Chapter 23

14.5K 305 10
                                    

This is really it is....I'm here again Manila....bulong ko sa sarili habang hila hila ko ang maleta papunta sa Arrival Area.

Actually mga pasalubong lamang ang dala dala ko saka ilang underwears di na ako nagdala nang mga damit kasi sandali lang naman ako dito kailangan na makabalik din agad ako sa trabaho ko kasi one week leave lamang ang paalam ko,
Isa pa marami naman akong damit sa bahay namin,

I'm sure pinalabhan na yun ni Mama sa labandera namin.

Ayaw ko man na umuwi ayoko naman mamiss ang kasal ni Kuya Jasper at Ate Themarie.

Yeah...Finally and Officially they are back together and their relationship is going stronger and stronger at in two days time muli na naman silang magpapakasal sa Church naman this time.

Dapat two years ago pa sila ikinasal kaya lang ang sabi ni Mama ayaw pa ni Ate Themarie kasi nga daw kamamatay pa lamang nang Ina nya and at the same time nagluluksa din ito para kay Princess kahit na matagal nang namatay ito.

Saka isa pa ay ayaw nilang mag asawa na magpakasal if di ako ang magiging Bridesmaid ni Ate Themarie.

Kaya no choice ako kundi pumayag at ngayon nga ay eto na ako para gawin ang partisipasyon ko sa Kasal nang Dalawa.

Isa pa kahit na malapit na kami ni Ate Themarie ngayon sa isa't isa a part of me ay nagiguilty pa din sa mga time na binibitch ko lagi ang Sister in Law ko.

Di naman Excuse na bata pa ako that time at mas malapit ako at mas gusto ko si Mikaela para kay Kuya Jasper di pa din tama ang mga actions ko kay Ate Themarie.

Now that I understand her now more than ever kasi naranasan ko na din ang one sided love thingy na yan.

Pag naiisip ko ang mga panahon na sinayang ko sa paghabol at pag intindi kay Joey wala pa yun sa naranasan ni Ate Themarie kasi ako I have my parents, my brother....pati na ang bubwit kong pamangkin samantalang sya she have to deal to the hatred of people around her tapos yun sakit nang kalooban kasi buong akala mo di ka buo na may kulang sa iyo tapos malalaman mo na di pala totoo yun at may nagsinungaling para di ka sumaya kahit konti man lang and I admired my sister in law kasi pinatawad nya ang Mama ko and she break the Ice between Mama and Kuya Jasper kasi pag nagvivideo chat kami napapansin ko na bumalik na yun dating closeness  nina Mama at Kuya Jasper thanks to Ate Themarie.

Isa pa kung pakakaiisipin ko naman sa Apat na taon namin na magkarelasyon kaming dalawa ay sumaya naman ako talaga maaaring may mga times na malungkot ako pero mabibilang lamang sa mga daliri ko ang mga pagkakataon na yun.
Nung nalaman ko na pinagtaksilan nya ako nasaktan ako sino ba naman ang hindi masasaktan pero natanggap ko, tinanggap ko kasi bahagi naman yun talaga nang proseso na pagdadaanan nang mga magkarelasyon madalas yun matagal na like sa mag asawa.

Mas masakit yun kasi malay mo that time may mga anak na pala kayo.
At masasaktan ka man maghihinakit, o kaya gusto mong hiwalayan magdadalawang isip ka na gawin kasi nga may mga bata nang involved.

Yun sa amin ni Joey napaaga lamang.
Nalaman ko ang kataksilan nya,
Umamin sya, humingi sya nang Sorry pinatawad ko,
Nangako sya na di na mauulit at ramdam ko na talagang pinilit nya na tuparin.

Sumablay nga lang...

At napagod na ako,
Natakot na muling magtiwala,
Sumubok at umasa kaya kinailangan ko na pakawalan sya.

Mahalaga man ako sa kanya,

Mahal ko man sya,

May mahal naman syang iba eh,

Masakit ba? Oo naman nuh limang taon din yun eh isama mo pa ang dalawang taon na pag iinstalk ko sa kanya.

