Chapter 44

12.3K 312 15
                                    

Lihim na napangiti ako nang agad na matanawan si Charlie na padarag na naglalakad papalapit sa akin,
Kasunod nito ay sa hinuha ko ay Yaya ni Anne di ko kita ang mukha pagkat nakatalikod ang Baby sa akin at nakasubsob sa balikat ng yaya nito.

Isang malaking ngiti ang pinakawalan ko at iniumang ko nang maluwang ang dalawang braso ko para salubungin ito.

"Charlie mainam naman at---" di ko naituloy ang sasabihin ko nang isang lumalagutok na sampal ang sinalubong nya sa akin.

Namumula at nanlalaki ang mga mata na napatitig ako dito saka sinapo ang pisngi ko sa sobrang sakit dulot ng lakas nang sampal ni Charlie sa akin.

Galit na galit ang mukha nito na nakipagtitigan sa akin.

"Nasan si Lucas? Ilabas mo ang anak ko!" Mahina mang ang boses ni Charlie ramdam ko ang galit dito.

Pero hinanda ko na ang sarili ko sa sitwasyon na ito.
Alam ko na magpupuyos talaga sa galit si Charlie sa akin gawa nang di ako agad na nagpaalam.

Mas mukha na tinakas mo ang anak nyo para sundan ka dito ni Charlie! Kastigo ng isang bahagi nang utak ko.

So what? Kung mayroon kang gustong makuha dapat i pursue at wag tantanan at yan lang ang ginagawa ko! Depensa naman nang isa.

Ngumiti ako nang matamis kahit na pakiramdam ko namamaga ang bahagi ng pisngi ko na sinampal nya.

"Nasa playroom" sagot ko dito at saka hinawakan ang kaliwang palad nito at marahan na hinila hanggang sa pangalawang palapag ng villa.

"T---teka---" wala nang nagawa ang pagproprotesta nito sapagkat malapit na kami sa pinto na tinutukoy ko.

Agad na binuksan ko ito at agad na pinasok si Charlie sa kuwarto at palihim na ni lock ang pinto.

"Teka di naman 'to playroom gaya nang pagkakasabi mo ah" nagtatakang puna nito at saka humarap sa akin.

Di nga ito playroom kuwarto yata naming dalawa ito.

Nasa ground floor ang playroom na pinagawa ko para kay Lucas.
At nandun si Lucas na mahimbing na nasisiesta.

Pagkaharap na pagkaharap nito ay  agad kinabig ko sya papalapit sa akin at saka siniil ko nang halik ang malambot na labi nito.

Umungol bilang pagproprotesta at saka pinagpapalo ang likuran ko.

Mas lalo ko pang linaliman ang paggalugad sa bibig nito nang maramdaman ko na kinagat nya ang labi ko.

"Ouch! Damn it!" Anas ko at ayaw ko man ay binitiwan ko ang labi nya.

Pinahiran ko nang likod ng palad ko ang gilid nang labi ko at nakita ko sa ibabaw ng palad ko ang bahid ng dugo na galing sa sulok nito.

Bago pa ako makahuma ay sinalubungan agad ako ni Charlie ng magkakasunod na malalakas na pagpalo nito sa dibdib ko.

"Damn you! Stupid! Stupid! Stupid Joey!" Naiiyak na sigaw nito habang tuloy pa din sa paghampas sa dibdib ko.

"Charlie...I'm sorry..."  bulong ko saka niyakap ito and this time di na ito pumalag pa.

"You always let me feel na napaka cheap kong babae na lagi na'y sa bawat sa halik mo ay agad bumibigay how dare you, how dare you"  humihikbing wika nito at di ko mapigilan na di mapangiti.

"That's not true Charlie" hinawakan ko ang magkabilang balikat nito at saka inangat ang luhaang mukha nito.

Ngumiti ako dito at hinagkan ito sa noo.

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now