Chapter 28

12.1K 274 18
                                    

Lumamlam ang aking mga mata nang makita ko na himbing na himbing na sa pagtulog ang munting Lucas ko.

Maingat na sumampa ako sa kama at nahiga katabi ni Baby Lucas at maingat na hinaplos ang buhok nito at pagkatapos ay hinagkan ko ito sa noo.

Napaingit ito at tumagilid nang higa patalikod sa akin.

Malapad na gumuhit ang ngiti sa labi ko.
Naalala ko tuloy ang nakaraan kung paano nabuo ang munting anghel ko....

"Joey....please..." namumula ang magkabilang pisngi ko na nagmulat ako ng mga mata ko na nilingap ang namulatan ko at napagtanto ko na nasa kuwarto ako ni Joey bumangon ako at sumandal sa headboard saka naalala ang nangyari kagabi sa amin ni Joey.

Alam ko na parang easy girl ang naging dating ko kagabi....

Humingi lang ng tawad si Joey sa nangyari sa amin dati at nagsalita ng mga matatamis na kataga na tumutunaw sa Puso ko at nagpapalambot sa mga tuhod ko.

Bumibigay agad ako...

Pero anong magagawa ko?

Mahal na mahal ko pa din si Joey at pinagsisisihan ko ang naging desisyon ko na lumayo at iwanan si Joey para hanapin ang sarili ko.

Alam ko kasi sa sarili ko na matagal ko nang nahanap ang sarili ko at kay Joey ko natagpuan ang kaligayahan ako...

One thing na na realise ko ay sa kanya umiikot ang mundo ko...

Sa kanya kuntento ako...

Sa kanya alam ko na kahit maraming mga tukso sa paligid...

Ilang ulit man na magpatukso si Joey at saktan ko.

Isang hingi lang nito ng tawad ay agad agad na tatanggapin ko pa din sya....

Baliw na kung Baliw...

Tanga na kung tanga...basta ang mahalaga masaya ako at ngayon na muli na nagka unawaan kami ni Joey ulit...

Sana maging maayos na ang lahat at wala nang sumira pa...

Napatingin ako sa wallclock at nakita ko na eight na nang umaga.
Tumayo na ako sa kama at saka naglakad papunta sa bahagyang nakaawang na pinto.

Tinatawag na kasi ako ni Inang kalikasan.

Papunta na ako sa CR ng mamataan ko si Joey na nakatalikod sa may pinto at tila may kausap.

Bigla tuloy na nahiya ako sa suot ko na T shirt ni Joey lamang.

Akma na sana akong babalik sa Kuwarto ng madinig ko yung pamilyar na boses na ayaw ko nang maalala ni makita ang nag mamay ari ng boses na yun....

"Joey sorry mukhang naabala yata namin ni Stephan ang tulog mo" anang boses na yun.

Naman! Mayabang na sagot ng isip ko dito.

"Hindi.... ahm...may kailangan kayo ni Stephan?" Tanong ni Joey dito na nagpagatong sa inis na nararamdaman ko kay Diane.

"Dadda!" Anang boses ng isang batang lalaki na tila di kinaya ng sistema ko na tanggapin.

Nakita ko na patalon na yumakap ang batang lalaki kay Joey at nakita ko din na agad na sinapo at tuluyan nang kinarga.

"Anong nakain mo at naisipan mo na dalawin ako ha Stephan?" Natatawang tanong ni Joey dito.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na pagdagundong nito.

Madaming tanong na nagsusumigaw sa isip ko.

Una, sino ang batang yun?

Bakit Dadda ang tawag nya kay Joey?

Bakit sya dala ni Diane?

At isa pa....Bakit tila di pa din maiwan ni Joey si Diane?....

Bakit...parang napakalapit pa din nila sa isa't isa?

"Dadda baka po pwede na samahan mo kami ni Mommy pumunta sa zoo...pleasssseee" narinig ko na pakiusap nung batang si Stephan kay Joey.

Nakita ko na natigilan si Joey at tumingin pa kay Diane at ang mukha naman ni Diane  ay tila nakikiusap kay Joey.

Napabuntunghininga si Joey at pagkaraan ay tumango.

"Yehey!" Pumapalakpak na sigaw ni Stephan.

"Pero wait lang kayo dito okay may pagpapaalam lamang ako" ani Joey.

"M--may kasama ka ba dito sa unit mo  Joey?" Nakakunot noo na tanong ni Diane.

Di ito sinagot ni Joey at sa halip ay binaba ang batang karga karga.

"Saglit lang ako 'kay?" Ani Joey dito at nakangiting tumango ang bata dito.

Ako naman ay agad na napabalik sa kuwarto sabay higa sa kama at talukbong ng kumot.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag nang paa papalapit sa kinahihigaan ko.

"Charlie..." malambing na tawag sa akin ni Joey pero umungol lang ako at nagkunwaring tulog.

Naramdaman ko ang paglundo sa gilid ko tanda na umupo si Joey at ilang saglit pa ay paghaplos nito sa buhok ko at ang paghalik nito sa labi ko.

"Aalis lang ako saglit pero babalik agad ako at mag uusap pa tayo di natin nagawa yun kagabi eh"  anito at pagkatapos ay naramdaman ko ang pagtayo niya at paglalakad papalabas ng kuwarto.

Nang maramdaman ko na tahimik na ang paligid ay dali daling bumangon ako at hinanap ang mga damit ko saka mabilis na nagbihis at nagmamadaling nilisan ko ang unit na yun.

Nang makauwi sa bahay ay agad agad na hinanap ko ang mga magulang ko at nagpaalam agad sa mga ito na babalik na ako sa Chicago at nagdahilan na tinawagan na kasi ako ng Boss ko at pinababalik na sa trabaho.

Nang araw din na yun ay linisan ko ang Pilipinas at after lamang ng Siyam na buwan ay ipinanganak ko na si Baby Lucas.

Ang alam nang Pamilya ko ay nagka boyfriend ako sa Chicago at agad din na naghiwalay kaming dalawa.

At yun ang Ama ni Baby Lucas.

Alam ko na mali na kaduwagan ko ang pinairal ko that time at umiwas na naman ako na masaktan....

Pagkatapos nagsinungaling pa ako tungkol sa kung sino talaga ang tunay na Ama ng anak ko...

Pero anung magagawa ko?

Pag si Diane na ang involve ay kusang sumusuko ang sarili at tinatanggap na lamang na talo na naman ako...

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now