Nakapag move na ba ako?
Tatlong taon at kalahati pa lamang ang nakalipas nasa acceptance stage pa lamang ako malayo layo pa ako dun,

Mahal ko pa nga ang gagong Joey
na yun!

"Oi! Titang ubod nang pangit!" Awtomatikong  Napasimangot ako pagkakita ko sa damuhong pamangkin ko na ang lakas sumigaw nang pangit sa akin.

Mabibilis ang mga hakbang na lumapit ako dito at mabilis na kinutusan sa ulo.

"Ang pangit mo talaga Tita!" Nakasibi na angil nito sa akin saka ako tinulak at inayos ang naka gel na buhok nito.

"Mas pangit ka Percy kamukha mo kaya si Kuya Jasper eh magkahawig kaming dalawa eh di pangit ka din?" Nang aasar na biro ko dito.

Umismid ito.

"Di ko kamukha si Daddy wag kang mangarap si Mommy ang kamukha ko" sagot nito.

Napailing na lamang ako dito at nakataas ang isang kilay na pinagmasdan ito nang mabuti.

Kasi naman sino bang may mata ang nakakakita ang maniniwala dito eh habang lumalaki ang damuhong pamangkin ko na ito ay nagiging kamukha ni Kuya Jasper ang mukha pati na ang kilos.....umm wag na lang natin isali ang pananalita at pag iisip kabaligtaran talaga ito ni Kuya Jasper.

Kung anong behave ni Kuya siya naman kulit nito, idagdag mo pa na ubod nang pilyo ito na lumala yata nang tumuntong ito sa edad na pito.

"Ang Mommy at Daddy mo nasan na o kaya sina Mama at Papa?" Nagtatakang tanong ko dito nang mapansin ko na nag iisa lamang ito.

"Si Mommy wala masakit kasi ang head nya kaya pumunta sila sa hospital para magpa check up sina Lolo at Lola nasa house tara na nga po!" Sagot nito sabay hila sa kamay ko.

"Wait!" Gulat na napasunod na lang ako dito hila hila ang maleta ko at nang makalabas na kami nang Airport agad na nakita ko ang Driver ni Papa na naghihintay sa amin at nang makita na nya kami na papalapit na ay agad na sumalubong ito sa amin at kinuha ang maleta na dala dala ko at inilagay sa likod nang sasakyan tapos pinagbuksan kami nang pinto nang sasakyan at nang makaupo na kami ni Percy ay agad na sumakay na din ito at pinaandar ang makina nang sasakyan at ilang sandali pa ay umandar na ito.

Nang medyo malayo na kami ay binalingan ko si Percy na kumakain nang Hersheys.

"Percy mag isa ka lang na sumundo sa akin?" Gulat na tanong ko dito.

Umikot naman ang mga mata nito.

"Baka Tita Charlie may kasama ka at naiwan mo ipapabalik ko kay Mang Danilo ang Car" sarkastikong sagot nito.

"Percy!" Naiinis na tawag ko sa pangalan nito.

"Mang Danilo may kasama ba tayo dito. Ghost? Wala kasi akong makita eh" tanong ni Percy kay Mang Danilo na tinawanan lamang nito.

"Naman Mang Danilo pati ba naman ikaw" namumulang puna ko sa Driver namin saka muling binalingan si Percy.
"Naman Percy kasimple simple nang tanong ko di mo masagot nang diretso"

"Duh nagtanong ka ba sa akin po?
Di ko alam saka mag thank you ka na lamang po at nag effort pa ako na sunduin ka kakaasar ka Tita Charlie" sagot nito saka muling kumagat nang Hersheys.
"Pumunta ka lang nang Chigago, Naging Slowpoke ka na po" dagdag pa nito.

Aba't! Napapailing na di makapaniwalang natapik ko na lamang ang noo ko.

Hay naku naman talaga  magkaroon ka ba naman nang pamangkin na di mo masakyan ang galaw nang utak!!

Twice A ReboundHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin