Chapter 12

9.8K 191 0
                                    

Natigilan ako sa gagawin ko sanang paglagok ng root beer at maang na napatitig kay Diane.

"I'm sorry di ko ata nadinig yun sinabi mo....pwede pakiulit" pakiusap ko dito,
Namumutla ang mukha ko alam ko pero putsa wala akong pakialam.

Namumulang ngumiti si Diane sa akin at pinaglaro ang mga hugis kandila na kamay nito sa ibabaw nang mesa.

"Ang sabi ko magpapakasal na kami ni Steve next week imbitado kayong dalawa ni Adam" muling ulit nito na pakiramdam ko ay nagpabingi sa dalawang tenga ko.

Kumurap kurap ang mga mata ko kasi parang may duming dumapo dito at malapit na akong maluha.
Kaya agad na yumuko ako.

"J---joey?" Untag nito sa akin.

Napapitlag ako at agad na nagtaas ng tingin saka pinaskil ko ang pinakamaganda kong ngiti para kay Diane.

"S---sorry nagulat lang ako hah!" Masiglang sagot ko dito saka tumingala at pumikit nang mariin at pagkatapos ay muling nagpilig pilig nang ulo.

Saka muling bumaling kay Diane.

Damn it! Ang sakit sa Dibdib tagos sa buto buto!

"Anyway Diane ba't naman biglaan ang kasal di ba kailan lang naging kayo wala pa yatang dalawang buwan tapos magpapakasal na agad kayo di ba dapat kilalanin nyo muna ang isa't isa saka nag aaral pa tayo" litanya ko dito at inisang lagok ang root beer.

Shit! pati panlasa ko iniwanan na din ako!

Muling namula ang magkabilang pisngi nito at bumaba ang mga kamay nito sa may bandang tiyan nito.

Na tila nagpangatal sa lalamunan ko,
Lumamutak at lumapirot sa puso ko....

Bahaw na napahalakhak ako dahil sa ideya na ayaw kong tanggapin.

"Shet naman Diane ba't naman bumigay ka agad!" Naiiritang singhal ko dito at napatayo pa ako malakas na nahampas ko nang dalawang palad ko ang lamesa.

Damn you Steve! Damn you! Damn you! May you rot in hell!

Napapikit si Diane at napasuksok sa sulok nang upuan.

"Kasi mahal na mahal ko si Steve Joey!" Naiiyak na balik singhal nito sa akin.

Napatingin tuloy lahat sa amin ang mga tao na kumakain sa Fastfood na yun.
Naiinis na napasabunot na lang ako nang buhok at muling napaupo sa upuan.

"Damn Diane akala ko ba walang lihiman tayong dalawa kasi magbestfriend tayong dalawa ba't ka nagpakatanga at binigay agad ang bataan?" Nanggigigil pa din ako pero di sa babaeng nasa harapan ko kundi dun sa bwisit na lalaki na minahal ni Diane.

Kumuha ito nang panyo sa shoulder bag nito at saka nagpunas nang mga luha na tumulo sa mga mata nito.

"Look Joey di ko sinasabi sa'yo to para pagalitan mo lang ako we're friends alright pero you have no right to meddle with my life kung nagpabuntis man ako nang maaga wala ka na dun at saka papakasalan na nga ako eh anung kinagagalit mo pa!" Galit na galit na din na litanya nito sa akin na tila punyal na tumarak sa puso ko.

Tama sino ba ako?

Sino ako sa buhay ni Diane?

Isa lang akong nagpapanggap na kaibigan dahil lihim akong umiibig dito....

Nakipag break ako kay Diana katulad nang mga nauna kong girlfriends kasi di ko kayang dayain ang sarili ko...

Mahal ko si Diane...

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now