Chapter 20

13.7K 290 28
                                    

"Joey!" Umiiyak na agad akong niyakap ni Diane pagkalapit na pagkalapit ko pa lamang dito.

"Diane..." I just sigh and embraced her too.

"Joey I want to end my life!" humihikbing wika nito saka sumubsob sa dibdib ko.

Agad na bumaha ang pag aalala sa dibdib ko sa mga salitang binigkas nito.

"Stop thinking doing stupid like taking your own life Diane! Madaming tao ang gustong mabuhay pero di naman natutupad kasi nagkakasakit sila o kaya naaaksidente na kinakamatay nila pero ikaw malusog ka at masigla kung ayaw na ni Steve sa iyo madami ka pang makikita na iba yun mamahalin ka"  Naiinis na pangaral ko dito.

Napapikit ito saka napatungo at sa pagkabigla ko ay umatungal nang pagkalakas lakas.

Natampal ko na lang ang noo ko at huminga nang malalim.

"Diane---"

"Mahal ko si Steve pero di na nya ako mahal may iba na syang gustong makasama at di ako yun at pagkatapos ikaw" nagulat ako nang pagsusuntukin nito ang dibdib ko.
"You also left me para sa Charlene na yun!" Sumbat nito sa akin.

Napailing ako dito at saka pinigilan ang mga kamay nito na nanakit sa dibdib ko at pagkatapos ay tinulak ko sa paupo sa sofa sa likuran nito.

"Diane di mo ako Asawa magkaibigan lang tayo yun lang ang relasyon natin" sagot ko dito.

"But we make love together Joey" umiiyak na sigaw nito sa akin.

"We just fuck Diane" malamig ang tono na sagot ko dito.

Natigilan ito sa sinabi ko.

"Liar! you just said last year when we go to El Nido that you love me" tukoy nito nung time na sinamahan ko ito at nalasing ako.

"Slip of the tongue lang yun Diane infact di ko nga maalala na sinabi ko ang mga salita na yun sa iyo" pagkakaila ko dito.

Tumayo ito at niyakap ako.

"No di ako naniniwala Joey nagkakaila ka lang! Please! Please!" Umiiyak na wika nito saka pilit na hinahalikan ako sa labi ko na pilit ko naman na iniiwasan.

"Ano ba Diane tigilan mo ito!" Pakiusap ko dito at pilit na binabaklas ang mga braso nito na nakapulupot sa katawan ko.

"Ayoko Joey please wag mo akong layuan ikaw na lang ang meron ako si Steve wala na di ko kaya na pati ikaw mawawala pa sa akin okay lang sa akin na ikasal kayo ni Charlene basta....basta kahit sandali kahit panakaw lang makasama kita Joey" umiiyak na pakiusap nito sa akin saka lumuhod sa harapan ko.

Napapikit ako dito.

May isang bahagi ko ang gusto na pagbigyan ito pero mas lamang ang kagustuhan ko,
Ang desisyon ko na tuluyan na itong layuan.

"I'm sorry Diane" dahan dahan na lumuhod na din ako at saka hinaplos ang ulo nito.

"Joey..." niyakap ako nito at ilang saglit na nanatili kami sa ganung posisyon bago marahan na nilayo ko na ang katawan ko dito at malungkot na ngumiti dito.

"Joey?" Nagtatanong ang mga mata nito.
Marahan na Umiling lamang ako dito at pagkatapos ay tumayo na.

"I'm sorry Diane na kailangan na din kitang iwan pero yun ang tamang gawin ko di na tayo pwedeng bumalik pa sa dati"malungkot na umpisa ko.
"Dahil lumampas na tayo sa dapat na linya lamang nating dalawa we're best of friends magkaramay sa lahat nang saya at lungkot dapat yun lang tayo pero nangyari ang di dapat na mangyari lumampas tayo sa linya na yun at tinawid natin ang makasalanan na daan Diane....I'm not the one you see it is your husband Steve you just using me subconciously para gantihan si Steve at bilang mahalaga ka sa akin nagpagamit ako...pero Diane may sarili din akong buhay gusto ko din maranasan na lumigaya na walang iniisip na matatapakan at masasaktan at kay Charlene ko yun natagpuan ayoko na pag nalaman nya na ikaw ang isa ko pang karelasyon magalit sya at layuan ako...Diane alam mo ang pakiramdam nang mawalan at masakit yun di ba?" Malungkot na pagpapaunawa ko dito.
Di ito umimik at napatungo na lang.
"At bilang dating matalik na kaibigan mo wag mo naman na iparanas sa akin yun pakiusap....dalawang taon nang napakabigat nang dinadala kong kasalanan pakiusap palayain mo na ako" pakiusap ko dito at saka tumalikod na dito pero nakakailang hakbang pa lamang ako nang madinig ko na may bumagsak kaya naman agad na lumingon ako at nataranta nang makita ko na nakabulagta sa sahig na marmol si Diane.

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now