Chapter 41

11.3K 221 9
                                    

Malakas ang kabog ng dibdib at di mapakali ako kanina pa pagkaalis ko sa bahay namin.

Kasi kagabi nag text si Charlie sa akin na magkita kami sa dati naming tambayan nung college pa kami para mag usap, nag reply pa nga ako at nagtanong kung ano ang pag uusapan namin pero di na ito sumagot pa.

Isnabera na pala ngayon si Charlie....

Kaya eto kanina pa akong alas siete kahit alas diyes pa ang usapan namin na magkikita at kinansela ko lang naman ang million peso deal na magdadagdag sa kita ng kumpanya namin para dito.

Wala eh...mas mahalaga ang mag ina ko kaysa sa kumpanya namin.

Huminga ako nang malalim at yumukod para ayusin ang sintas ng rubber shoes ko na di ko natali kanina sa pagmamadali ko na makapunta dito nang may isang pares ng mumunting paa ang lumapit sa akin.

Agad na nag angat ako ng tingin at napalunok ako nang muling makaharap ko ang ngiting ngiti na si Lucas.


"L---lucas..." tawag ko sa pangalan nito.

Gusto ko na maiyak pero dyahe naman baka ma turn off ang unico hijo ko pag nakita nya na iyakin ang ama nya.

"Hello po kayo po ang Daddy ko nuh? Alam n'yo name ko po eh" anito at di na ako nakapagtimpi pa agad na hinaklit ko ang munti nitong katawan at saka kinalong at pinugpog nang halik ang mukha at buhok nito.


Napahagikhik ito nang malakas na tila musika sa pandinig ko.


"Joey...." natigilan ako nang tawagin ni Charlie ang pangalan ko na di ko namalayan na nasa gilid ko na pala.


"Thank you Charlie" taos sa puso na pasasalamat ko dito kasi agad agad na pinagbigyan nito ang kahilingan ko kagabi na ipakilala nya ako sa anak namin.

Umiling ito at tipid na ngumiti sa akin.

"Don't thank me di naman sa akin nalaman ni Lucas ang tungkol sa iyo kay Percy ka dapat na magpasalamat dahil sa katabilan nya nalaman ni Lucas na ikaw ang ama nya at di na ako nahirapan pa na magsabi dito nang tungkol sa iyo" sagot nito.

Napatango na lang ako dito at sa likod ng isip ko ay labis akong nagpapasalamat na madaldal ang pamangkin na yun ni Charlie at napadali ang pagkikita namin ulit ni Lucas.


"Daddy I want Ice cream" ungot ni Lucas sa akin.

Ngumiti ako dito at ginulo ang buhok nito saka tumayo na karga pa din ito at bago pa makapag protesta si Charlie ay hinapit ko na gamit nang kanang kamay ko ay makitid na beywang nito.

Nagtatanong ang mga mata na tumitig ito sa mga mata ko na nginitian ko naman ng maluwang.


"Nagyayaya ang anak natin na kumain ng Ice cream at dapat kasama ka namin na kumain" sabi ko dito. "Tanda mo pa sa paborito natin na tambayan na Ice cream parlor  nandun pa rin sya kaya tara na nang maipakita naman natin sa anak natin yung dati nating tinatambayan" anyaya ko dito sabay kabig papalakad dito at wala itong nagawa pa at magkakasama kami na nagpunta sa Ice cream parlor para kumain.



------------

After na maipakilala ko na ang mag ama ko sa isa't isa ay madalas nang hinihiram ni Joey si Lucas na ipasyal sa akin na tuwang tuwa naman na sinesegundahan ng anak ko kaya naman no choice ako kundi pumayag.

Isa pa alam ko na sabik na sabik ang mag ama na mag bonding kaya naman ayun at hinahayaan ko na lamang.

Isa pa busy pa ako sa pag aalaga kina Anne at Dawn.

Si Anne kaya ako ang personal na nag aalaga kasi nasa honeymoon ang mga magulang nito, finally nagkita na sila at yun nga magkasama na nagpulot gata sa ewan ko kung saan at ako na ang nagprisinta para mag alaga kay Anne.

Isa pa napamahal na sa akin ang batang to dahil ako na halos ang nag alaga at nagpalaki magmula ng maisilang ito at wala pang kakayahan na mag alaga si Cameron gawa nga nang kasalanan ko.


Isa pa pinag iisipan ko pa kung papaano ipagtatapat kay Joey na may isa pa kaming anak at si Dawn yun.


Napapitlag pa ako nang makarinig ako nang sunod sunod na pamilyar na busina at maingat na tumayo ako sa sofa at nilapag sa kuna nya ang natutulog nang si Dawn at pagkaraan ay kinarga ko naman si Anne na tahimik na naglalaro nang rubber duck at naglakad papalapit sa may pinto para salubungin ang mag ama ko.

Bago pa ako nakalapit sa pinto ay agad nang bumukas ito at niluwa nito ang mag ama ko na magkahawak kamay na papunta sa akin.

"Mommy!" Malakas ang boses na tawag ni Lucas sa akin at napansin ko na lumukot ang cute na mukha ni Anne.

Alam ko kasi na ayaw nito nang maingay.

Namamato ito nang kahit anung hawak nito at ayaw magpakarga at magpasaway.

Ngumiti ako kay Lucas at minuestra na tumahimik ito na agad naman na naintidihan nito nang makita na karga karga ko si Anne na nakasimangot na.


"Mommy nandito na po kami" halos na pabulong na sambit nito saka tumuntong sa may bangko at tumingkayad pa para makahalik sa pisngi ko.


"Charlie sino yang bata na hawak mo?" Nagtatakang tanong ni Joey sa akin.

Oo nga pala ito ang unang beses na nakita n'ya si Anne.

Si Dawn nga di pa nya nakikita.

"Si Anne anak ko" nakangiting sagot ko dito.

Well tama naman di ba?

Kasi halos di na naman iba sa akin ang bata na ito,

Napansin ko na natigilan ito at dumilim ang mukha na di ko naman na binigyan pa nang kahulugan.

"Pa'no una na ako Charlie may lakad pa kasi kami ni
Geneva" pagpapaalam nito at kumirot na naman at umariba na naman sa selos ang dibdib ko pagkabanggit nya sa Girlfriend nya.

Bago pa ako nakasagot ay tumalikod na ito at mabibilis ang mga hakbang na lumabas na ito ng bahay ko....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now