Chapter 45

12.5K 241 7
                                    

Tila ako naalimpungatan nang madinig ko ang matinis na iyak ni Dawn.

Agad na napatayo ako at nilingon si Charlie na nakahiga papaharap sa akin at himbing na himbing pa din sa pagtulog.

Napangiti ako at maingat na kinintalan ng halik sa noo ang pinakamamahal ko.

Pagkatapos ay ang baby princess naman namin na nasa gitna naming dalawa natulog kagabi ang binalingan ko.

Si Lucas ay nasa kabilang kwarto na pinahanda ko para sa kanya natulog.

Nakaupo na ito at umiiyak.

"An,An, An" humihikbing wika nito na tila may hinahanap.

Maingat na kinarga ko ito at mabuti na lang di na ito umalma pa.

Buti na lang sanay na akong mag alaga at kumarga ng bata courtesy of mga pamangkin ko sa dalawang Ate ko.

"Sino bang gusto ng Baby Princess ko na makita? Eh nandito naman ang Dada" Malambing na tanong ko dito at saka ko ito pinaghahalikan na kinahagikhik nito.

"Si Anne ang hinahanap nang anak mo" sagot ng nasa likod ko.

Nasamyo ko ang natural na kaaya ayang amoy nito at di ko mapigilan na din mapalunok.

Kalma Joey! Kalma lang, kaya mo yan....

Lumapit ito at kinuha mula sa bisig ko si Dawn.

"Simula kasi pagkasilang nila magkasama na sila kaya etong si Dawn mas malapit pa kay Anne kaysa sa Kuya Lucas niya at ganun din ang huli naman kita mo naman ang mga pirmeng kasama, sina Percy at Pierre" natatawang dagdag pa nito.

Napangiti na din ako saka kinabig ito at mabilis na kinintalan ng halik ang malambot na labi nito.

"I love you Charlene" sabi ko dito na kinapula ng mukha nito.

"J---joey ha....umagang umaga pinakakabog mo nang malakas ang puso ko, It's bad for my health you know?" Nakayukong sagot nito na tinawanan ko lang.

Kinulong ko ang mag ina ko sa bisig ko at niyakap ng mahigpit.

"Pero mahal ko pag di ko naman sinabi ang nilalaman nang dibdib ko, puso ko naman ang sasabog sa sobrang dami nitong laman" bulong ko dito.

Isang pinong kurot sa braso ko ang tinugon nito.

"Bolero ka talagang siraulo ka, sana di manahin ni Lucas yang matamis na dila mo" wika pa nito.

"Nagsasabi lang ng totoo bolero na" nakalabing angal ko dito saka niyuko si Dawn na tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa.
"Baby Princess, bolero ba ang Daddy di ba hindi naman? Di ba? Di ba?" Pangungulit ko sa bunso namin na tumawa lang.

"Kita mo na? Pati anak mo tinatawanan ka" nakangiting wika ni Charlie.

Sumibi ako at saka tumalikod dito.

Naramdaman ko na nilapag ni Charlie si Dawn sa likod ko at saka ako niyakap mula sa likuran ko.

"I'm sorry Joey binibiro lang kita wag ka nang magtampo please" pakiusap ni Charlie.

Agad na humarap ako dito.

"Okay madali naman mawala ang tampo ko eh, isang kiss lang wala na as in okay na tayong dalawa" nakangiting sagot ko dito.

Napailing ito at saka hinawakan ng dalawang palad ang mukha ko saka hinila pababa para magtagpo ang mga labi namin.

Tatapusin na sana nya ang halik ng kabigin ko sya at di na pakawalan ang malambot na bibig nya.

Binuka ko gamit ng dila ko ang labi nya at pagkatapos ay agad na sinalakay ang loob noon, napaungol si Charlie kaya mas lalo kong pinagbuti ang paghalik dito na tumagal nang ilang saglit at naglayo lang kami nang pangapusan kami nang paghinga.

Nagkatitigan kaming dalawa at kapwa napangiti kahit na kapwa kami hinihingal.

Akma sana na hahalikan ko ulit si Charlie nang umiyak na ang Baby Princess namin kaya naman itinulak ako nito at agad na kinarga nya si Baby Dawn.

"Sorry Darling but Baby Dawn first before our sexy time" nangingiting wika ni Charlie at saka binaba na ang bra at sinimulan nang padedehin ang anak namin.

Umisod ako papalapit sa kanila at saka hinalikan si Charlie sa may gilid ng leeg nya.

Napakislot ito dahil dun.


"Joey stop doing teasing me" anito.


"What? Wala namang akong ginagawa ah" pagmamaang maangang ko dito.

Saka pinagapang ang kamay papunta sa isa pa nyang dibdib at pagkatapos ay pinaglaruan ang nipple nito gamit ang mga daliri ko.

Napaungol ito at napakapit pa ang libre nitong kamay sa braso ko na minamasahe ang dibdib nya.

Bumaba ang mukha ko sa dibdib nito at saka maingat na kinagat ang nipple nito at tila may sumipa sa ulo ko kaya naman lumingon ako at nakita ko ang Baby Princess ko na di na dumedede at nakasimangot nang nakatingin sa akin at sa pagkagulat ko ay sinabutan ang buhok ko.

"Oww Baby Princess ko ba't nagagalit ka?" Nakangiwing tanong ko dito.

"Ayaw na ayaw ni Dawn na inaagawan sya pag dumedede sya akala nya siguro ganun ang ginagawa mo kaya ayan galit ang anak mo sa'yo" si Charlie ang sumagot sa akin.


"Ha? Eh bakit naman ako naman talaga ang first d'yan ah" nakangiwing angal ko dito paano tuloy pa din sa pagsabunot sa buhok ko si Baby Dawn.

"Siraulo ka talaga" natatawang sabi na lang ni Charlie saka inawat na ang anak namin sa pagsabunot sa buhok ko at saka nilapatan ako ng halik sa buhok ko.
"And I Love you too" bulong nito na nagpawala sa sakit nang sabunot ng anak namin sa buhok ko.

Napaupo ako at agad na hinalikan ito sa pisngi.

"And I love you more" anas ko at sinakop na nang labi ko ang labi ni Charlie....

Twice A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon