Chapter 13 - "C"

136 0 0
                                        

==================

Chapter 13

"C"

==================

Jhyrus's POV

February 24, 2007 

This is the day.

Ang araw na hindi ko alam kung matutuwa o matatakot ako sa maaaring mangyari.

Natutuwa ako kasi alam kong ito na yung hinihintay kong chance para makabawi sa kahihiyang ginawa ko nung MTAP. At the same time, natatakot din ako. Kinakabahan kasi ako, baka maulit lang uli yung nagyari noon. Ayoko na pumalpak sa ikalawang pagkakataon.

Sobrang nakakahiya na yun nu!

Pero, paano kung pumlapak na naman ako? Ayoko man yun isipin, pero hindi ko talaga mapigilan. Bahala na.

Marunong naman ako sa English kahit papaano. Dun lang kasi ako talaga kinakabahan. Yung Math part daw kasi, di hamak na mas madali pa kesa sa MTAP. Kaya naman English lang yung iniisip ko. Iyon na ata ang pinakakahinaan ko sa school. Hay, bahala na nga.

Maaga akong nagising. Mahirap kasing ma-late kay Ma'am Bertiz. Baka lalo ako ma-pressure kapag umaga pa lang eh bad shot na ako. 

Sa CIS yung meeting place. Pagdating ko, andun na si Lander at Denz. Relax na relax lang yung mga itsura nila.  Sa bagay, para sa mga taong pangalawang beses na sasali sa Enggaling contest, sisiw na lang to. Grabe. Samanatalang ako, eto, pressured na pressured. Hay.

Unti-unti na kaming nakukumpleto, hanggang sa dalawang 2nd year na lang ang hinihintay namin. Grabe sobrang late na sila. Umiinit na ulo ni Ma'am. Lagot sila. Hahahaha.

Dumating na rin yung isa sa kanila.

Aba, si Cutiegirl pala! Yung nakita ko sa CR at sa tapat ng SC nung kausap ko si Mark. Small world naman :) So kasali pala siya. Nakakatawa naman, magkakasama pa kame sa isang contest.  Haha.

Medyo madaldal pala siya. Panay ang paliwanag niya kay Mam habang hinihingal siya. Pero cute pa rin niya tingnan kahit ganun :)

Sa wakas, dumating na rin yung huling 2nd year. Mga babae nga naman oh. Mga late. Hahaha. Feeling special. Haha.

Habang nasa jeep kami, nagsasalita pa rin si Cutiegirl. Ang dami niyang kwento. Haha. Daldalan lang sila ng daldalan nung babaeng huling dumating. Nakaktuwa talaga siya tingnan.

Dumating na kame sa isang covered court sa Ateneo High School. Hindi pa pala kami late masyado dahil isinasaayos pa lang yung venue. Akala ko naman late na kami. Bakit kaya nagmamadali si Ma'am? Hahaha.

Habang tinitingnan namin ang pag-aayos ng venue, kinakabahan ako. Naka-arranged ang upuan ng bawat team members vertically.  Ang akala ko kasi eh magkakatabi kaming magkaka-team. Since pa-vertical nga yung upuna, ang katabi ko taga-ibang school. Feeling ko talaga bibitayin na ko sa sobra kong kaba.

Bago mag-start yung contest, nagdasal muna kami. At eto pa, ako yung pinag-lead ni Ma'am ng prayer. Sa dinadami ng pwedeng ipagawa sakin maliban sa contest na ito eh magdasal pa. Kinakabahan na nga ako eh! Pero wala naman ako magawa. Simple lang naman yung idinasal ko, ang gabay ng Panginoon para tanggalin ang kaba sa amin at ang tagumpay namin sa contest na ito.

After ng prayer, inikot namin yung buong court. Sinabi kasi samin ni Ma'am na swerte raw yon. Pamihiin? Hehehe. Maliban sa pag-ikot sa venue,may isa pang pamahiin si Ma'am. Kapag daw nahulog yung ballpen o lapis namin, wag daw namin pupulutin. Malas daw kasi iyon. Hayaan daw namin na yung mga ibang contestants ang pumulot para raw malipat sa kanila yung malas. Hahaha. Nakakatawa pakinggan, pero istrikto si Ma'am pagdating sa mga bagay na iyon. Kaya nga ang aga namin dito eh, para maikot yung venue. Hahaha.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now