Chapter 1

25K 358 2
                                    

"Charlene" awtomatiko ang ngiting sumilay sa mga labi ko nang madinig ko ang pagtawag sa akin nang baritonong boses na yun.

"Joey!" Iniipit ko ang nakalugay kong buhok sa gilid nang tenga ko.

Lumapit si Joseph Matthew Torres sa akin.

Joey for short....

Lihim na pinagmasdan ko ang ayos nito....

Naka uniform ito nang pang basketball .....

Pawisan na ito na marahil dahil sa paglalaro pero Yummy pa din!!! Tili nang utak ko...

My Soon to be boyfriend....

Lihim na kinilig ako pagkaisip sa pangarap ko na yun.

"Bakit?" Matamis ang pagkakangiti ko na tanong dito.

"Makikisuyo sana ako na pakibigay kay Diane please itong bouquet of Roses" pakiusap nito sa akin sabay abot ng bulaklak.

"P--pero....." tatanggi sana ako pero mabilis na nakalayo na ito sa akin.

"Thanks Charlene!" Sigaw nito habang papalayo at ang lintek kumakaway pa sa akin.

Kung di lang ako patay na patay sa iyo nungkang sundin ko ang gusto mo! Lihim na napaingos ako at napahigpit pa ang pagkakahawak ko sa bouquet.

Pasalamat ka talaga Love kita! Naiiling na pumunta na ako sa classroom na kinaroroonan namin pareho nung magaling na bestfriend ni Joey dahil sa kasamaang palad ay kaklase ko sa isang subject.

Pagkapasok ko nakita ko na si Diane Ramirez...
And as usual madami pa din nakapaligid na mga girls dito.

Maganda kasi daw ito... ayon sa mga bulag na schoolmate namin.

Agad na inayos ko ang sarili ko para pag nakalapit na ako dito ay friendly ang dating ko.

Kasi nga di ba may kasabihan tayo na kung may gusto kang makuha kailangan paghirapan mo ito....

At gustong gusto ko si Joey kaya gagawin ko lahat lahat kahit na makipag close ako dito sa bestfriend nya....

"Dianne!" Bati ko dito at saka iflinash ang award winning kong ngiti dito.

"Bakit?" Nakangiti na tanong nito sa akin.

Kuh! Akala mo ang ganda nya!
Eh maputi lamang sya mas sexy ako!
Naiinis man ay nagkunwari pa din akong friendly dito.

"Pinabibigay sa yo ni Joey" sagot ko dito sabay bigay ng mga bulaklak.

"Wow ang sweet naman nang bestfriend mo may paflowers flowers pa" tila kinikilig na wika ni itatago na lamang natin sa pangalan na Friend A.

"Oo nga Diane sure ka ba talagang bestfriend mo lamang si Joseph...uy umamin ka na" tukso nun isa pa na ang pangalan ay friend B.

Aba't ang mga bruha na ito!!
Sinusulsulan pa si Diane!

"Stop it girls alam nyo di na kayo nakakatuwa" namumulang saway naman nang bruha sa mga kaibigan nya.

"Ah Diane sige ha uupo na ako sa seat ko" paalam ko dito.

Tumango ito.

"Thank you....?"

"Charlene....Charlene Pascua" pagpapakilala ko na makailang beses ko nang ginagawa.

Grabe tong babae na ito eh!
Sarap batukan di mo alam kung may dementia o ewan lagi na lang akong nagpapakilala kainis talaga!

"Thank you Charlene" sabi nito at tinanguan ko ito at pumunta na sa kung saan ako nakaupo.

----------

"Shoot that ball Joey! Shoot it!" Halos mapatid na ang mga litid sa leeg ng mga kasama ko na nag tsicheer at malapit nang mapatid ang mga eardrums ko.

"We know you can do it!"

Nandito ako sa Gym kasama ang sandamakmak na fans nang team ni Joey dahil may laro sila laban sa team nang ibang school

Patakbo na ito papalapit sa may ring pero may dalawang nakabantay na dito, agad na pumunta ito sa kanan pero mabilis yun isa at malapit nang matapos ang oras nito at magkakaroon na sila ng thirty second violation.....

Go Joey kaya mo yan! Pigil ang hiningang lihim na pag tsicheer sa mahal ko.

Three seconds na lang at di pa din makawala sa higpit nang pagbabantay si Joey.

Two seconds na lang at presto pinasa nito sa ka team mate nya na si Adam At mabilis na ishinoot nito ang bola at sapul!
lamang na sila nang dalawa dahil nakathree points si Adam!

Napatayo na ako sa saya kasabay nun iba pang fans na nagtitili at nagtatalon.

Nagtapikan sina Joey at Adam nang kamay at lalong lumakas ang hiyawan nang ngumiti ang huli....

Hello Jake Adam Montecarlo ba naman yan...... sigaw nang utak ko dahil sa gwapo at ang kisig pa nang isa pang bestfriend nang mahal ko.

Pero mas gwapo pa din si Joey my loves! Tili nang isip ko.

Kumaway sa may gawi ko si Joey kaya parang tanga na kumaway din ako dito with matching smile pa pero nawala ang ngiti sa labi ko nang madinig ko ang boses babae na yun kaya agad na pinukol ko nang tingin ang paligid.

"Joey galingan mo!" Sigaw ni Diane na nasa likod ko lamang pala.

Nag thumbs up si Joey dito pagkaraan ay tumakbo na ito papunta sa kabilang side ng basketball court.

Naiinis na muli ay naupo na lang ako sa bench.

Shit kakahiya akala ko ako yun kinakawayan tapos yun bestfriend nya pala!

Twice A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon