Chapter 9

9.1K 183 6
                                    

Paano ba ang mag move on?

Lalo na't di pa kayo at di ka pa nga nakakafirst base sa Mahal mo,
na strike out ka na?

Yun tipong akala mo may espesyal na nagkukunekta sa inyo....

Alam mo na....Yung tinatawag na red string of fate.....

Tapos......

Tapos.....

Ang kapal nang mukha nya na Idate ako paasahin na makakabunting man lang ako para makapunta sa unang base at makaalis na ako sa mga yakap yakap at halik sa noo na stage namin na kahit na baby steps ang gamitin ko basta magkakamali ang nagbabantay sa first base at sana magkaroon nang error kesyo nahuli sa pagbato ang catcher nadapa ang pitcher o di nasalo nang nagbabantay sa first base para makapunta na ako dun sa stage na yun tapos ipapanalangin ko na ang Kupido namin ni Joey AKA fourth batter ay makahome run sana para tuloy tuloy na ako papunta sa puso nang Mahal ko....

Pero....

Pero....

PERO!!!!....

Di yun ang nangyari sa halip ay

Isinampal pa sa mukha ko na may iba pala syang gusto tapos pakilala pa na Girlfriend sa akin.....

Grabe sya sa kamanhiran di ba?

Isa syang paasa!

PAASA!!!

At ngayon kailangan na mag move on na ako para di na masakit pa sa puso ko na bugbog na bugbog na sa sakit na isinampal nya sa akin...

Sayang ang Iniinvest ko na Feeling...Time ...and Energy....

"At dahil sa ginawa mo sa akin Iku curse kita Hayop ka" nagkalat na ang mascara sa mukha ko dahil di ko pa din mapatid ang sarili ko sa pag iyak, kinuha ko ang larawan ni Joey at pinagmasdan sa huling sandali bago idinikit sa malaking kahoy na pinabili ko pa sa Driver namin, pagkaraan ay kinuha ko na ang malaking pako tapos martilyo at naglilisik ang mga mata na nagsimula nang magmartilyo una muna sa mukha ni Joey. "Siraulo ka, Isa kang mongoloid, may papapangako ka pa na di ka titingin sa iba hayop ka!" Isang puno nang damdamin at diin na pinukpok ko ang pako sa larawan ni Joey.
"Sinungaling ka!" Isa uling pagpukpok ang ginawa ko.
"Ang kapal kapal pa nang mukha mo na ipakilala sya sa akin! Sa akin tarantado ka!" Nagsisimula na naman akong maiyak habang walang patid sa pagpukpok.
"Akala mo Gwapo ka, ang panget mo kaya ang laki laki nang mata mo" parang tangang binitiwan ko ang martilyo na hawak ko at hinaplos ang larawan ni Joey at sumandig pa ako sa kahoy.
"Akala mo tangos nang ilong mo ang pula nang labi mo tapos ang hugis nang mukha mo pangahan parang sa mangga tapos nakapomada pa ang buhok mo pag di ka naglalaro ang katawan mo" sumisibing hiniklat ko ang larawan sa pinagpakuan ko.
"Di naman macho atlete ka tapos  ang lakas mong kumain payatot ka naman para kang may bulate sa tiyan gago ka ang tangkad mo para ka nang poste ang lahat na lang nang babaeng magtatapat sa iyo sinosyota mo!" Nanglilisik ang mga mata ko na pinagpupunit punit ko ang larawan ni Joey at napaupo na lamang nang parang hinang hina na ako pagkatapos na punitin ko ang larawan ni Joey at pagkatapos ay bumunghalit ako nang Iyak at pinagsusuntok ang sahig.
"Pero di ako napasali dun sa listahan mo hayop ka!
Sana man lang naging tayo para di naman masakit sana naranasan ko man lang na mahagkan nang mga labi mo di lang yakap at halik sa noo  at marami pang sana maganda naman ako seksi pa sana di mo na lang ako pinaasa sana binasted mo na lang ako agad di yun pag sinasabihan kita nang I love you ang sagot mo Babye at see you tomorrow ano ka Teacher ko!" Malakas na pumalahaw ulit ako nang iyak at nagpagulong gulong pa sa sahig nang kwarto ko.

"Charlene hija" napapitlag pa ako nang madinig ko ang boses nang Yaya ko at dali daling napatayo sa sahig saka pinunasan ang mukha ko at inayos ang sarili ko at dagling binuksan ang pinto.

"Bakit po Yaya?" Nakangiti kong tanong dito.

"Eh kasi Charlene nadinig kita na umiiyak kaya naman napaakyat ako dito sa kwarto mo para masiguro kung okay ka lamang ba......" nag aalalang sagot nito.

Masigla akong tumawa dito.

"Okay lang po ako Yaya nagpapractice po ako para sa Audition na gagawin ko bukas sa Play na gusto kong salihan kaya eto po at todo practice ako para ako ang mapili nila" pagdadahilan ko dito.

Tila nakahinga naman ito nang maluwag sa pagsisinungaling ko.

"Ganun ba? Bueno pagbutihin mo hija at pasensiya na at naabala kita pupunta lamang ako sa kusina at ipaghahanda kita nang meryenda at dadalhan kita dito para di ka na bumaba pa" sabi nito sa akin.

"Thanks Yaya" nakangiting sagot ko dito at nang makababa na ito ay mabilis na sinara ko ang pinto at muling sumibi at pumalahaw nang Iyak....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now