Chapter 17 - To the Rescue

127 0 0
                                        

==================

Chapter 17

To the Rescue

==================

Rose Anne's POV

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari nitong mga nakaraang linggo. Parang kailan lang kasi nung pumunta kami nila Chiina sa birthday ni Allein at Aya.

Tapos ngayon break na sila.

Sira ulo kasi tong si Allein. Hindi talaga namin alam kung bakit niya iyon nagawa kay Chii. Samantalang wala naman ginawa si Chiina sa kaniya.

Ayan tuloy, sobrang lungkot ng bestfriend ko.

 Huling lunes ng school year nang malaman namin ang nangyari. Late dumating si Chiina sa room, at halatang ang tamlay-tamlay niya. Hindi ito ang Chiina na kilala ko.

"Anong problema ni Chii?" tanong ni Josh sakin.

"Hindi ko rin alam, pero late na siya ah." sagot ko. Oo, hindi siya nale-late. At lalong-lalong hindi siya tatahimik lang basta-basta. Hinanap ko si Allein. Nakita kong nakatingin siya kay Chii.

Usually, pagdarating si Chii, sasalubungin agad siya ni Allein. Pero ngayon, ang weird.

Merong something - something na alam kong hindi maganda.

"Bakit hindi pinansin  ni Chii si Allein? Anung problema ng dalawang yun? Puntahan kaya natin?" tanong uli ni Josh.

Nagdalawang isip akong lapitan siya. Naisip ko kasing baka wala pa siya sa mood magkwento, kaya naman hindi muna ako lumapit. Kilala ko siya. Hindi siya maglilihim amin kung may problema. Basta hayaan lang muna siyang makapag-isip.

"Wag Josh, mamaya na lang. Hindi maglilihim si Chiina sa atin." sumunod naman si Josh sakin at hindi siya umalis sa tabi ko.

Sumunod nga si Josh sakin, inunahan na naman ako ng mga makukulit. Ayun, nagsilapitan sila kay Chii.

"Chii! Bakit ang lungkot mo ata?" tanong ni Princess.

"Bakit ganyan yung mata mo??!!" sabay-sabay na tanong ni Princess, Michael, Sam at Queenie.

Napatayo ako sa upuan ko at nagmamadaling pumunta sa upuan ni Chiina. Sumunod naman sakin Si Josh.

"Chiina! Bakit namumugto yung mata mo?! Anung nangyari sayo?!" Lumalabas na ang pagiging protective ng bunso ng barkada sa isa sa mga ate niya.

"Nag-away kayo ni Allein?" tanong ni Josh.

"Break na kami."

"Ano?! Break na kayo?!" pagtataka ni Sam.

"Bakit? Paano? Kailan?" tanong ni Queenie, Princess at Michael.

"Eh teka, nangyari na rin yan dati eh." sabi naman ni Josh.

"Seryoso na to this time. Wala na eh. May iba na siya."

"ANO?!" tumigil ata ang oras nung sabay-sabay kaming nagsalita. Napatingin ako agad kay Allein at nakita kong inalis niya yung tingin niya samin.

Seryoso na talaga ito?

Ilang beses na rin kasi silang nag-aaway, ilang beses na rin silang naghiwalay. Pero mga maliliit na bagay lang naman ang dahilan kaya naman naaayos pa nila.

It Started with a GlanceМесто, где живут истории. Откройте их для себя