****

37.4K 574 20
                                    

"Charlene anak" pinilit ko na ngumiti sa Mama ko nang katukin nya ang bintana ng sasakyan saka pumasok na ito sa loob.

"Ma...."

"Charlene Hija nagpapanic at nagtataka na ang mga tao sa loob kanina pa kasi dapat na nagsimula ang seremonyas sa kasal nyo ni Joey, pero halos mag iisang oras na wala pa din sya" bakas ng pag aalala na sabi ni Mama sa akin.

Pakiramdam ko tila tinakasan ang mukha ko ng dugo sa sinabi nito.

"M--ma baka naman na late lang nang gising si Joey.... you know baka napuyat sa pag iisip sa akin" pinilit ko na magbiro dito.

Bumuntunghininga ito at saka napapailing na tumingin sa may side mirror.

"Sana nga Charlene.....sana nga tama ka dahil nakakahiya sa mga tao pag nagkataon" anito.

Pinilit ko na ngumiti at saka niyakap ito.

"Mama mahal na mahal kita" bulong ko dito at natawa naman ito sa sinabi ko.

"Mahal na Mahal ka din namin nang Papa mo at lagi kaming nandirito at handa na palagi ay damayan ka pakatandaan mo yan" wika nito sabay pisil sa pisngi ko.

"Aw Mama mashakit!" Natatawang naiiyak na angal ko sa pagpisil nito sa pisngi ko.

"Di pa din ako makapaniwala na ang baby ko ay dalaga na at eto't mag aasawa na" tila maiiyak na wika nito.

"Ma...." ngumiti ito ulit at hinimas ang balikat ko.

"Dyan ka na muna at pupunta muna ako sa Papa mo para matulungan sya na libangin ang mga bisita natin" paalam ni Mama at saka bumaba na sa sasakyan.

Nakangiting tumango ako dito pero nang mawala na sa paningin ko ang Mama ko at napapikit ako nang mariin at kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko na maghisterya.

Ayoko lamang ipahalata pero lihim na nagpapanic na ako na baka nga di ako siputin ni Joey sa kasal namin.

Di pa ganap na humuhupa ang kaba at takot na nadarama ko nang tumunog ang cellphone ko.

Agad na dinampot ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag...

Nang makita ko ang pangalan ni Joey sa screen ay dali dali ko itong sinagot.

"J---joey nasan ka na?" Agad na tanong ko dito.

"Charlie" bumuntunghininga ito sa kabilang linya at tila kinutuban ako nang di maganda.

"Charlie di ako makakapunta d'yan.... si Diane kasi...." tila natulos ako sa kinauupuan ko pagkadinig ko sa pangalan ng bestfriend nito.

Tila tinusok nang libo libong karayom ang puso....

"What about Diane?" Pumormal ang mukha at boses ko.

"Kasi nakikipag break si Steve at gusto pa nito na ipa annull nila yun kasal nila at si Diane halos di nya makaya at buti na lang tinawagan ko sya kundi di ko mapipigilan sya sa tangka nya na magpakamatay......and Charlie she badly ne----"

"Okay" putol ko sa walang kwentang paliwanag nito.

"Really Charlie thank god you under---"

"Wala nang kasalan na magaganap" sagot ko dito na tila kinabigla nito.

"Pero Charlie"

"The wedding is off! I'm sick and tired that I'm second----no the last one in your priority list Joey,
Bestfriend! Bestfriend! Bestfriend! Cut that cheap bullshit crap lies Joey! Come on....Is she just your bestfriend? Then why you acted as if she is your Wife and I'm the mistress!
God Joey I'm your fiance and this is my special day! the day that finally we unite as one but you choose to be on her side na di mo man lamang inisip ang kahihiyan na dadanasin ko dito dahil mas inuna mo pa ang pesteng Bestfriend mo!" Galit na galit na sigaw ko dito at saka umiiyak na pinagpatayan ko na ito ng cellphone.

Pagkaraan ay nang mahimasmasan ako ay bumaba ako nang sasakyan at pumunta sa may simbahan.

Namataan agad ako ng mga magulang ko at sinalubong ako nang mga ito.

"Charlene...." tila nahuhulaan na ni Mama ang mangyayari kaya niyakap ako nito nang mahigpit.

"Mama pakisabi-----"

"Ako nang bahala anak" putol ni Papa sa sinasabi ko kaya napahagulhol na ako nang tuluyan kaya naaawang inalo ako ni Mama at inilabas na ako nito sa simbahan.....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now