Chapter 10

11.3K 196 13
                                    

"Charlie! Wait sabay na tayo" tila nanigas ang katawan ko sa boses nang tumatawag sa akin.

At lihim na napasinghap pa ako nang akbayan ako nito.

"J---joey!" Nanlalaki ang mga mata na tumingala ako dito.

Ngumiti naman ang hudas na two timer na hudyo sa akin!

Hah! Akala nya madadaan nya ako sa mga ngiti nya na yan?

Pwes manigas sya!

Nakasimangot na binaklas ko ang nakaakbay nyang braso sa balikat at mabibilis ang mga hakbang na humakbang papalayo dito.

"Charlie what---- teka sandali!" Tawag nito sa akin saka ako mabilis na nahawakan sa kamay ko at humarap sa akin.

Nanatili akong nakayuko mahirap na baka di ako makatiis masampal ko lang tong hudyo na ito!

"Charlie please look at me" malambing na pakiusap ni Joey sa akin saka inangat ang baba ko para maglapat ang mga mata namin.

Hala Charlie wag kang padala sa mga expressive and shining shimmering eyes nya.... Mabokya ka na naman sige ka!

"Charlie kausapin mo naman ako may galit ka ba sa akin? Please tell me ayoko nang ganito na parang iniiwasan mo ako" muling untag nito sa akin.

Iniwas ko ang mga mata ko na makipag meet sa mga mata nya.

"Sino bang nauna sa akin ha Joey?" Balik tanong ko dito.

Nagtaka naman ito sa tinanong ko.

"Huh?"

"Don't huh me you jerk nagka girlfriend ka lang di mo na ako tinatawagan, tinetext at inaayang kumain tapos nagtataka ka kung bakit kita iniiwasan eh ikaw ang nauna" sagot ko dito at nagkunwari na galit dito kahit ang totoo nyan ay na brokenhearted ako sa gunggong na ito at nagpasya na lang ako na dumistansiya dito para makalimutan ko na ito.

Ang totoo nyan ay tinetext naman nya ako kaya lamang di ako nagrereply kasi nga di ba nabokya ako dito....

Stupid talaga yan si Cupid tatamaan na lang nya si Joey para main love sa akin sumemplang pa!

Kaasar talaga!

"Yun lang ba?" Nagulat pa ako nang tumawa ito nang malakas.

"Anung yun lang ba? Big deal yun sa akin!" Naiinis sa sagot ko dito.

Nagulat na naman ako ulit nang yakapin nya ako nang mahigpit.

"Sorry sorry talaga!" Natatawang binitiwan na ako nito at saka hinawakan ang palad ko at hinila ako sa may pinakamalapit na bench at naupo kaming dalawa.

Namayani ang sandaling katahimikan sa amin bago ito muling nagsalita.

"Break na kami" tatlong salita na ang hatid sa akin ay walang kasingsaya.

Bigla parang may nagsabog ng confetti sa akin at nagsicheer sa akin na mga angel.

"Hah? P--pero bakit?" Pinipigilan na mapangiti kaya naman yumuko na lang ako mahirap na makita ako ng hudyo na ito na masaya sa nangyari sa binalita nito sa akin.

Nagkibit balikat ito saka nagulat pa ako ng humiga ito at umunan sa lap ko tapos nakatingala ito sa akin at nakangiti kaya naman di ko mapigilan ang sarili ko na mapalunok at lihim na maglaway dito sa isip isip ko ay kung anu anong naiisip ko nandun na ang halikan ito o kaya magtapat nang pagsintang pururot ko dito....

"Just like my past girlfriends nagseselos din sya sa closeness na meron kami ni Diane at kahit anong paliwanag ko na magkaibigan lang kami ni Diane ay di sya naniniwala so.....I called it quits" paliwanag nito.

Di ko naman masisisi yun Diane na yun na magselos kasi kahit ako man yun magseselos din ako dahil kitang kita naman na iba ang treatment ni Joey kay Diane compared sa mga Girlfriends nya kahit nga sa akin di naman sya ganun ka attentive na kapares nang kay Diane....urgh...I hate those moments pag naiisip ko ang mga yun....

"Then may bago ka na bang pinupursue na bagong Igigirlfriend?" Kaswal na tanong ko dito at di ko mapigilan ang mga daliri ko na suklayin ang malambot na buhok nito.

"Nope, past na muna ako sa mga ganyan nakaka stress lang kasi" sagot nito saka muling nakipag titigan sa akin.

Nakaramdam naman ako nang pagkailang sa paraan nang pagtitig nya sa akin.

"Oh bakit titig na titig ka sa akin?" Nakangiti kong tanong dito.

"Wala lang na miss kasi kita lagi mo kasi akong iniiwasan at pag magkakasalubong tayo mabilis kang iiba ng direksiyon pag naman magtetext ako sa iyo di ka naman magre reply" nakasimangot na angal nito sa akin.

"Dahil po may girlfriend ka na po at nagtatampo ako sa iyo di ba?" Nakairap na sagot ko dito.

Lalo naman lumawak ang pagkakangiti nito at saka mabilis na bumangon at nilapit ang mukha nya sa mukha ko.

Nahigit ko ang paghinga ko nang madama ko sa mukha ko ang mainit at mabango nyang hininga...amoy mint at lihim na kinilig ako at mabilis na napapikit ako.

Eto na ba ang moment na hinihiling kong mangyari?

Ang moment nang first kiss namin ni Joey my Loves?

Pero nadismaya na naman ako nang dumapo ang malambot na labi nya sa noo ko na naman!

Naiinis na nagmulat ako ng mga mata ko at tumingin kay Joey na nakangisi na.

"Tara meryenda tayo libre ko!" Anyaya nito sabay hila sa kamay ko.

Matamlay na napasunod na lang ako dito...

Wala eh malas talaga kailan ba ako makakaalis sa first base?

Twice A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon