Chapter 35 - Moving On

89 0 0
                                        

==================

Chapter 35

Moving On

==================

Jhyrus' POV

Nag-umpisa kami ni Alex sa masasabi kong cute na kwento. Isang magandang babae na nagkagusto sa hindi naman ka-gwapuhang lalaki. Nagkakilala sa pamamagitan ng isang text, hanggang sa gabi-gabi eh halos hindi nagkakasawaan. Nagkatampuhan din paminsa-minsan, pero nagkakaayos din naman agad. Bumuo na nga rin kami ng sarili naming love story, kung saan maraming pangako na ang nabitawan namin sa isa't isa.

Pero katulad nga ng sikat na kasabihan, lahat ng masasayang bagay ay may katapusan.

Siguro nga matagal na niya akong kinalimutan. Siguro mula noong tinanong niya kung anong reaksyon ko kung sakaling magkagusto siya sa iba. Siguro nga sandali lang niya kong minahal. Siguro nga si Nash yung para sa kaniya.

Naiimagine ko yung mukha ni Alex na nakangiti habang sabay sila pauwi ni Nash - nagtatawanan, nagkukwentuhan. Naiisip ko kung ano kayang iniisip ni Alex habang tinitingnan niya si Nash. Hindi ko maimagine kung gaano siya siguro kasaya.

Hayyy..

Siguro nga ito na ang katapusan ng maikli naming kwento.

Nakatingin lang ako sa kisame habang inisiip ko silang dalawa. Bumalik lang ako sa sarili ko nung may nagtext sa akin. Ang hilig niya talaga mag-GM. Hehe. Teka nga, maitext nga siya. Mabuti na lang at mabilis siya magreply. Hehe.

From: Chiina

.+'hi kuyA :) kmsta po?:)

Kahit kailan talaga, napaka-cheerful niya magtext. Magkaibang magkaiba sila ni Alexa.

To: Chiina

Eto maayos naman. Ngpphnga lng. Hehe :)

Maya-maya pa, nagreply na siya. Mukhang ako lang katext niya ah. Bilis niya magreply ngayon. Hehe.

From: Chiina

.+'nAks nmAn kuyA.kmi wlng pAhnga eh.dming prOjEcts,lalo na sA engLsh.keLangn pa nmin gmwa ng boOk rviEw.

Ang sarap sa pakiramdam ng may kakwentuhan ka sa mga ganitong oras.

To: Chiina

Ooohh. Hehe. Ok lng yn. Odyssey lng nman un o Iliad dba? Yakang yaka o yan. :)

From: Chiina

.+'d pO kyA.ppiLi kmi ng isang bOok or mOvie, tas ggwAn ng rEview.

Oh? Bakit iba? Ang hirqap naman ng kanila. Mas madali yung sa amin. Haha.

To: Chiina

Bat nman gnun? Samn dti ppli lng sa Odyssey o Iliad eh. Hehe

From: Chiina

.+'whAt??!!unfAir nmAn ni sir!!!ang daLi ng seNyo tas sAmn ang hrAp.mdAya kAu!!;p

Nakakatuwa talaga siya. Hehe.

To: Chiina

Well, ganun tlga. Haha. Ok lng yan, balta ko mgalng ka sa english kya no problm sau yan. :)

From: Chiina

.+'tsss,mdAya prn! ;p kmstA na po pLa kAu ni Alexa?

Ano ba naman tong si Chiina. Kung kelan naman ayoko banggitin si Alex, saka naman niya binaggit. Hindi ba siya naririndi eh kapag magkatetx kami lagi na lang siya pinaguusapan namin? Tas ngayon, siya pa talaga nag-uumpisa.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now