa mga tao. Pero hindi nagtagal, naging ok din ako.

Ginawa ko lahat para maging ok ang pakikitungo ko sa mga classmate ko. At hindi naman ako nabigo.

Nagkaroon ako agad ng mga kaibigan. Yung iba, classmate. Yung iba, sobrang close talaga. At dahil may mga kakilala rin sila sa ibang section, pati sila naging kaibigan ko. Dumami pa lalo yung mga kakilala ko.

Ang sarap sa pakiramdam yung nararamdam mong "at home" ka sa lugar kung nasan ka.

Yung may masayang company with friends.

Maliban pa sa mga kaibigan, nagkaroon din ako ng ilang manliligaw at ilang sana eh manliligaw. Kaso syempre, hindi naman sila lahat eh nagustuhan ko.

sa totoo lang, Isa lang sa kanila yung talagang nagustuhan ko.

 Si Dylan.

Hindi ko naman kasi inakalang magugustuhan ko siya. Ni hindi ko rin alam kung kelan, pano at bakit niya ko nagustuhan.

Basta nung minsan lang, tinabihan ako ni Tony sa upuan ko habang nagrereport yung mga classmate namin. Dati ko siyang manliligaw, kaso hindi ko siya sinagot. Reporter nun si Dylan.

Hinawakan ni Tony yung kamay ko, habang nagsasalita si Tony sa harap.

Nagulat ako pero dahil para sakin eh wala lang iyon, hinayaan ko lang siya. Nag-uusap lang sila ng isa pa naming classmate.

Maya-maya pa, nagulat ako nung biglang lumabas ng classroom si Dylan at pagkatapos, nasa likod na siya ni Tony.

Hindi ako humarap sa kaniya. Hindi ko rin alam bakit eh. Basta alam ko, hindi ko kayang lumingon.

Kaya pinakinggan ko lang yuhng pag-uusap nila ni Tony. Para silang nag-aaway na ewan. Inaasar kasi ni Tony si Dylan. Dun ko lang na-confirm na may gusto nga siya sakin.

After nun, lalo na kong hindi makalapit sa kaniya. Nahihiya kasi ako. Saka feeling ko, crush ko na rin siya. Eh sakin, wala lang naman iyon. Simpleng paghanga lang.

Later on, nagtanong na lang siya kung pwedeng manligaw - sa tulong pa ng mga kaibigan niya.

And nag-start na siya "manligaw". Dun na nagsimula lahat ng malabong.....

pangyayari?

Binigyan ko pa siya ng bracelet. Parang, couple bracelet. Pero hindi kasi parehong pareho lang sila ng itsura.

Kaso ayon nga hindi rin naman nagtagal yung samin. Kasi nga, parang wala lang.

Hanggang sa nag-give up na ko.

 Dumating naman si Allein.

Lahat ng hindi nagawa ni Dylan, ginawa naman ni Allein. Kaya naman masaya ako. :)

Maliban pa pala sa lovelife ko, masaya rin ang 2006 ko dahil masaya ang bestfriend ko. Dumating kasi si Josh sa kaniya. :)

Kay Sam kaya, kailan darating? :D Hahaha. Peace tayo Sam, bunso. :))

Nagka-walk of a lifetime pa pala kami nung nanood kami ng play sa UP. Grabe yung araw na iyon. Pero sobrang saya. :)

Ngayong taon din ako nanalo sa Reading Proficiency contest for the 2nd consecutive year. Sana magtuloy-tuloy pa iyon.

Sa family naman, maayos ang lahat. Masayang namumuhay ang pamilya namin. Nagtatrabaho ng mabuti si Papa. Tumutulong din si Mama. Inaalagan din niya kami. Nag-aaral naman ng mabuti si Kam at Jeon.

Tingin ko, ok naman na lahat sa buhay ko.

Pero siguro, mas maganda kung may improvement na lang. 

At iyon ang gusto kong makuha sa 2007...

It Started with a GlanceTempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang