Chapter 27

13.1K 233 15
                                    

Napangiti ako nang matamis nang bahagyang umingit ang batang nasa bisig ko.
Marahan na tinapik tapik ko ang puwit nito at mabagal na iniugoy ko ito gamit ang mga bisig ko.

Pero mukhang nawala na ang antok nito at mulagat ang mga mata at kumibot kibot ang bibig nito at naglumikot ang ulo tila pilit na inaalam kung bakit tila umaandar ang kinalulunanan namin at saka ininat ang dalawang munting mga kamay nito at pilit na nagkakakawag.

"Hi Baby Lucas ko good morning" malambing na bati ko dito.

Pumikit pikit ito at pagkatapos ay nagsimula nang pumalahaw ng iyak na malakas.

Napapangiti na napailing ako.

"Aba....aba ang munti kong baby ang taas ng energy ah" natatawang puna ko dito.

Lalo pang  lumakas ang iyak nito.

"Opo....opo wait lang po Bebe ko" malambing na pagpakalma ko dito habang hinahanap ang feeding bottle nito sa malaking bag na nasa tabi ko.
"Kinukuha lang ni Mommy ang gatas ni Baby Lucas ko" dagdag ko pa.

Agad na napangiti ako ng makita ko na ang hinahanap ko at sabik na kinuha ito at pagkatapos ay maingat na sinalpak ko sa munting bibig ng gutom na gutom nang anak ko.

Agad na tinanggap naman nito ang bote ng gatas nito at sabik at tahimik na dumede.

"Mam nandito na po tayo" anunsiyo ng Driver namin nang nasa tapat na kami ng Bahay ng mga magulang ko.

Di ko napansin na nasa bahay na pala kami kasi naman masyado akong engrossed na engrossed sa aking napakamucho gwapito na anak.

Marahan na ginala ko ang paningin ko sa kabuuan nang kabahayan namin.

Ganun pa din ang hitsura nito at walang pagbabago maliban sa bagong pintura.

Pagkatapos ay tumingin ako sa driver namin.

"Salamat po at nga po pala pakisuyo naman po pakibaba na lang po Mang Kulas yun mga bagahe namin sa likod" pakiusap ko dito.

"Opo Mam" anito at agad na akong bumaba bitbit ang dumedede ko pang Anak at tumuloy na sa may sala kung saan naghihintay ang Mama't Papa ko.

"Ma! Pa! Nandito na kami"  anunsiyo ko.

Sabik na tumayo ang Mama ko at sinalubong agad ako niyakap ng mahigpit at kinuha agad sa akin ang Anak ko.

"Charlene hija!"  Ani ni Mama at hinagkan ako sa magkabilang pisngi ko saka binalingan ang nasa bisig ko. "Ang Apo ko! 'musta na namiss mo ba ang Lola?" Malambing na pagkausap ni Mama kay Lucas na nanlalaki ang mga mata pero tuloy pa din sa pagdede sa bote ng gatas nito.

Natawa naman kapwa kami ni Papa na nakalapit na din sa amin malambing na niyakap ako.

"Glad that you're finally back Charlene ....kayo ni Lucas" wika ni Papa sa akin.

Nakangiting tumango ako dito.

Matagal ko din na pinag isipan ang desisyon na umuwi dito sa Pilipinas at iwan ang mataas na posisyon ko sa kumpanya na pinapasukan ko sa Amerika para tuluyan nang manatili dito.

"Ahm...Pa nasan na nga pala sina Kuya Jasper Ate Themarie at yung dalawang pamangkin ko?" Nagtatakang tanong ko dito ng mapansin ko na sila lang dalawa ang nandito.

"Nasa recognition day ni Percy pero pagkatapos daw nun pupunta na agad sila dito na mag anak" nakatawang sagot ni Papa sa akin.

"Ganun po ba?" Magkapanabay kami ni Papa na naglakad papunta sa may kumedor.

Si Mama ay nauna na sa amin na naglakad bitbit ang anak ko.

"Oo naku napakatalino talaga nang bata na yun ang dami daw na tanggap na awards at sa tuwina'y ang batang yun ay lagi nang nag eexcel sa lahat ng maibigan na gawin mapa sports at pag aaral man dinaig pa ang Kuya mo nun ganun ang edad din ni Jasper" natutuwang pagkukwento ni Papa sa akin.

"Opo nga po Papa napakabibo talaga nun at---"

"Ubod nang pilyo at kulit!" Magkapanabay na wika namin ni Papa at sabay kaming nagkatawanan na dalawa.

"Kayong mag ama tama na muna ang pagtsitsimisan at kumain na muna tayo!" Singit ni Mama sa amin ni Papa.

Kapwa kami napapangiti na sumunod agad sa iniutos ni Mama at agad na dumulog na sa lamesa kung saan naghihintay na ang mga nakahanda nang pagkain at saka masayang  nagsimula kami ulit ni Papa na magkuwentuhan ng makaupo agad kaming dalawa at nagsimula nang kumain....

Twice A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon