Chapter 25

14.2K 282 7
                                    

"Are you ready na ba Ate Themarie?" Nakangiting tanong ko sa Sister In Law ko na halata sa mukha na kinakabahan ito.

Pilit na ngumiti ito sa akin at saka dumungaw sa bintana nang sasakyan na kinaroroonan namin.

Handa na ang lahat at nakita ko na kumakaway na si Percy sa amin na napaka gwapito talaga sa mini barong na suot nito at itim na slacks at sapatos katulad din nang Suot ni Kuya Jasper.

Mag ama talaga....gusto nila na lagi silang terno...

Siguro masaya sa pakiramdam ang magkaroon na nang sariling Baby ko...
Afterall Twenty Six na ako at malapit nang mawala sa kalendaryo....

Pero ang malaking problema wala naman akong boyfriend sa ngayon...

Napapailing na bumaba na ako nang sasakyan  nang sumenyas na ang Wedding Coordinator sa amin na mag uumpisa na ang kasal at saka pumunta sa may pinto nang sasakyan sa tapat ni Ate Themarie at binuksan ito saka inalalayan na makalabas.

Halata kasi sa maamong mukha nito na simple lamang ang pagkaka make up na di maganda ang pakiramdam nito na dala marahil nang pagbubuntis nito sa pangatlong anak nila ni Kuya Jasper.

Nang makauwi na kami ni Kulit ay nandun na sina Kuya Jasper at Ate Themarie na nakahilig sa balikat ni Kuya pati na sina Mama at Papa at nang tinanong ni Percy kung ano nang resulta nang pagpapa check up ni Ate Themarie sa Doktor ay nakangising binalita agad ni Kuya Jasper na buntis na ulit si Ate Themarie.

Natutuwa naman na agad namin binati silang mag asawa nina Mama At Papa pero si Percy ay tinanggal ang suot n sandals at saka pinukol sa Ama nito na kinagulat naming lahat.

"Ouch Baby Percy ba't bigla mo naman na binato ako?" Nakangiwing tanong ni Kuya Jasper sa anak nito.

Pero inungusan lamang ito ni Percy at malambing na  yumakap sa Ina nito.

"Mommy bad si Daddy right? Paano kung mag sleep na naman kayo kasi may little brother na ako sa Tummy nyo? Mawawala ulit kayo sa amin?" Nakasibi at naluluhang tanong ni Percy kay Ate Themarie na hinaplos ang mukha nang pamangkin ko at saka hinalikan sa noo nito.

"Of course not Baby ko di na mangyayari ulit yun isa pa nangako ang Daddy mo lagi nya tayong aalagaan at babantayan kaya cheer up na Baby Percy ko sige ka baka malungkot na ang little baby brother or sister mo sa tummy ko kaya smile ka na please" malambing na pakiusap dito ni Ate Themarie na pinunasan ang mga luha sa mukha nang pamangkin ko na agad na tumango at ngumiti.

Nakangiting lumapit sa mga ito si Kuya Jasper at niyakap ang mag ina nito.

"Group hug na tayo Mga Baby para matuwa na ang Baby Pierre natin" ani ni Kuya na tinawanan lamang nang mahina ni Ate Themarie at kinairap ni Percy.

"I hate you pa din Daddy dapat bili mo ako nang madaming Ice cream mam'ya para mawala ang hate ko sa'yo at saka ang pangit nang Pierre na name po Dad dapat Pierro na lang!" Angal at kundisyon ni Percy na agad naman na tinanguan ni Kuya Jasper.
Pagkatapos nun ay si Percy na mismo ang yumakap kay Kuya Jasper na nakangising kumindat sa akin na tinawanan ko naman.

Masaya ko silang pinagmasdan at ayaw ko man ay nakaramdam ako nang panananghili sa Kuya ko na masayang masaya na sa pamilya nya ngayon at panghihinayang na kung sana pumayag ako sa gusto ni Joey na ituloy na namin ang Kasal namin noon baka ngayon may mga anak na din akong inaalagaan.....

"Ate Themarie halika na magii start na daw" nakangiting sabi ko dito.

"Thank you Charlie kinakabahan nga ako eh" nakangiwing sagot ni Ate Themarie sa akin.

"Don't be nervous Ate Themarie dapat happy ka lang kasi eto na yung pinahihintay nyong araw na sa wakas may Basbas na nang Simbahan ang pagsasama nyo ni Kuya Jasper" wika ko dito na nakangiting tinanguan nito at saka niyakap ako nang mahigpit na agad ko din ginantihan nang Yakap.

Nang magbitaw na kami ay nagkatawanan pa kami at ilang sandali pa ay umayos na kami nang Puwesto at nagsimula na kaming maglakad sa Aisle.

Nauna na si Percy na sila nilang ring bearer na nakangiti at nang makalapit sa Ama ay patakbong tumalon dito na agad naman nasalo ni Kuya Jasper at pagkatapos ay niyakap ito ni Percy at ayaw nang magpababa kahit anung gawin pakiusap dito nang Ama.

Kaya naman wala na kaming nagawa kundi ang magpatuloy nang makalagpas na ako at makalapit na si Ate Themarie ay nagpababa na si Percy sa Ama at lumapit agad sa Ina at pinugpog nang halik ang mukha nito.

Pagkatapos ito pa mismo ang naghatid kay Ate Themarie kay Kuya Jasper na ikina amuse nang lahat namin naroroon sa Simbahan maski na yun Pari nakangiti din.

Nang makaupo na ako sa tabi nina Papa at Mama ay masaya kong pinagmasdan ang Kapatid ko na larawan nang Isang lalaking mahal na mahal ang Pamilya nya.

Habang sinasabi nilang Dalawa ang mga Vows nila sa isa't isa at isinusuot ang mga singsing ay di ko mapigilan na di mapaiyak at muli ay mananghili sa Kapatid ko.

Kasi naman natagpuan na nya yung Happy Ending nya samantalang ako.

Eto pa din mag isa....

At Broken Hearted pa din....

Ang tagal pa bago maka move on...

Sana may anak na din ako para di naman ganun kalungkot ang buhay ko.... piping nahiling ko at tila may sariling utak ang ulo ko pagkat kusang gumalaw ito at napadako sa isang pamilyaw na bulto nang Isang lalaki na tila ba kanina pa nakatitig sa akin......

Joey......


Twice A ReboundWhere stories live. Discover now