Chapter 7

9.8K 177 0
                                    

"Diane!" Sigaw ko kay Diane nang makita ko ang pamilyar na pigura nya.
Pero lumingon ito at napatapik ako nang noo ko nang mapagtanto ko na nagkamali ako.

Ngumiti ito at saka lumapit sa akin.

"Sorry Miss akala ko ikaw yun bestfriend ko eh pasensiya na Miss" kakamot kamot nang ulo na hingi ko nang paumanhin dito.

"It's okay Gwapo ka naman eh" nakangiting sagot nito sa akin.

Napatingin ito sa akin at napagtanto ko na malaki talaga ang hawig nya kay Diane.

"The name is Diana and you are?" Inilahad nito ang kamay nito at agad na tinanggap ko ito.

"Joey Torres" pagpapakilala ko dito.

"So para makabawi ka ilibre mo na lang ako nang Snacks dyan sa Cafeteria" turo nito sa Cafeteria na nasa kabilang kalsada lamang.

"Sure!" Walang pagdadalawang Isip na sagot ko dito at hinila ko na ang kamay nito na di ko pa din binitiwan at saka tumawid na kaming dalawa.

After na makapag order kami ay nakapagkwentuhan pa kami.

She is so kalog at makuwento din and the most wonderful part ay parang she remind me talaga nang Bestfriend ko.

"Oh!" Naputol ang pag uusap namin ng tumunog ang cellphone nito. "Wait sagutin ko lamang ito" anito at sinagot na nito ang cellphone nito.

Nangingiting pinagmasdan ko ito at namalas ko na pag nakatagilid ito she and Diane ay parang kambal talaga.

And the funny thing is magkatunog pa ang mga pangalan nila.

Diane and Diana....

"Joey sorry ang Daddy ko kasi yun tumawag at pinapauwi na ako" anito nang matapos na ito sa pakikipag usap nito sa Ama pala nito.

"You want me na ihatid ka?" Prisinta ko agad dito.

Kiming ngumiti ito at dagling nagblush.

"K--kung pwede sana kasi di ko pa kabisado itong lugar na ito baka maligaw ako" kiming sagot nito.

And it makes her Beautiful .....

So Alluring.....

"Of course!" Tumayo agad ako at lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nito. "Shall we?" Tanong ko dito.

Tumango ito sa akin at magkahawak kamay kaming umalis na nang Cafeteria.....

---------------

Abala kami ni Adam sa paglalaro sa Xbox nang madinig ko ang cellphone ko na tumunog.

"Pare Excuse lang ha may text yata ako" paalam ko kay Adam at kinuha ang Cellphone ko.

Agad na napangiti ako ng makita ko na nagtext si Diana.

Nang ihatid ko ito sa bahay nila ay nagpalitan kami ng Cellphone number at eto nga't Textmate na kaming dalawa ni Diana.....

Agad na nagreply ako dito.

"Who's that?" biglang tanong ni Adam na di ko napansin na nasa likod ko na pala.

Agad na kinuha nito ang cellphone ko sa pagkataranta ko.

"Akina yan Adam!" Tinangka ko na kunin ito pero wala eh....

Macho machuhan itong si Adam eh!

Eh ako? Ako ang pinakagwapong lalaki sa buong bahay namin!

At walang kokontra!

Dahil ako lang naman ang nag iisang lalaki bukod sa tatay ko.

Unico hijo 'to mga tsong!

Kumunot ang noo nito nang mabasa nito ang nasa inbox ko.

"Diana? Si Diane ba to?" nagtatakang tanong ni Adam sa akin.

"Akina nga yan! Akin to eh"
Nagagahol na agad naman na naagaw ko ang Cellphone ko at lumayo ito ng mga dalawang dipa kay Adam.

"Nagkamali ka ba nang pag spelling sa Name ni Diane at Diana ang nakalagay dyan na name?"Makulit na tanong nito.

"Of course not!" Nanlalaki ang mga mata na agad na tanggi ko dito.
"Anung tingin mo sa akin bobo?"

"Hindi tanga lang" walang kakurap kurap na sagot ni Adam.

Napanganga ako sa impression ko kay Adam.

"Fuck you Montecarlo ang bad mo!" Sigaw ko dito.

Sumuya ang mukha ni Adam .

"Kapal mo Torres di tayo talo"

Aba't ang gagong ito pagkamalan pa ako na binabae!

"Adam seryoso ako! At saka di ito si Diane, si Diana ito na bago kong kakilala" Umikot lamang ang mga mata ni Adam saka umupo na ito at bumalik sa paglalaro.

"Eh di Wow" anito.

Umupo na ulit ako at muling kinuha ang console na hawak hawak ko kanina.

"Nga pala Joey kamusta na yun girlfriend mo?" Untag nito sa akin.
"Si Charlene ba yun?"

"Sira anung girlfriend nasa dating stage pa lamang kami nuh" di lumilingon na agad na sagot ko dito.

"Talaga?" Ani Adam. "Eh ba't ang balita ko kayo na sa school?"

Maang na napalingon ako dito.

"Sinung nagsabi naman n'yan?"

"Si Rashel yun pinsan ni Diane na classmate nilang dalawa" sagot nito.

"Teka ba't naman nila naisip yun" takang tanong ko dito.

Nagkibit balikat ito.

"Ngayon ako naniniwalang di ka tanga bobo ka pa" wika ni Adam.

Aba't namumuro na ito ah!

"Sinusundo mo pag tapos na ang klase niya, magkasama pa kayo lagi pag uwi, lagi din kayong kumakain sa Canteen, lagi kang sinasabihan nang I love you Gago ka, at lagi pa kayong nagtetelebabad, wag mong idedeny dahil akala ni Tita ako ang kausap mo lagi yun ang sinabi nya sa Mama ko tapos di pa kayo" litanya ni Adam sa akin.

"Pero naman Adam" napakamot ako sa ulo ko. "Di ko pa nga sya sinasagot M. U. lang kami ni Charlie"

Tumaas ang kilay nito at saka ako binato ng hawak na console sa gwapo kong mukha.

"Ouch Adam masakit ba't mo naman ako binato" angal ko dito hilot hilot ang bahagi ng noo ko na tinamaan.

"Wala pangit mo kasi mukha kang unggoy" tumayo na ito saka naglakad na ito papunta sa may pinto.

"Oh san ka pupunta Adam" takang tanong ko dito.

"Uuwi na ako naiinis na ako sa pagmumukha mo" sagot nito saka binuksan ang pinto at lumabas na at naiwan na ako.

Mukha nya! Mas gwapo kaya ako sa kanya!

Maya maya pa ay muling tumunog ang cellphone ko at agad na tinignan ko ito at muling napangiti nang mabasa ang reply ni Diana sa tinext ko...

Twice A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon