Chapter 4

10.5K 226 2
                                    

"Charlene!" Napalingon ako sa sumigaw sa pangalan ko.

Pero agad din na tumalikod ako at nakasimangot na binilisan ang paglalakad.

"Charlene wait!" Sigaw ulit nito.

Manigas ka two timer!

"Charlene ano ba?" Nagulat pa ako nang hawakan ako nito sa braso ko sanhi para mapatigil ako sa mabilis na paglalakad ko.

Inis na binaklas ko ang kamay nito sa braso ko.

Nagulat naman ito sa inakto ko.

"Charlene why? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Joey sa akin pero inismiran ko ito at agad na tinalikuran ito.

"Charlene ano ba?" Pero agad na nahawakan ako ulit nito.

Pagkaraan ay humarap ito sa akin.

"Charlene may problema ba tayo na di ko alam?" Tanong nito.

Dagling naningkit ang mga mata ko dito.

"Bakit di mo itanong yan sa sarili mo ha Joey" balik tanong ko dito.

Kumunot ang noo nito saka inis na napailing.

"As far as I know okay naman tayo last sunday di ba?" Tukoy nito sa naging date namin nun nakaraan.
"Then after that di mo na ako pinapansin or rather iniiwasan mo na ako since yesterday pa....Charlene kung may problema ka sa akin please tell me" anito at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Tinatanong mo ako kung anung problema ko?" Inis na pinalis ko ang nakahawak na mga kamay nito sa balikat ko. "Akala ko may namamagitan na something sa atin dalawa pero para pala sa iyo wala!"
sigaw ko dito.

Napailing ulit ito.

"Charlene I don't understand what are you trying to say, don't talk to me in riddles,mahina akong
pumik up" anito.

Napasibi ako at di ko na napigilang ang sarili ko na pagsusuntukin ang matigas at mamasel na dibdib nito.

Kaasar I samurai ko itong pandesal na ito na naging tostado na sa tigas ang dibdib nito eh!

"Charlene stop it! Masakit na ah! Di ako Man of Steel katulad ni Adam Gwapo lang ako at makarisma! Pakidagdag na din na matalino ako at tanga yun si Adam madalas pero wag mo nang itsismis sa kanya at baka Ipashoot to kill ako nun " Naiiritang kinuha nito ang dalawang palad ko at itinaas saka inilapit ang mukha sa mukha ko at ngumiti ng ubod ng tamis at letse pakiramdam ko tutulo na ang laway ko.

Yummy talaga eh!

"Charlene ano na? Na inlove ka na naman sa kagwapuhan ko ano?" Tudyo nito sa akin.

Ang ngiti nito ay naging pilyo na na nakakabwisit at nakakalaglag nang panty na!

"Ulol mo! Bitiwan mo nga ang kamay ko peste ka break na tayo two timer" naiinis na binelatan ko ito at mabilis na tinulak ito para makatakbo na at makalayo sa hudyo na hambog pa na lalaki na ito.

"Charlene!" Sigaw ulit nito pero binilisan ko na ang pagtakbo ko.

----------------

Amused na napapangiti na nasundan ko na lamang ang papalayong si Charlene.

Me two timer?

Kailan pa? Napailing ako sa naisip ko pagkaraan ay mapait na napangiti.

Isa lang naman ang gusto ko....pero di kami pwedeng dalawa lalo't may mahal na s'yang iba... nalungkot ako pagka alaala sa lihim na itinatago ko.

Napapitlag ako nang may mariin na humawak sa balikat ko.

Gulat na napalingon ako dito at parang gusto ko nang tumakbo sa takot pagkakita sa madilim na mukha ni Adam.

"U--uy Adam kanina ka pa dyan?" Alanganin na tanong ko dito.

Madilim pa din ang mukha nito na tinanguan ako.

Patay na! Sa isip isip ko nagbibilang na ako ng mga bituin na makikita ko mamaya maya lang base na din sa mukha ni Jake Adam.

Ngumiti ito nang nakakatakot na trait na nang lalaki na ito pag may iniisip ito na di maganda.

"Di ko alam na matalino na palang matatawag ang mga torpe at tangang katulad mo idagdag pa ang pagpapaiyak mo sa mga babae dahil di mo magawang dumiga at ipagtapat kay D---"

"Adam!" Namumula ang mukha na awat ko sa pangalan na babanggitin nito.

Mahirap na at baka may makadinig!

"Fine pero di kita mapapatawad sa pagtawag mo sa akin nang tanga!" Anito at bigla na lang akong binigwasan nang suntok sa sikmura ko.

Napalunod ako sa sakit na dulot ng pagsuntok nito sa sikmura ko.

Sabi ko na eh!!Gwapo lang ako at makarisma di ako sanggano katulad nitong gago na ito!

"Fuck you Adam ang sakit nun ah!" Angal ko dito.

Pero inismiran lamang ako nito at tinalikuran na ako.

"Siraulo ka talaga Adam! Naku pag ikaw naloko sa chicks dasal ko gawin ka nyang laruan at robot na sunod sunuran sa bawat gusto nya!
At pag nangyari yun akin ang huling halakhak!" Pang aasar na sigaw ko dito.

Napahinto ito sa gulat ko at mas madilim na ang mukha nito kaysa kanina nang lumingon sa akin at saka nagsimula nang humakbang palapit sa akin.

Naku patay na! Napalunok ako at napatayong bigla at saka kumaripas nang takbo palayo dito.

Lord pangako makaligtas lamang ako sa nakakatakot na kaibigan kong yun magpapagawa ako nang Chapel nyo pag yumaman na ako ah hindi simbahan na at dun ako magpapakasal! Piping panalangin ko habang habol ko ang hininga ko sa walang tigil na pagtakbo ko.

Lumingon ako kay Jake pero wala na ito kaya naman napahinto na ako sa pagtakbo ko.

Wala na?

Nakahinga ako nang maluwag at sakto pagharap ko ay matigas na kamao ni Adam ang sumalubong sa akin.

Nagdidilim ang paningin na napatihaya ako at bago ako mawalan nang malay nakita ko pa si Adam na hinihipan ang kamao na pinangsuntok sa gwapo kong mukha at saka muli ay tinalikuran ako.

Lord iniiba ko na po ang pangako ko!
Next time na lang yun pag mayaman na mayaman na ako,

Ang panata ko na lamang ay wag biruin ni sa isip ang gago na yun!
Huhuhu mamatay ako nang maaga nito eh!
At saka nga po pala magpapagawa muna ako nang ilong mukhang nawalan na nang tangos eh sa lakas ng suntok ni Adam! Daing ng isip ko bago ako mawalan nang malay.




Twice A ReboundWhere stories live. Discover now