Chapter 37

11.1K 251 8
                                    

"Lucas wait lang!" Humihingal na tawag ko sa napakahyper na anak ko na takbo ng takbo sa mall na kinaroroonan namin.

Lumingon naman ang anak ko saka ngumisi at mas lalong binilisan ang pagtakbo papalayo sa akin.

"Ay ano ba yan!" Tili ng nakabangga ko na dalaga.

"Naku po Miss sorry po hinahabol ko po kasi yung anak ko mauna na po ako" agad na hingi ko nang dispensa dito at nagpatuloy na sa paghabol sa magaling kong anak.

Naku naman ba't pa kasi ako pumayag payag na sumama pa si Lucas sa amin ni Cameron eh alam ko naman na ubod nang kulit nito... napapailing na wika ko sa sarili ko.

Kasi kanina papaalis na sana kami ni Cameron para sa check up nya nang bumulaga sa amin si Lucas na nasa loob na nang sasakyan at nangulit nang sumama sa amin.

Ayun kami naman ni Cameron nagpadala sa charms ni Lucas, pumayag eto tuloy ako hingal at pagod na kakasunod sa anak ko.

Malapit na ako sa may foodcourt nang mamataan ko si Lucas na may kausap na batang lalaki na sa pakiwari ko ay sing edad lamang nya at marahil ay ang tatay nito mismo.
Di ko kita ang mukha ng dalawa nakatalikod kasi sila.

"Lucas!" Tawag ko dito na kinalingon naman agad ng anak ko.
Agad na lumapit ako dito at saka hinawakan ang kanang kamay nito.

"Mommy ... " malambing na ngumiti ito sa akin na inirapan ko lamang.

Alam ko naman na ginagamitan lamang nya nang charms nya para di ko na kagalitan.

"Halika na Lucas at balikan na natin si Tita Cameron mo sa pinag iwanan natin sa kanya at baka naiinip na yun" sabi ko dito at saka kinarga na ito at akma na sanang tatalikod nang may tumawag sa pangalan ko.

"Charlie" nagtatakang lumingon ako sa matangkad na lalaki na ngayon ay karga karga na din ang anak nito kapares ko.

Ilang saglit bago nag sink sa utak ko kung sino bago ako malakas na mapasinghap.

"Adam is that you?" Nakangiting tanong ko dito at ngumiti ito sa akin saka tumango.

"Sorry Adam di kita agad nakilala, teka yan na ba ang anak mo?" Sabay turo ko sa batang humilig pa sa balikat ni Adam.

"Yeah my little Rowan, Rowan say hello sa Tita Charlie mo saka sa anak nya"  malambing na utos nito sa anak.

Agad naman na tumalima ito sa utos ng Ama.

"Hello po sa inyo" nakangiting bati nito sa amin.

"Hello din Rowan, ahm si Lucas anak ko" pagpapakilala ko kay Lucas.
"Lucas mag hello ka din anak sa Tito Adam mo at kay Rowan" utos ko dito.

"Eh why pa po we already know nah po each other no need na po mag hello" angal nito.

"I insist Lucas" giit ko dito at napakamot na lamang ito sa ulo nito saka humarap sa mag ama.

"Hellow po" wika nito at saka kumaway pa sa mag ama.

Natawa si Adam ng mahina dito.

"Ahm. ...may kasama kayo?" Tanong ko dito.

"Yes nasa tindahan ng mga stuff toy ang mag ina ko kasi gusto ni Johanna na bumili ng teddy bear na singlaki nya" sagot nito at napatango na lamang ako dito.

"Paano mauna na kami nang anak ko ha Adam? May kasama kasi kami baka naiinip na yun" paalam ko dito kasi naman naiilang ako at kinakabahan sa matiim na pagtitig na pinupukol nito sa anak ko.

Kasi naman habang lumalaki si Lucas mas nagiging carbon copy ito ni Joey at alam ko na napakatalino ni Adam, ubod ng talino talaga at tuso kaya nakakatakot kalabanin dahil panigurado na talo ka na agad di pa nag uumpisa ang laban.

Ngumiti ito at saka tumango lamang kaya naman agad agad na tumalikod na ako at naglakad papalayo sa mag ama....





-------------


"Sino 'yung kausap mo Jake?" Tanong ni Reona kay Jake nang mapansin nya na di mawaglit ang mga mata nito sa mag ina na papalayo na dito.

"Charlie, Joey's ex fiance" sagot nito.

"Talaga?" Di makapaniwala na sinundan ko ulit nang tingin ang malayo nang pigura nito.

"Yes and I having this feeling na may tinatago si Charlie kay Joey na dapat n'yang malaman" sabi pa nito.

"Jake Adam" sita ko dito mukhang may binabalak na naman ito na di maganda.

Tumawa ito nang malakas na lalong nagpagwapo dito at nagpatalbog nang malakas sa puso ko.

"Just Ignore it Reona, tara kain na tayo gutom na daw si Rowan natin" aya nito sa akin at sakto kumalam na ang sikmura ko kaya naman agad na pumayag na ako at magkakahawak kamay kaming tatlo nina Johanna at Jake at karga naman nito si Rowan na pumunta na sa paborito naming restaurant... ..

--------

Sumasakit na ang ulo ko kakabasa sa mga financial report at gusto ko na ngang ibalibag ito dangan lamang ako din ang kawawa sa huli kasi uulitin ko na naman na ireview ito.

Mula pa pagdating namin galing hawaii ay pulos trabaho na ang inatupag ko kasi nga ako na ang namamahal nang kumpanya dahil si Papa ay tuluyan nang pinagretiro ni Mama.

Napapitlag pa ako nang may pumalo ng folder sa ulo ko at pag angat ko nang tingin nakita ang demonyitong si Adam na nakangisi pa.

Shit! Sa sobrang busy ko di ko na namalayan na nakapasok na pala ang gunggong na ito!

"Napadalaw ka dito?" Asar na tanong ko dito nang prenteng umupo ito sa silya na nasa harap nang mesa ko.


"I want to proposed to my Reona" sagot nito.

Buti pa itong lalake na ito kahit ubod ng tuso at sama nang ugali ay may happy ending.....samantalang ako....WALA!  Asar na sintimiento ko.

Sumimangot ako dito.

"Eh di gawin mo, ano ako Tatay mo na kailangan mong pagpaalaman pa" naiinis na sagot ko dito.

Ngumisi ito at saka inabot sa akin ang folder na inihampas nya kanina sa ulo ko.

"Ano 'to plano na agad agad di pa nga ako pumapayag" angal ko dito.

"Just read ito consider it as my thank you gift pag pumayag ka na mag isip nang magandang marriage proposal ko sa Reona ko" anito.

Kaya naman nagkibit balikat ako at binuksan na ang folder at habang binabasa ko ang mga nakasulat dito ay di ako mapakaniwala at kahit tapos ko nang basahin ito ay blangko ang utak ko.

"Ano na Joey?" Pukaw ni Adam sa akin.

Bumaling ako dito at saka dahan dahan na ngumisi at tumango dito....





Twice A ReboundWhere stories live. Discover now