Chapter 3

11.4K 251 4
                                    

Intense na ang nararamdaman kong kaba sa dibdib ko....

Paano ba naman kase....

Si Joey mukhang inindian na ako sa date namin!!!!

Alumpihit na napatayo ako at saka nagpaikot ikot ako dito sa Park na tagpuan naming dalawa....

Joey baby ko where are you na ba?

"Charlene!" Kung may bumbilya na nakalagay sa taas nang ulo ko malamang nagliwanag na yun pagkadinig sa boses nang mahal ko.

Lumingon ako agad dito at sabik na sinalubong ito.

"Joey!" Wika ko sabay yakap sa matipunong katawan nito at napapikit ako nang maamoy ko ang nakaka addict na pabango nito.

Ano kayang pangalan ng cologne nitong mahal ko?

Dapat malaman ko para mabili ko at para pareho na kami nang Amoy ni Joey my love ko!!! Kinilig talaga ako sa naisip ko.

Natawa naman ito at ginantihan ang yakap ko nang walang kasinghigpit at di lang yun hinagkan pa nya ang kanang pisngi ko...

Nalaglag tuloy ang puso ko, pakipulot!

"Kanina ka pa?"

Kaninang kanina pa ako reading ready para sa iyo Joey ko! Kinikilig na bulong nang puso ko.

"Di naman i--ikaw?" Sa halip nagpa demure muna ako.

Dalagang Pilipina yata ito!

Tila nakahinga ito nang maluwag at napakamot ito ng ulo.

"Sorry ha....si Diane kasi nagpa drive papunta sa Parlor para magpaganda eh wala syang driver kaya sorry ngayon lang ako" paliwanag nito.

At bumagsak ang puso ko isama pa ang atay, bituka, pati na bahay bata ko sa nakakaasar na paliwanag nito na syang dahilan nang pagiging late nito.

Si Ever Dearest Bestfriend Diane na naman pala ang dahilan!!!

Kaasar naman panira ng Date!

"Ganun ba? Buti naman at inihatid mo si D--diane kaysa naman hayaan mo syang mag isa na mag commute....you know delikado na ang panahon ngayon" ngumiti ako dito at hinaplos ang matipunong dibdib nito.

Yummy! Kinikilig na naisip ko.

Yeah....yeah... Plastic ka talaga Charlene! Buska nang isip ko.

Lihim na umingos ako sa pambubuska ng pesteng utak ko.

Hmp! Anung magagawa ko eh selosa talaga ako pero dapat magmukha akong Cool mahirap na...

Ayon sa mga statistic eklabu ng mga ex girlfriend ni Joey my love ko na kinaibigan ko para makuhanan ko ng mga impormasyon ay madalas pag nagtatantrums at nagseselos sila kay Diane dahil sa atensyon na iniuukol ni Joey dito at pinapamili ang my love ko kung si Bitchy Girlfriend or si Goody good Bestfriend ang dapat manatili sa piling nya madalas at talagang proven na na si Diane ang pinipili nya.....

And duh! Di ako tutulad sa mga nauna dahil kung kinakailangan I bestfriend ko si Diane gagawin ko matuloy lang ang M.U. Status namin sa In Relationship ang namamagitan na Something Special sa amin ni Joey my love ko!

"Charlene?" Napakurap ako nang madinig ko ang boses ni Joey.

"Why?" Nakangiting tanong ko dito.

Napailing ito at piningot ang ilong ko.

"Aw! Joey!" Angal ko at saka sumimangot dito at humalikipkip.

"Sorry I just can't help it knowing that you always spacing out when you stared at my handsome face" pagyayabang nito na ikinanganga at ikinapula nang mukha ko.

" Joey liliparin ka na nang hangin sa sobrang kayabangan mo" nakairap na tinalikuran ko ito.

Naramdaman ko ang dalawang palad nito sa balikat at sa pagkabigla ko ay bumaba ko ay bumaba ang mga ito yun isa sa dibdib ko habang ang isa ay hinapit ako sa beywang ko at ang mukha nito ay isinubsob nito sa balikat ko.

"Sorry na" anito.

Di ko naman napigilan ang di kiligin dahil sa sweet gesture nito sa akin.

Hinaplos ko ang ulo nito at saka nakangiting humarap na dito.

"Basta ba ilibre mo ako ng ice cream" sabi ko dito na ikinangiti nito nang maluwang.

"Sure so shall we?" Sagot nito at inuumang ang palad nito sa akin na agad na tinanggap ko naman at magkasama na kaming umalis sa park.

-----------

Nakita ko sina Diane at Joey na magkasamang nakaupo sa bench na nasa ilalim ng puno nang Acacia.

Papunta na sana ako sa kanila para makiupo at makigulo sa mag bestfriend.

Pero natigilan ako nang makita na tila sila magkasintahan na naghaharutan at ayaw ko man pero unti unting umaangat ang selos sa dibdib ko at gusto ko na silang paglayuin....

Pero wala akong magagawa pagkat wala naman kaming relasyon na dalawa...

Kung pagbabasehan ang Exclusively Dating Status namin na dalawa....

Wala pa din akong karapatan na pagbawalan ang dalawa sa paghaharutan nila....

Mag bestfriend sila eh!

Kami? Dating Status pa lamang at ayaw ko na mapunta sa M.U. Malabong Usapan ang meron kami ni Joey my Loves ko...?

Napabuga na lamang ako nang hangin at tumalikod na para umalis at di na ako maasar at magwala sa nakakainis na tanawin.

"Joey alam mo nakakatampo ka na" natatawang sabi ni Diane kay Joey.

Nang madinig ko ang boses nito di ko napigilan na mapaikot ang mga eyeballs ko.

"Sorry na po Bestfriend! Pangako babawi ako sa yo"

"Hmp! Ganyan ka naman eh pag may dinadate ka na ibang babae nawawalan ka lagi ng panahon para sa akin" wika ulit ni Diane.

Arte talaga!

Eh halos buong atensiyon ni Joey my love nasa sa iyo na eh!

Muntik muntikanang nang di ako masipot sa mga date namin bruha ka!

"Wag naman, Best alam mo naman na mas mahalaga ka kaysa sa mga girls dyan" pang aamo dito ni Joey pero umingos si Diane dito.

"Hmp! Ewan ko sa iyo"

"Di nga Bestfriend maniwala ka mas mahalaga ka kaysa sa mga gustong makuha ang macho kong katawan"

"Joey!" Angal ni Diane dito pero natatawang hinalikan ito ni Joey sa lips nito na ikinasinghap ko.

Naningkit ang mga mata ko at umahon at umalagwa talaga ang selos sa puso ko.

Mag bestfriend pero naglilips to lips!

Di makapaniwalang agad na tumalikod ako at lumayo sa nakakasugat nang puso na eksena na ito......

Twice A ReboundWo Geschichten leben. Entdecke jetzt