Chapter 17

10K 190 10
                                    

"Tita Charlie sure ka nang pakakasal kay Tito walang forever?" makulit na tanong sa akin nang magaling kong pamangkin.

Nasa salas kami nina Papa at Mama pati na din si Kuya Jasper at eto ngang si Percy.

"Of course naman Percy at ikaw ang ringbearer ko ha" malambing na sagot ko dito.

Inirapan naman ako nito at saka muling sinubo ang lollipop na hawak hawak nya.

"Malapit na pala ang kasal nyo ni Joey no little sis?" wika naman ni Kuya Jasper.

Nagniningning ang mga mata na tinanguan ko ang Kuya Jasper ko.
Last month namanhikan na ang pamilya ni Joey sa amin at ang saya saya ko talaga.

"Kuya gusto ko sana bestman kita please" malambing na pakiusap ko dito.

"Wag na lang ang Daddy ko matalbugan pa nya sa kagwapuhan  si walang forever" bulong ni Percy na di nakaligtas sa pandinig ko.

"May sinasabi ka Percy?" Nakangiting baling ko dito.

Naku sarap kutusan 'tong bata na ito manang mana sa Nanay nya na ewan ko kung nasaan lupalop na nagtago! Naiinis na naisip ko.

"Yes po Tita Charlie" mabilis na sagot nito sa akin at saka ngumiti nang pagkatamis tamis na tumayo lahat nang buhok ko sa katawan.

"What it is Son tell me?" Sabik na tanong naman nang tanga kong kapatid tapos iniupo pa nito sa lap nya si Percy.

"Daddy ako na po ang Ring Bearer ni Tita Charlie tapos ikaw din po mag bebestman sino nang kasama ko pag upo ko? Daddy wala akong Yaya baka mawala po ako or worse makidnap po ako" angal nito na tinawanan lamang nina Papa at Mama pero kinaputla naman nang mukha ni Kuya Jasper.

Patay na! Nanlulumong bulong ko kasi si Kuya Jasper napaka protective nya kay Percy at hands on talaga sya sa pag aalaga mas lalo na pag walang Yaya ang pamangkin kasi naman ubod nang pilyo nito sa mga nagiging Yaya nito ako man yun lalayasan ko din ito.

Niyakap ni Kuya Jasper si Percy at pinugpog nang halik.

"Charlie I'm sure madami naman na kaibigan si Joey na lalake I'm sure di kayo mahihirapan na humanap nang magiging bestman nya sa kasal nyo" nakangiting sabi nito sa akin habang nakikipagharutan sa magaling kong pamangkin.

"But Kuya---" di ko napigilan na umangal.

"Tama ang Kuya Jasper mo Anak madali kayong makakahanap nang magiging Bestman sa kasal nyo kaysa naman ang Apo ko ang mawala" sabad ni Mama saka nakangiting bumaling kay Kuya Jasper pero si Kuya busing busy na sa pakikipag harutan kay Percy.

Malungkot na tumungo na lang si Mama sa parang pagbabalewala ni Kuya dito.

Although civil si Kuya Jasper kay Mama ramdam ko na di pa din nya napapatawad ang Mama sa pagsisinungaling at pagmamanipula nya sa kanilang mag asawa tapos yung pagtatago pa nya kay Princess at nalaman nya na anak pala nila ito ni Themarie nung namatay ang pamangkin ko at natulala naman ang una tapos umalis pa ang Asawa nya papuntang Amerika after she woke up.

Gusto ko man na payuhan si Kuya Jasper na patawarin na ang Mama ay di ko magawa kasi kilala ko si Kuya Jasper matagal at mahirap talaga syang makalimot sa mga nakakagawa nang di maganda dito tapos ang pinakamasakit pa ay si Mama mismo ang nag betray kay Kuya Jasper eh si Kuya pa naman Mama's Boy magmula pa nun ako naman mas Close ako kay Papa.

Kasi ramdam ko din ang pinanggagalingan ni Kuya Jasper pero sa akin iba kasi si Joey na boyfriend ko inamin nya mismo na may iba syang karelasyon bukod sa akin konsuelo de bobo ko na lang ay gumagamit nang Condom yung lalaking yun safe sex lagi kumbaga sabagay maski sa akin pag may nangyayari sa amin ay madalang na makalimot syang gumamit nang condom pag ubos na o kaya pag nilalandi ko sya pagkatapos madalas winiwithdraw pa nya ako kaya nga di pa ako nabubuntis maingat kasi ang loko....

Palaisipan pa nga sa akin ang malanding hitad na yun!!!

How dare her para landiin ang Boyfriend ko?!

Porket alam nya na madaling landiin si Joey lalandiin nya talaga!
Para ano?
Sya na ang ipalit sa akin ni Joey?

Paano kung mas nagustuhan na ni Joey sa piling nya?

Dapat ba akong matuwa na ako ang mas pinili ni Joey?

Kasi ang pakiramdam ko minsan ako ang safety net ni Joey na nandito ako sa piling nya kasi wala na syang choice....

Mas gamay nya na...na ako ang kasama nya na kilala na namin ang isa't isa at minsan pakiramdam ko napipilitan na lang si Joey sa relasyon namin....

I Like You....those three words, eight letters sapat na yun para itali ko sya sa akin.....

I Like You not I Love You....

Napailing ako sa mga naiisip ko at pinagmasdan ko ang Papa at Mama ko, in less than a month Iiwan ko na din sila kasi sa Condo na ni Joey ako titira masaya ako na matutupad na ang wish ko na makasal kami ni Joey at the same time malungkot kasi wala na ang mga magulang ko sa tabi ko.
Tapos kinakabahan pa ako sa new chapter nang buhay ko.....

Twice A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon