Chapter 26

14.7K 290 15
                                    

Kanina pa kami magkaharap ni Joey nag alangan pa nga ako nung una pero pinalis ko ang kaba na naramdaman ko nun magtama ang mga mata namin kanina at nilapitan ito at ngayon nga eto at magkaharap na kami pero kapwa kami tahimik na dalawa.

Na para bang napipilan o ayaw lang mauna na magsalita.

Ang lakas nga ng tahip ng dibdib ko.

Kasi naman nasan ang hustisya?

Bakit sa mga paningin ko ay tila mas gumwapo pa ang mokong na ito at tumikas kaysa dati.

Tuloy di ko mawari kung kinakabahan ako na ewan.

Parang teenager lang na bago pa lang nagkaka crush susme!

Bumaling si Joey ng tingin sa mga bisita nina Kuya Jasper at Ate Themarie.

"Kamusta ka na?"

"Joey--" kapwa kami natigilan nang magsabay naman kaming magsalita.

Ilang sandali pa at nakahuma naman agad ako at ngumiti saka tumango dito.

"I'm fine" tipid na sagot ko.

Muling nagbaling ang tingin nito sa akin at saka ngumiti.

"Then thanks for that..." nag pause ito at tila nag isip nang susunod na sasabihin sa akin.

"Charlie---" maagap na ginagap ko ang isang kamay nito at marahan na pinisil saka nakangiting umiling dito.

"Joey kalimutan muna natin ang nakaraan natin at magsaya muna tayo kasi kasal ito ng Kuya Jasper at Ate Themarie ko" pakiusap ko dito.

Nasa labas na ang mga ito at kasalukuyan na binabati ng mga bisita at abay sa kasal.

At alam ko ilang saglit pa ay ihahagis na ni Ate Themarie ang bouquet nya.
Gusto ko sanang sumali sa mga sasalo ng bulaklak kaya lang naisip ko na paano kung masalo ko eh wala naman akong boyfriend sa ngayon.

Baka tuksuhin ako ng mga kaibigan at bisita nina Kuya Jasper at Ate Themarie.

Natigilan ulit ito pero pagkaraan ay nakangiti na itong tumango sa akin.

Napangiti ako nang maluwag at kumapit sa braso nito.

At sana di nahalata ni Joey na tila ako muling nakuryente dala lang nang simpleng pagdadampi ng mga balat namin na dalawa...

At lihim na naamin ko sa sarili ko na loka loka pa din ako kay Joey magpasahanggang ngayon.

"Tara punta na tayo sa reception at madami akong ikukwento sa iyo" yaya ko dito at hinila na ito papalabas nang simbahan.

-------------------------

"And you know Joey? Chester ask me to go on an outing with him of course kasama ang mga friends namin" napapatango na lang ako kay Charlie na masigla sa pagkukwento nya sa mga naging kaibigan sa Chicago.

"And this Chester Guy is he courting you?" Patay malisya na tanong ko dito.

Nakangiting umiling ito na ikinihinga ko nang maluwag pero mabilis na tumango ito na tila muntik ko nang ikalaglag sa silyang kinauupuan ko.

Lihim na napatiim bagang ako.

Bwiset sino ba yang Chester na yan?!

Sino sya para kay Charlie?

Napalitan na ba ako nung Chester na yun sa puso ni Charlie? Sunod sunod na tanong ko sa isip ko.

Nakangiting kinunootan ko ito nang noo.

"Ano ba talaga Charlie?"

"Eh kasi naman Joey di naman talaga sya nanliligaw puro palipad hangin ka lang at saka nga baka nadala lang yun sa panunukso ng mga officemates namin eh" nakatawang sagot ni Charlie sa akin.

"Talaga? Baka natotorpe sa iyo?" Sagot ko dito.

"Ay naku Joey ewan ko yun lang ang maisasagot ko sa iyo kasi naman di ko basa ang utak nun eh anyway change topic na lang tayo ikaw naman Joey ang magkuwento anung ginawa mo these three almost fours years since we split up" Lihim na natigilan ako sa gustong malaman ni Charlie.

Dapat ko bang sabihin na wala naman naganap na iba sa akin o kaya naman ikuwento ko dito na sa nakalipas na taon ay nag iba ako ng trabaho.

From General Manager thrue Haciendero at sa sobrang pag aasikaso ko sa mga tupa ko binigyan ko na sila ng mga pangalan isa isa.
Kulang na lang pabinyagan ko sila para katibayan.

At di lang yun nagbabalak na din ako na bumili ng mga baka.

"Wala naman nagbago sa akin Same routine lang kasi ang ginagawa ko araw araw trabaho bahay punta kay Jake para bisitahin ang inaanak ko punta sa bahay ng mga magulang ko at makinig sa mga kuwento nila and lastly pagmasdan ang larawan natin bago matulog at ganun lang lagi" kibit balikat na sagot ko dito.

Namula ang magkabilang pisngi nito at nagbaba nang paningin.

"Joey stop teasing me please pinakikilig mo ako nyan eh, baka ma fall ulit ako sa iyo sige ka" nagba blush pa din ang mukha na wika nito.

Ngumiti ako nang maluwag at hinuli ang kamay nito at marahan na pinisil ang palad nito.

"I mean it Charlie one thing that I promise to myself is never again hiding secrets from you nor denying everything and anything to you" sagot ko dito.

Napasinghap ito at muli ay namula ang magkabilang pisngi nito sa tinuran ko.

At habang buong sawang pinagmamasdan ko ang maamong mukha nito isang realisasyon ang napag isip isip ko.

"I want Charlie back to me again...."

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now