==================
Chapter 25
Even in the Smallest Thing
==================
Chiina's POV
Ang hassle talaga ng araw na ito.
Wala kasing gumawa ng homework sa Math, kaya ito, busy ang lahat sa paggawa at sa pagkopya. Wala na nga halos kumain ngayong breaktime eh, paano, kailangan unahin yung homework. Baka kasi kapag minalas, ikaw yung matawag ni Ma'am Bertiz para sagutan yung problem. Yari ka kapag wala kang gawa.
Buti na lang at nakatapos akong gumawa ng homework bago pa man mag-bell. Yun lang, walang kain-kain. Hindi ako sanay. Never akong nag-skip ng meal, sa bahay man o sa school. Pero iisipin ko pa ba iyon kesa ang homework sa Math?
Dumating na si Ma'am Bertiz. Syempre, dali-daling nagsiupo ang lahat sa kaniya-knaiyang upuan. At gaya nga ng sinabi ko nung nakaraan, sa first row ako nakaupo. Tensyonado, pero relax lang dapat.
"Oh, di ba may assignment kayo?" tanong ni Ma'am. "Sige, exchange papers. On the board, sagutan niyo yung mga problems, Noel, Maylene, Roland, Jhun, at Kate."
Nakahinga kami ng maluwag. Akala namin magpapa-recite na naman siya eh. Buti na lang at yung mga tinawag niya eh mga nagco-coaching. Kayang-kaya na nila yung assignment namin.
"Sige, ipasa niyo na yang mga assignment niyo at iparecord kay Ashley." Si Ash kasi ang class secretary namin. Mommy ang tawag ko sa kaniya kasi siya yung takbuhan ko sa tuwing may problem ako. Isa pa, isa siya sa mga eldest sa class namin.
"Hindi ba ngayon niyo ibabalik iyong mga reply slips para sa MTAP?" tanong uli ni Ma'am Bertiz. May ilan sa amin ang sumagot, pero hindi na ako lumingon para malaman kung sinu-sino sila. Mahirap na no!
"Oh sige, ipasa niyo na yung mga reply slips niyo. Katulad ng napag-usapan natin, yung MTAP ang magiging project niyo sa susunod na quarter dahil isang MTAP session lang ang meron tayo bago magsem break." paliwanag ni Ma'am. "Sino ang pwedeng maghawak ng mga reply slips?"
At sakto talaga, as in eksaktong eksakto, nasa akin na lahat ng reply slips. Bakit ba kasi ako nasa harap nakaupo, at malapit pa sa teacher's table!
"Dahil na sa iyo na iyan Chiina, ikaw na ang maghawak niyan." Napatingin lang ako kay Ma'am, at napatango. Hindi talaga ako nakasagot verbally. "Ikaw na rin ang mangongolekta ng bayad." Dagdag pa ni Ma'am.
Kinabahan talaga ako kasi first time akong tiningnan ni Ma'am ng matagal. At hindi naman ako maka-hindi syempre. Takot ko lang sa kaniya. Mangongolekta at maghahawak lang naman ako ng pera eh. Ireremit ko rin agad iyon sa kaniya.
Sa MTAP, nag-aaral pa rin kami ng Math. Pero hindi ito ordinary Math kagaya ng Math sa school. Although medyo pareho lang naman ang scope ng lessons, mas matindi naman ang mga problems sa MTAP. Yung mga materials din kasi rito ang ginagamit ng mga nagco-coaching para sa mga MTAP contests. Kaya asahan niyo nang hindi iyon ganoon kadali. Yung MTAP naman na tinutukoy dito ni Ma'am eh classes na gaganapin sa loob ng pitong Sabado ng umaga. May bayad ito, kaya naman ginawa itong project ni Ma'am. Pwede rin namang hindi sumama. Si Queenie nga ayaw eh. Gagawa na lang daw siya ng project. Yung iba naman sa amin, sasama lang para sa instant project. Hehe. Magbabayad ka lang naman kasi, tapos kunwari nakikinig. Kapag magsasagot na ng problem, dun ka lang magkaka-problema. Kailangan mo na mangopya ng sagot, saka kung paano iyon nakuha. Hahaha. Masaya lang talaga rito is my extra bonding time ang buong klase.

ВЫ ЧИТАЕТЕ
It Started with a Glance
Фанфик(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...