Chapter 29

12.5K 285 16
                                    

"She's back" agad na pagbabalita ni Adam pagkapasok na pagkapasok nya sa office ko.

Natigilan ako sa ginagawa ko at maang na napatingin kay Adam.

"I just saw her yesterday sa mall nagpasama kasi si Johanna sa akin" dagdag pa nito.

Base sa poker face na hitsura nito at idadagdag ko lamang haggard na haggard din mukhang iniinda talaga nyang mabuti ang pag iiwan sa kanya ni Reona ay alam ko na kung sino ang tinutukoy nya.

Sumikdo ang puso  ko pero pilit na pinipigilan ko ang pag alpas nito sa dibdib ko.

"So you want me to set a celebration party dahil dumating lang s'ya" sarkastikong sagot ko dito at saka muling binalingan ang binabasa ko na papeles.

"Nope.....I just want to add torment and pain to you....you wanna know why?" Muli nagtaas ako ng tingin ulit dito.

"What it is?" naiinis na tanong ko dito.

Ngumisi ito nang nakakaasar saka umupo sa silya sa harap ko.

"She already have a baby named Lucas and to what I heard she is planning to marry the father of her baby in our country kaya umuwi s'ya dito---" naglaban ang ngitngit at selos sa dibdib ko sa sinasabi nito.

Kaya naman napipikon na napukpok ko malakas ng dalawang kamay ko ang mahogany table  nagtaas lang ng kilay si Adam at ngumisi sa akin pagkaraan ay tumayo na ito.

"Remember that my collection of wine is open to console you" anito at saka tumalikod at naglakad na papalabas ng opisina ko.

Pagkalabas na pagkalabas nito ay gigil na gigil na pinagtatatapon ko lahat ng gamit na nasa ibabaw nang lamesa ko.

Saka inis na napasabunot ako sa buhok ko.

--------------------

"Mama nasan si Lucas?" Nagtataka kong tanong sa Mama ko na kasalukuyang nagba bake ng carrot cake sa may kitchen.

Wala kasi si Lucas sa tabi ko nang magising ako.

"Nandun sa playroom kalaro nina Percy at Pierro" sagot ni Mama sa akin.

"Ah ganun po ba? Thanks po Mama punta muna ako sa kanila" paalam ko dito at nang tumango ito agad na umalis ako sa kusina at pumunta sa playroom kung nasaan ang tatlo.

Malayo pa lamang ako ay dinig na dinig ko na ang matinis na halakhak ni Lucas kaya naman di ko maiwasan na di mangiti.

Pumasok ako sa playroom at nakita ko sina Pierro at Lucas na naghahabulan habang si Percy naman ay busy sa pag aasemble ng Lego Train.

Napalingon agad ang tatlo sa akin nang pumasok ako.

"Momi!" Nakatawang tawag ni Lucas sa akin at tumakbo papunta sa akin.

Napaluhod ako sa carpet saka ibinukas ang dalawang braso ko para salubungin ito nang yakap.

Nang makalapit na ito sa akin ay agad na niyakap at binuhat ko ito.

Magtatatlo na si Lucas dalawang buwan mula ngayon at alam nya yun kaya naman panay ungot nito sa akin na ibili ko sya ng laruan helicopter yung may remote kasi nakita nya ito na nilalaro nina Percy at Pierro o mas masasabi ko na mas nilalaro ni Percy yun at nanonood lamang si Pierro.

"Momi I love you so so much!" wika ni Lucas at pinugpog ng halik ang mukha ko.

Napuno ng saya ang dibdib ko sa tinuran nito.

Ngayon alam ko ang pakiramdam ni Kuya Jasper nang magkaroon ito ng  mga anak.

Lahat ng mga simpleng aksiyon ng anak mo nakabantay ka tahimik na nakaagay sa bawat hakbang nya,
Mga salita na inilalabas ng bibig nito,
Tahimik na naka cheer sa lahat ng mga gawin at gagawin nito.

Kaya naman tama talaga ang desisyon ko magkaroon na nang anak kahit wala akong kaagapay sa pagpapalaki kay Lucas ay okay lang kasi nandyan naman ang pamilya ko na lagi na ay handang tumulong at umagapay sa akin.

Nakaka fulfill talaga sa puso yun nagagawa mo ng tama at maayos ang duty mo bilang isang magulang di mo lang napoprovide lahat ng needs nya ikaw pa ang gumagabay sa kanya.

And take note once mo lang ito magagawa sa kanya habang bata pa sya at di pa nya kaya kasi once na tumuntong na sya ng adulthood medyo di mo ito magagawa kasi nga kayang kaya nya nang gumawa ng mga desisyon na di na kailangan pa na i consult nya sa iyo.

Kaya naman habang maliit pa ang Baby Lucas ko ieenjoy ko ang pagiging isang Ina ko to the fullest!

"Momi biyi mo ako yego train tulad Koya Pecy" medyo bulol na ungot na naman nito sa akin.

Nangingiting napatango na lang ako dito.


"Oi Mojacko, Doraemon ready na yun train let's play na!" Sigaw ni Percy na kinanuot noo ko.

"Who's Mojacko and Doraemon you're calling?" Nagtatakang tanong ko dito.

Umikot ang mga mata nito sa akin at pinaweymangan ako.


"Duh! Tita Charlie malamang itong dalawang kasama natin dito sa playroom na ubod ng kalulusog ala nga namang multo" pilosopong sagot ni Percy sa akin.


"Tita Charlie Doraemon po ang tawag ni Kuya Percy kay Lucas tapos po ako naman po ang tawag po nya ay Mojacko" singit ni Pierro.

Si Lucas ay bumaba na sa akin saka lumapit kay Pierro.

Ilang saglit ang lumipas bago nag sink ang sinabi ni Pierro sa akin.

"Percy!" Nanlalaki ang mga mata na tawag ko sa ubod nang bait kong pamangkin.

Pero inisnaban lang ako nito at kinarga na si Pierro at hinila si Lucas at magkakasama silang tatlo na bumalik sa pinaglalaruan nila kanina.

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now