A/N:
This chapter is done by the person behind Allein's character. I only did some revisions. Credits to his Facebook page. :)
=================================
Special Chapter 3
Bulalakaw
=================================
Allein's POV
“Siya ba? Bakit hindi ka magsalita?!”
Hindi ako makatingin sa kaniya, pero dinig ko ang pag iyak niya, ang bawat hikbi nya.
Oo. Umiiyak sya.
Pero bakit? Para saan? Karapat-dapat bang iyakan?
Madami akong kailangang ipaliwanag sa kaniya. Pero paano? Saan ako magsisimula?
Sana. Makausap ko ulit sya. Tulad nang dati. Tulad nang mga araw na hindi nya ako iniiwasan.
Sana..
Sana lang talaga.
Ilang buwan na rin mula nung araw na iyon.
Mula nung araw na magdesisyon akong iwan siya. Bakit? Hindi ko alam. Hindi pa malinaw sa isipan ko noon kung bakit nga ba talaga.
Katangahan? Pwede.
Kataksilan? Siguro. Oo.
Pero alam kong may dahilan ang lahat at kailangan ko lang isipin kung paano ko ilalagay sa maayos na salita bago ko sabihin sa kaniya ang bawat detalye ng pag-iwan ko sa kaniya.
Mahirap para sa isang lalaki na umamin sa kaniyang mga kasalanan. Pero bilang isang lalaki, dapat kong harapin ang mga ginawa ko. At bilang isang tao na naging parte ng buhay niya, may karapatan siyang malaman ang lahat.
Hanggang ngayon malabo parin sa isip ko kung paano ko sasabihin sa kaniya.
Naduduwag. Kinakabahan. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Ayoko na ulit makita siyang galit sa akin. Higit sa lahat, ayoko na ulit makita siyang umiiyak lalo na't pinangako ko noon sa kaniya na palagi ko siyang pasasayahin at patatawanin.
Paano ko ba ipagtatapat sa kaniya?
Paano nga ba???
One voice
Section 5 ako nung unang taon ko sa high school. Hindi kasi ako taga-marikina. Ewan. Ganun ata talaga kahit matataas naman grado ko. Pero ok na rin. Masarap ang buhay sa section 5. Wala masyadong ginagawa. Tamad kasi ako mag-aral. Natapos ko naman ang unang taon ng matataas ang grado. Swerte ata ako. Malapit kasi kami sa mga teacher namin. Pero tingin ko napagtyagaan lang naman nila yung makulit na estudyante na tulad ko at naisipang ipasa ng dahil sa awa.
Umpisa na ng ikalawang taon. Apat na estudyante ng section naming ang malilipat daw sa higher section at kasama ako sa apat. Wala na akong nagawa. Masaya kasi ang mga magulang ko sa nabalitaan nila. At sino ba naman ang aangal kapag nakita mong nakangiti sayo yung mga magulang mo?
Bagong taon. Bagong section. Bagong mga mukha nanaman ang mga kikilalanin at pakikisamahan ko. Sa harap ako nakaupo. Wala pang teacher. Maingay ang lahat. Nakikinig lang ako sa mga usapan ng mga bago kong kaklase..
Nang biglang may narinig ako mula sa likod ng room..
May kumakanta. Di ko makita yung mukha nya. Unang dahilan, madaming nakaharang. Pangalawa, malabo na kasi ang mata ko. Patuloy sya sa pagkanta. Nakikinig lang ako. Paulit-ulit yung kanta sa tenga ko. Paulit-ulit na iniisip iyon ng utak ko. Dahan-dahan. Unti-unti. Tumatagos ito sa puso ko.

YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...