Chapter 15

11.6K 216 26
                                    

"Charlie----" napapalunok na tangka ko na ipaliwanag kay Charlie yung sinasabi nang pamangkin nya na si Percy tungkol sa nakita nito.

"Please Joey masama ang pakiramdam ko kaya di ako makakasama sa kasal ni Adam at Lucille" pormal ang mukha na humarap sa akin.

Kaya alam ko na galit na galit ito sa akin at ayaw nya akong makaharap kaya tumango na lang ako dito at tumalikod na.

"At wag ka nang babalik pa" natigilan ako sa paghakbang sa nadinig ko pero nakasara nang pintuan ang nakita ko.

Blangko ang Isip ko na nakatanga sa may pintuan nang may magsalita sa likuran ko.

"Yow Titong Walang Forever!" Agad na lumingon ako sa nagsalita pero napapikit din ako nang tapunan nya ako nang mga malalagkit na gumagalaw na bagay at nang dumilat ako napatalon pa ako saka napasinghap nang makita ko sa damit na suot ko ang mga maliliit na palaka saka butike pati na ang parang slime na likido na nakamatsa sa damit ko.

"S---shit Percy ano bang kasalanan ko sa iyo at kanina ka pa sa akin ha una pinahamak mo ako sa Tita Charlie mo at nakita mo ba galit na galit sya sa akin" naiinis na sabi ko sa batang makulit at pilyo na nasa harapan ko na nakangisi lang at nakapameywang lang sa akin.

"Tapos eto you ruined my attire... great! Just great" di makapaniwalang napatingala na lang ako.

"I ruined your attire lang po at saka pakidagdag your day din po pero ikaw para ka nang drug na sinisira ang Tita Charlie ko, that's why I want to be get even with you Tito Walang Forever!" Nakataas ang isang kilay nito na sagot nito sa akin.

Natigilan ako sa sinabi nya.

I'm a Drug that slowly ruined Charlie?

Me? Di makapaniwalang sambit nang utak ko.

"P--percy-----"

"Tanga na nga si Tita Charlie at saka manhid pero ikaw po tanga na manhid pa at bopols pa bagay na bagay talaga kayo ni Tita Charlie kaya ayaw ko na magkatuluyan kayo baka magka anak kayo nang mongoloid dahil yung genes nyo ay nagsusumigaw nang katangahan overload! Ang gwapo ko at brainy pa tapos ang magiging pinsan ko ay hmp! Ewan!" Binelatan ako nito saka patakbo akong iniwan.

Muli natigilan ako at di malaman ang gagawin.
Pero nang maisip ko ang kasal ni Adam ay nagmamadali na umalis ako para makapagpalit nang damit at makahabol pa kahit man lang sa reception.

----------------

After na magkausap kami ni Adam ay dumating naman si Lucille kasama si Tita na Mama ni Adam kaya nagpaalam na muna ako na makikikain.

Nasa sulok ako dun sa walang tao at tahimik na pinagmamasdan ang pagkain.

Ewan ko ba paborito ko naman lahat yun nasa plato ko pero wala talaga akong ganang kumain.

Iniisip ko ang nararamdaman at iniisip ni Charlie tungkol sa akin.

"Joey....." nagtaas ako nang tingin at nakita ko si Diane na nakangiti sa akin.

"Diane ikaw pala" pinilit ko na ngumiti dito.
Umupo ito sa tabi ko at humawak sa binti ko.

"Si Charlene?" Tanong nito sa akin.

"W--wala masama kasi ang pakiramdam nya si Steve kasama mo ba?" Tanong ko naman dito.

Ngumiti nang malungkot ito saka umiling.

"M---malamang nasa mistress nya na naman ito Joey" malungkot na sagot nito saka humilig sa balikat ko.

Nahaplos ko na lamang ang buhok nito at marahan na nilayo sa akin.

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now