Chapter 11

9.4K 190 3
                                    

Dahan dahan na naglalakad ako papalapit sa likod ni Joey para sana surpresahin ito.
Nandun ito sa bench na madalas namin pagtambayan at tahimik na nagbabasa habang nakaupo.

"Joey!" Tawag ko nang malakas sa pangalan nito sabay kalabit dito.

Nanlalaki ang mga mata nang mahal ko na lumingon sa akin at napatayong bigla at saka humarap sa akin.

"C--charlie ikaw pala yan ginulat mo naman ako" natatawa na bulalas ni Joey sa akin.
Binaba nito ang librong hawak at muling nakangiti na humarap sa akin.

Ngumisi ako dito at mula sa likod ko ay nilabas ko ang heart shaped na cupcake na may maliit nang candle sa ibabaw nito at saka iniharap dito.

"Happy Happy Advanced Happy Birthday to you Joey" masiglang bati ko dito.


Napakamot sa ulo si Joey at alanganin na ngumiti ulit sa akin.


"Thank you Charlie kaya lang masyado naman na advance yata ang pagbati mo sa akin next week pa ang birthday ko" anito.

"Mainam na ang mauna baka maunahan pa ako ni Diane mahirap na" bulong ko sa sarili ko.

"Ha? Pwede pakiulit di ko kasi nadinig nang mabuti" sabi nito ulit sa akin.


Napadiretso agad ako nang tayo at saka patay malisya na ngumiti dito.

"Ang sabi ko better nang mauna ako kasi para maiba naman kasi madalas di ba isang araw bago mag birthday madalas ang mga pagbati ng mga friends so naisip ko na iusod pa ulit nang anim na araw ang pagbati ko sa'yo" natatawang pagkakaila ko dito.

"Ah okay" nakahinga naman ako nang maluwag na naniwala naman ito sa mga dahilan ko.


"So..." kinuha ko ang lighter sa bulsa nang palda ko at saka sinindihan ang kandila na nasa cupcake na hawak hawak ko.
"Blow the candle and make a wish nah" malambing na utos ko dito.

Napailing naman na pumikit at saka muling dumilat at blinow na ang kandila nang cupcake.

"Anung winish mo?" Sabik na tanong ko dito.

"Secret!" Natatawang sagot nito saka pinitik ang noo ko.

"Aww Joey!" Nakapikit na Angal ko dito pero nagulat pa ako nang may dumampi na malambot at mainit na balat sa bahagi nang noo na pinitik nito.

Namumulang nagmulat ako nang mga mata at tumambad sa paningin ko si Joey na malapad ang pagkakangiti.


"J----joey?" Nagtatanong ang mga mata na nakipagtitigan ako dito.

Dahan dahan na bumaba ang mukha ni Joey na di inaalis ang pakikipagtitigan sa akin at sa isang iglap naramdaman ko na ang pagsakop nang labi nito sa labi ko sabay nang pagkulong nang mga bisig nya sa beywang ko at pagkaipit nang cupcake sa pagitan nang katawan namin pati na pag angat nang dalawa kong paa sa lupa at ang marubdob at nakakangilong pagtatagisan nang mga dila namin, ang paggalugad nang dila nito sa kaloob looban nang bibig ko at ang pagsasama nang mga laway namin, ang malakas na tibog nang puso ko, pati na ang kuryente na nanunulay sa katawan ko na kaiga igaya sa pakiramdam ko...

Nakakaliyo....

Nakakadarang....

Nakakasabik....

At nang maramdaman namin ang pagkapos nang paghinga namin ay dahan dahan at humihingal na naghiwalay kami nang mga labi namin pero idinikit ni Joey ang noo nya sa noo ko.

Dinig na dinig ko ang paghabol namin na dalawa nang paghinga pati na ang pagdagundong nang mga dibdib namin.

"Joey...."


"Charlie..." magkapanabay na paos ang boses na tawag namin sa pangalan nang bawat isa.

Nagtama ang mga mata namin at maya maya pa ay mahinang kapwa na napatawa kami.

Ipinulupot nito ang isang braso nito sa beywang ko at hinaplos ang buhok ko pagkaraan ay sinamyo nito na nagdulot nang di matatawaran na kilig sa puso ko.

"Tama na sa akin ang mga stolen moments na ito para itago at ipinid sa puso ko, hayaan na mag ilusyon ang puso kong baliw na baliw kay Joey na may nararamdam din ito sa akin,
Na mahalaga din ako dito para sa kanya, na may katugon ang pagmamahal ko sa kanya...
Sa kahibangan ko na ito na alam ko na ako din ang talo sa bandang huli" bulong nang isip at puso ko habang masayang ninanamnam ang hatid nang matamis nitong mga halik at mahigpit na yakap ni Joey sa akin...

"Thank you Charlie" anas nito at napapikit ako nang mariin at nagpaantak sa gasgas ko nang puso kasi di iyun ang inaasahan ko na sabihin ni Joey sa akin.

Twice A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon