Chapter 8

9.7K 199 10
                                    

"Charlene hija" napalingon ako sa Papa ko na kinakawayan ako para lumapit sa kanya.

Agad naman na tumalima ako dito.

"Bakit po Papa may iuutos ka po?" Nagtatakang tanong ko dito.

Tumango naman agad ito.

"After nang klase mo umuwi ka agad para may makasama naman ang Mama mo" huminto muna ito sa pagsasalita para humigop nang kape nito. "May meeting ako hanggang mga eight siguro kaya naman ikaw na muna ang bahalang tumingin sa Mama mo alam mo naman ang Mama mo masyado pang iyakin at dinidibdib pa ang galit nang kuya mo baka mag iiyak na naman ang Mama mo at wala man lang ni isa sa atin ang nandito para aluin sya" sabi pa nito.

Awtomatikong sumimangot ako sa Papa ko.

"Oh bakit ka nakasimangot hija?" Nakangising tanong ni Papa sa akin.
"May date ka ba? Kung ganun isasama ko na lang ang Ma---"

"That's not it Papa" putol ko sa sinasabi nito. "Naiinis lang ako kay Kuya dahil I don't get it bakit sya nagagalit kay Mama eh dapat dun sya sa Asawa nya magalit dahil kundi sa kapabayaan nya di mawawala ang pamangkin ko, tapos eto at nakadagdag pa na nadedepress pa ang Mama dahil sa nagagalit ang Kuya Jasper for I don't what nonsense whatever reason" naiinis na nameywang ako sa harapan ni Papa.

Lumungkot naman ang mukha ni Papa saka bumuntunghininga.

"Intindihin mo na lamang ang Kuya Jasper mo dahil malaki talaga ang nagawang kasalanan nang Mama mo at dahil dun di nya magawa pang mapatawad ang Mama mo" anito.

"Pero Papa naman kung talagang malaki nga yung Sin na nagawa ni Mama ba't di nyo magawang sabihin sa akin ang dahilan para alam ko ang gagawin" angal ko dito.

Lagi kong kinukulit ang Papa sa dahilan nang galit ni Kuya Jasper kay Mama sa Papa ko dahil sa aming dalawa ni Kuya Jasper mas mahal na mahal nya ang Mama dahil aaminin ko Daddy's girl ako kaya mas malapit ako kay Papa at si Kuya naman sa Mama ko.

Lahat nang gusto ni Mama sinusunod ni Kuya Jasper at ang kaisa isang beses na di sinunod ni Kuya ang Mama na wag nang lumabas dahil malalim na ang gabi ay nagresulta sa pagkakapikot ni Themarie sa Kuya ko at pag iwan nya sa Ate Mikaela bukod dun wala na akong alam pa.

Tapos nakakagulat at nagtataka talaga ako na si Kuya Jasper ay masama ang loob kay Mama.....

"Hija pakiusap wag mo muna akong kulitin tungkol dyan at umalis ka na" iwas nito sa tanong ko at saka tumingin ito sa rolex na nakasuot sa bisig nito. "At mala late ka na"

Agad na nanlaki ang mga mata ko at napasinghap pagkaalala na malapit na nga pala akong malate sa unang klase ko.

"Yikes! Oo nga pala" lumapit ako sa Papa ko at humalik sa pisngi nito.
"Mauuna na ako Papa" paalam ko dito at nagmamadaling dinampot na ang bag ko at saka patakbong lumabas na nang bahay at pumunta kay Manong na naghihintay na sa akin sa may sasakyan.

--------------------

"Joey!" Maluwang ang ngiti na nakapaskil sa mukha ko pagkakita ko sa mahal ko na nakatayo at tila may hinihintay....

Agad na tinakbo ko ang ilang dipang layo nya sa akin.

I'm sure ako ang hinihintay ni Joey my loves ko?

As if naman may iba pa....

"Charlie?!" Tila nagulat pa ito nang makalapit ako sa kanya.

