Chapter 32 - Reminiscing...

76 0 0
                                        

==================

Chapter 32

Reminiscing

==================

Chiina's POV

It's almost 1:00 in the morning, the first hour of 2008 has already passed.

Pero kahit ganoon, katext ko pa ring ang lalaking kahit kailan siguro, hindi ko pagsasawaang replyan.

Malapit na matapos sa pagliligpit sila Mama at Tita Nette. Kaming magpipinsan, ito, kwentuhan na lang. Si Keith at Jeon, halatang inaantok na, samantalang si Kam, Lyca at Jay, tawananan pa ng tawanan. Kasama rin pala namin si Ate Ara at Angie, pinsan din namin. Anak naman sila ni Tita Risa,  ang second sister nila Papa. Unfortunately, maaga siyang nawala dahil sa sakit. That left Ate Ara and Angie in the care of our grandma. We call her Nanang. Hehe. Ayon, tawanan sila ng tawanan. Minsan nga, hindi ko na alam kung anong pinag-uusapan nila. Syempre, busy ako kakareply kay Jhyrus eh.

Parang kailan lang…

Masaya naman ako kay Allein noon. Actually, wala namang mali sa amin eh. Siguro, mga bata pa nga talaga kami nung mga panahong iyon, kaya niya iyon nagawa and kaya kami nagkalabuan. Pero, hindi pa rin magbabago ang mga pangyayari. At kahit ilang milyong beses pa siyang humingi ng tawad sa akin, tingin ko matatagalan pa bago ko siya pagkatiwalaan muli. Hindi na ako galit. Ayoko magtanim ng galit kahit kanino. Kaya naman nawawalan lang ako ng tiwala sa mga taong kagaya niya.

Kahit pa nasaktan, hindi naman yun naging reason para hindi ako maging masaya sa buhay ko. Paminsan-minsan, naalala ko pa rin yung mgas nangyari, pero hindi ko hinayaang maka-overcome ako ng lungkot o hatred.

Sa totoo lang, mas naging masaya ako mula nung naghiwalay kami. Nakapag-focus ako lalo sa studies ko, at syempre, mas nagkaroon ako ng time sa barkada ko.

And even before what happened ko to us, super blessed na talaga ako.

I have a very supportive and lovable group of friends. Kahit ano kasing mangyari sa isa sa amin, nariyan lang ang bawat isa para sumuporta. Tulad na lang nung iniwan ako ni Allein, hindi anman ako iniwan ng barkada ko. Kahit pa madalas na mang-asar yung mga iyon, alam kong deep inside, gusto lang nilang pagaanin ang loob ko. :)

Hindi lang naman social life ko ang namunga, syempre yung academic life ko rin. Mula sa pagkapanalo ko nung December sa Reading Proficiency Contest, nasundan pa ito ng panalo namin sa Enggaling nung February. Masaya talaga yon dahil nakapagbigay karangalan kami sa school namin. Isa pang dahilan kung bakit panalong-panalong ang academic life ko eh dahil nang araw ding iyon, nakilala ko si Jhyrus. Iyon ang unang araw na nakita ko siya. At kung hindi dahil sa pagsama ko sa contest na iyon, siguro hindi ko pa rin siya kilala hanggang ngayon.

May ilang school activities at inter-school contests din kaming sinalihan. Although may oras na hindi kami sinuwerteng manalo, naging masaya naman kaming lahat. Sa lahat kasi ng pagkakataon ay natututo tayo, at ito ang mahalaga. Kaya sa mga panahong iyon, inisip na  lang namin na hindi iyon ang oras para sa amin at ang mahalaga ay may bago kaming natututunan.

Isa pa sa pinakamemorable na pangyayari sa akin ngayong taong ito eh ang Math Camp noong November 10.

Kung hindi ko pa nakatext si Kuya Denz eh siguro hindi mangyayari ang lahat ng ito. Sa Math Camp kasi ang-umpisa ang lahat. Dito kami naging magka-grupo at dito ko siya nakilala kahit papaano. Mula sa mga fun activities at maging sa paghuhugas namin ng pinggan ng mga oras na iyon, pakiramdam ko talaga mas nakilalala ko pa siya. Lalo na nung nag-umpisa na siyang mag-open sa akin ng mga personal na bagay.

It Started with a GlanceWhere stories live. Discover now