Chapter 42

10.7K 218 9
                                    

Kanina pa ako tiim bagang na nakahawak sa manibela ng kotse ko pero di ko naman ito pinaaandar.

Basta nakatanghod lang ako sa bahay nina Charlie.

Totoo na pupuntahan ko si Ate Geneva kasi nagpapasama nga sya sa Ob gyne nya paano di available ang asawa nya na si Kuya Ferdie dahil nasa out of town business meeting ito.

Pero wala akong balak na puntahan ito.
Ang gusto ko lang ay i istalk si Charlie.

Putsa naman! Dapat ako ang ama ng bata na yun eh! Naiiling na sintiemiento ko.

Dumaloy sa alaala ko yung nakita ko na may kausap na lalaki si Charlie sa may terrace.
Pupunta sana ako nung time na yun para bisitahin ang mag ina ko may dala nga akong chocolate at bounquet of roses para kay Charlie pero pagkakita ko dun sa kausap na lalaki ni Charlie ay di na ako tumuloy pa.

Pero anung magagawa ko di ko naman hawak ang kalooban at isip ni Charlie, oo may anak kami....pero may anak din sya sa iba...
Yun kaya yung boyfriend na sinasabi nya dati na nakita ko na kausap nya that night?
Shit talaga! Bakit di ko naisip yung posibilidad na yun?

Pero....di pa din ako susuko nangako ako na aagawin ko si Charlie sa boyfriend nya at pag nangyari yun kami nina Charlie at Lucas ang isa nang ganap na pamilya.

And about sa isa pa nyang anak handa ko din itong tanggapin at pangako ko na ituturing ko din ito na anak ko!

Pero para mangyari yun kailangan gumawa na ako nang actions nasa step one na ako kailangan ko nang gawin ang step two..... isang ngisi ang kumawala sa labi ko.

Pagkaraan ay inilabas ko na ang cellphone ko sa pocket ko at saka nagsimula nang mag dial.

"Hello Mang Teban" agad na wika ko nang sumagot agad mula sa kabilang linya ang tinatawagan ko.
"Uuwi po ako d'yan bukas pakiayos na lang po ang villa" utos ko dito nang umoo ito ay agad nang pinatay ko ang cellphone ko.

Napapangiti na dinampi ko ang aparato sa labi ko at saka muling bumaling sa bahay nina Charlie....

--------------------


Excited na kumatok ako sa pinto nang bahay nina Charlie at nang bumukas ito ay ang kasambahay nila ang bumungad sa akin.

"Hi, ang Ma'm Charlie nyo?" Nakangiti na tanong ko dito.

"Umalis po Sir nag grocery po" mabilis na sagot nito.

At lihim na napangiti ako dahil umaayon ang pagkakataon sa akin.

"Eh si Lucas?" Muli ay tanong ko dito.

"Nandun po sa sala at nanonood" tugon nito at agad na nag excuse ako na papasok na agad naman na pinagbigyan ng kasambahay.

Nang makapunta na ako sa sala ay nakita ko agad ang anak ko na tahimik na kumakain ng piatos habang nanonood ng Cartoons sa TV.


"Lucas..." tawag ko dito na agad na kinalingon nito.

"Daddy!" Agad na sambit nito at saka patakbong lumapit sa akin.

"Whoah! Ang bigat na nang baby boy ko ah" natatawang puna ko nang ganap na makarga ko na ito.

Medyo may kalusugan kasi ito.


Humagikhik lamang ito at malambing na pinatong ang ulo nito sa balikat ko.

Napapangiti na hinimas ko ang likod nito at saka naglakad papunta sa may sofa at naupo dun.

Nilagay ko sa lap ko si Lucas at saka nagsimula nang magsalita.

"Lucas" umpisa ko.

Nag angat nang tingin ang anak ko sa akin.

"Gusto mo bang sumama sa akin sa Davao?" Malambing na tanong ko dito.

Nagliwanag ang mukha nito sa tinanong ko at alam ko na di na ako mahihirapan pa.

Nang mga nakaraan na araw ay inalam ko ang mga hilig nito at napag alaman ko na isa dito ay kabayo which luckily ay madami ako.

Pinakita ko pa dito gamit ang laptop ko ang mga larawan nila at may nagustuhan na agad ito.

Si Croux ang black stallion na sya ko din paborito sa lahat.


"Talaga po Dad?!"nanlalaki ang mga mata na tanong nito sa akin.
"Ibig sabihin makikita ko na po si Croux nang personal?"

At nang tumango ako ay agad na napa yes ito.

"Kaya lang may problema baka di pumayag ang Mommy mo na sumama ka sa akin" malungkot na wika ko dito.

Nalaglag ang balikat nito sa sinabi ko pero ilang saglit lang ay ngumisi ito.

"Eh di Dad wag na po tayong magpaalam pa, sige na po Dad alis na tayo at puntahan na natin si Croux, excited na po akong makita sya in person" pamimilit nito at tinantang pa ang braso ko.

Nagkunwari ako na nag iisip pa pero ang totoo ay lihim na natutuwa ako.
Talagang umaayon sa akin ang pagkakataon.

"Hmm...."


"Daddy!" Napangiti ako sa pagmamarakulyo nito at saka ginulo ang buhok nito.

"Okay,let's pack your things at aalis na tayo para makita mo na si Croux" tugon ko dito.

Sukat sa sinabi ko na iyun ay nagmamadaling tumakbo ito papunta sa kuwarto nito.
Agad na sumunod ako dito para tulungan na mag empake ito at nang matapos na kami ay magkahawak kamay kaming umalis sa bahay nila.......


Twice A ReboundWhere stories live. Discover now