Ngumiti ako nang matamis dito at umabrisiete sa braso nito saka nilapit ko ang ulo ko sa dibdib ni Joey.

"Nagugutom na ako Joey treat me naman please" malambing na pakiusap ko dito.

Nagkamot ito nang ulo at alanganin na ngumiti.

"Eh kasi Charlie ano kasi...." tila di malaman nito ang sasabihin sa akin.

Nagtaka naman ako sa reaksiyon nito samantalang dati ay eto pa nga ang nangungulit sa akin na lumabas kami at mamasyal.

At dahil abala ako sa pag aalaga sa Mama ko ay pagkatapos nang klase ko ay uwi na agad ako kaya naman di na kami masyadong nag uusap na dalawa maliban sa mga pagte text ko na kahit yun ay madalang na din nitong sagutin....

"Joey sorry na late ako" tila nanigas ang katawan ko pagkadinig sa boses ng isang babae.

Tinanggal ni Joey ang kamay ko na nakakapit sa kanya at lumapit sa babaeng nagsalita.

"Okay lang Diana di naman ako nainip" naramdaman ko ang sigla sa boses ni Joey pagkakita nito sa kung sinumang dumating na yun....

Dahan dahan na lumingon ako at tila sinaksak ang dibdib ko sa nakita ko.

Magkayakap si Joey at isang dalagang malaki ang hawig kay Diane.

"Ahm....Joey Sino s'ya?" Nagtatakang turo nun dalagang nakayakap sa beywang ni Joey.

Lumingon naman agad si Joey at ngumiti pa ang hudyo at lumapit sa akin at hinila ang kamay ko papalapit sa kinatatayuan ng dalagang malaki ang hawig kay Diane...

"Diana si Charlene, kaibigan ko" nahigit ko ang paghinga ko sa pagpapakilala nya sa akin dahil parang sampal sa mukha ko na mali ako sa inakala ko na merong something sa amin..

Tapos Kaibigan lamang pala ako para sa kanya.....

Kaibigan lang?!

"At Charlene si Diana Girlfriend ko" Tila gusto na nang tuhod ko na bumigay sa sinabi ni Joey....

Girlfriend?

Eh ako?

Ano pala ako?

Kaibigan lang pala?

Bullshit ka Joey!

Isa kang paasa!

Pinaasa mo ako na merong tayo tapos wala naman pala! Palahaw ng Isip ko.

Taas ang noo at walang emosyon sa mukha ko na nakipagkamay ako kay Diane.

"Ahm....Charlie mauna na kami ng Girlfriend ko ha? May date pa kasi kami" nakangiti pa ang hudas na nagpapaalam sa akin.

Tumango lamang ako bilang tugon dahil pakiramdam ko pag nagsalita ako lalabas ang pinipigilan ko na mga emosyon....

Magkahawak kamay na naglakad ang mga ito papalayo sa akin at nang nawala na ang dalawa sa paningin ko ay hinayaan ko nang bumalong ang masaganang luha sa mga mata ko.....

Hayop ka Joey!

Pinaasa mo lamang ako!

Nangako ka na di ka titingin sa ibang babae tapos...tapos ngayon...

Pinakilala mo pa sa akin ang Girlfriend mo lintek ha!

Di mo man lamang ako binigyan nang chance na magkaroon nang kahit katiting na puwang sa puso mo hayop ka!

Naningkit ang mga mata ko na magang maga na dahil sa pag iyak at kumuha ng tissue para punasan ang mga luha ko.

"Paasa kang hayop ka! May papanga pangako ka pa na di ka titingin sa iba tapos ang kapal nang apog mo para gawin ito sa akin!Sana madapa ka una ang ulo mo hayop ka at di lang yun sana mabutas din ang pantalon mo letse ka para pagtawanan ka ng syota mo kabwisit bwisetan ka! " Di ko napigilan na isigaw.

Mabuti na lamang at walang tao sa paligid kaya naman malaya akong magpalahaw nang Iyak...

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now