Chapter 47

11.8K 240 7
                                    

"Aray Ma!" lihim na napahagikhik ako sa pagdaing ni Joey dahil pinipingot lang naman sya nang Mama nya.

Speaking of mga Magulang ni Joey, nagulat na lamang kami kaninang pagbaba namin ng stairway at nakita namin ang Mama at Papa ni Joey na prenteng nakaupo at umiinom nang tsaa.

Nasabi na sa akin ni Joey at naipaliwanag ang sitwasyon ng Ama nya kaya naman nakakagulat na bumiyahe talaga ito papunta dito sa Davao para lamang sitahin si Joey.

At eto nga after na maipakilala ni Joey ang mga anak namin sa mga magulang nya ay eto at binatukan na ng Papa nito ang una at kasalukuyan na pinipingot ito ng Ina.

Nakakatuwa lang tignan sila kasi parang bata pa din nila kung ituring si Joey gayung lampas treinta na ito.

"Mama naman masakit na ang tenga ko!" Nakangiwing angal ulit ni Joey sa Ina.

Pinandilatan lamang ito nang huli pero agad din naman na binitiwan nito ang tenga ni Joey.

Pagkaraan ay nakangiting bumaling sa akin at saka inilang hakbang lamang para makapalapit sa akin at pagkatapos ay mahigpit na niyakap ako.

"Tita Fe...." napapalunok na naisatinig ko na lamang.

Tumingin ito sa akin at saka ngumiti nang ubod ng tamis.

"I'm sorry hija dahil sa amin ng Asawa ko mag isa ka tuloy na nagdala at nagpalaki sa pangalawa nyong anak" hingi nito nang paumanhin.

Nanlalaki ang mga mata na umiling iling ako dito.

"Tita Fe no, wala po kayong kasalanan ako....kami ni Joey ang may di pagkakaintidihan that time isa pa po umiral po ang ugali ko na di nakikinig at insekyuridad kaya po ngayon lang po nakilala ni Joey ang mga anak namin isa pa po natakot ako na baka kunin nya ang mga anak ko sa akin at yun po ang kinatatakutan ko na mangyari dati pa....Tita Fe...Tito Lando" paliwanag ko saka tumingin sa nakangiti din na Ama ni Joey.
"I'm sorry po kasi selfish po ako at duwag at nilihim ko po ang tungkol kina Lucas at Dawn" paghingi ko nang patawad sa mga ito.

"Hija...."

"Mama sorry na din po nakalimutan ko na sabihin na may mga apo na kayo sa akin" nakangising singit ni Joey.

Pinukol ito nang masamang tingin ni Tita Fe at si Tito Lando naman ay napatawa na lamang.

Muli nilapitan ni Tita Fe si Joey at piningot ulit ang tenga nito.

"Aray Mama naman nag sorry na nga po ako namimingot pa rin kayo" angal ni Joey sa Mama nito.

"Manahimik ka Joey! Nabwibwisit pa din ako sa iyo, sinosolo mo ang mga apo ko!" Angil ni Tita Fe dito at mas lalong diniinan ang pagpingot sa tenga ni Joey.

Napatawa na lamang kami ni Tito Lando sa nakakatuwang eksena nang mag ina.

"Mommy si Dawn po nagka cry na naman" wika ni Lucas na papalapit na sa amin bitbit ang umiiyak na naman na kapatid.

Agad na lumapit ako dito at kinarga agad si Dawn.

"Excuse me lang po Tito Lando, Tita Fe, ibrebreast feed ko lamang po si Dawn" pagpapaalam ko sa mga ito.

"Teka sasama ako----aww Mama naman eh!" Angal ni Joey nang batukan ito ni Tita Fe.

"Dito ka lamang at di pa tayo tapos mag usap Joey!" Matigas na sabi ni Tita Fe dito.

Nakalabi na napakamot na lamang si Joey sa ulo nito at malungkot na tumingin sa akin na tila nagpapaawa.

Nakangiti na umiling ako dito na kinabagsak nang balikat nito.

Sorry Joey.... anang isip ko at saka nangingiting tinalikuran na ang mga ito para ibreastfeed si Dawn.

--------

"Lola Fe do you want to eat?" Malambing na tanong ni Lucas kay Mama nang mawala na sina Charlie at Dawn sa paningin namin.

Ngumiti nang matamis si Mama dito at saka kinarga ang Apo nya.

"Oo naman apo ko nakakagutom kasi ang pagsabihan ang Daddy mo" inirapan ako ni Mama.

Napangiwi na lang ulit ako.

May tampo pa din ang Mama ko kasi di ko agad sinabi sa kanila ang tungkol sa mga Apo nila.

"Is Daddy do something bad Lola Fe kaya po mad kayo sa kanya?" Makulit na tanong ni Lucas.

"Di naman ako mad" nakangiting sagot ni Mama sa panganay ko pero palihim na inirapan ako.
"Nagtatampo lang ang Lola kasi nakalimutan ni Daddy mo na ipakilala ka sa amin at sinolo ka nya" nakalabing sagot ni Mama dito.

"Ah..." napatango na lang si Lucas at sinipsip ang hintuturo nya.
"Lola Fe please forgave na nyo si Daddy baka nakalimutan lang nya na sabihin sa inyo kasi po busy si Daddy po lagi lagi" sabi nito na lihim na kinagalak ko.

Tama yan Anak.... saloob loob ko.

Bumuntunghininga si Mama at pagkatapos ay nakangiting tumango kay Lucas saka marahan na piningot ang matangos na ilong ng anak ko.

"Para sa napakagwapong apo ko patatawarin ko na ang Daddy mo" nakangiting sabi nito.

Good job anak....

"Yehey bati na sila!" Pumapalakpak na wika ni Lucas saka nag thumb ups sa akin.

"Halika na sa kumedor at kakain  tayo nang madami para lumakas at lumaki ka agad" yaya ni Mama kay Lucas na agad naman na tumango at karga karga si Lucas ay pumunta na ang mga ito sa dining rom at naiwan kami ni Papa sa salas.

"Don't let her go again Son" biglang wika ni Papa.

Napangiti ako pagkat alam ko na ang ibig nyang sabihin.

"Of course Pa, I chased and wait her for almost eight years....after we break apart....I will never lose this chance again" makahulugan na sagot ko dito.

Ngumiti ito at tinapik tapik ako sa balikat ko.

"I'm counting on you Son" anito na agad naman na tinanguan ko....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now