Chapter 14 - Unexpected

107 0 0
                                        

==================

Chapter 14

Unexpected

================== 

Chiina's POV

March 2007

Wow. Ang bilis ng araw. Parang kelan nung lumipat ako sa MHS.

At ngayon3rd year na ako!!! :D

Ang daming nangyari.

Mga happenings na hindi ko malilimutan. Mga bagay kung saan kailangan kong gumawa ng desisyons. Decisions that sometimes lead into something good, and other times lead into unexpected   things. Pero kahit anong mangyari, hinaharap ko lahat ng mga consequences. Whether it be good or not.

Kakayanin ko naman eh. Basta andyan yung family and friends ko. Isama mo pa si Allein. :D

Speaking of that guy, nung minsan nagalit ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung napaka-sensitive ko lang or what, pero hindi ba pag girlfriend ka pwede mong hiramin yung phone ng boyfriend mo? Kahit minsan kasi hindi ko pa nahwakan yung phone ni Allein. Hindi niya kasi yun dinadala sa school.

Minsan pa, ang tagal-tagal niya magreply sakin. Asar na asar pa naman ako pag mabagal siya magreply!

Hindi ko naman hinihiling na ako lang dapat katext niya, pero sana man lang diba unahin niya ko replyan!? Buti kung hindi niya ako tinutulugan, eh kaso halos gabi-gabi tinutulugan din niya ako!

GRABE!!! NAASAR TALAGA AKO PAG GANUN!!!!!!

Pinapalampas ko na lang yun - hanggat kaya ko. Pero nung minsan na talagang napuno na ako, hindi ko na napigilan. Inaway ko talaga siya.

Hindi ko alam kung naintindihan niya yung point ko. At hindi sa nagseselos ako, pero tingin ko kahit once man lang eh dapat kong makita yung phone niya. Ang unfair kasi. Nakikita niya yung laman ng phone ko, since araw-araw ko iyong dala.

Nakita ko lang yung phone niya nung minsang pumunta ako sa kanila. Unexpected iyong pagpunta namin ni Judy don. Napilitan pa akong hindi umattend ng Pathways dahil dun. Ang inisip ko kasi, si Allein naman yun. Saka bored din ako sa mga activities namin sa Enrichment class.

First time kong makilala yung parents niya. Ang bait nila, at welcome na welcome ako sa kanila. Kahit yung mga kapatid niya, si Alyssa at Alyana, nakasundo ko rin. Panganay at nag-iisang anak na lalaki si Allein. Si Alyssa o Aly yung pangalawa at si Alyana o Aya naman yung bunso.

Habang naghihintay kami ng food (nagluto yung mom niya ng spaghetti), tinabihan niya ako. Nakaupo kami sa tambayan nila, isang parang picnic table na may silong. Hehehe. Astig nga nun eh. Hindi mainit kahit tanghali. Dun niya inabot sa akin yung phone niya.

"Oh, ayan na, para hindi ka na magtampo." sabi niya sabay ngiti. Takte tong lalakeng to. Makaasar eh no? Kinuha ko yung cellphone nang walang sinasabi.

Tanging inbox lang yung binuksan ko. Tiningnan ko yung mga message. Mostly quotes lang, galing sakin and from friends. Hindi ko rin alam baka may mga binura na siyanbg mga text para hindi ko mabasa. Ito na naman ako. Gumagawa ng sarili kong conclusion. Hindi ko kasi alam, pero pakiramdam ko may tinatago siya sa akin. O pakiramdam ko lang iyon? Hay ewan.

Binalik ko rin agad yung phone niya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakangiti naman niyang kinuha yun. Pang-asar talaga to! Hindi ko alam kung pinipikon ba niya ako o ano eh!

The rest of the day went well. Nakipagkwentuhan lang ako with him, his family and Judy habang kumakain kami ng spaghetti.

Hindi ko na uli inopen yung topic about sa cellphone after that day. Pero one time, naalala ko. May isa akong hindi nakita sa phone niya.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now