Chapter 33

11.3K 249 17
                                    

Pasipol sipol pa ako habang papasok sa bahay namin.

I can't help it, napakasaya ko ngayon katatapos ko lamang na maihatid si Charlie sa kanila.....

Okay! masaya ako kasi kahit na walang salitang namagitan sa amin ni Charlie nang matapos ang namagitan sa amin sa sasakyan ko kanila...

Batid ko...ramdam ko na mahal pa din ako ni Charlie, ramdam ko sa bawat haplos, sa bawat halik na pinagsaluhan namin kanina at sa huli ang dalawang ulit na pag iisa nang mga katawan namin at saka isa pa alam ko na di papayag si Charlie na may mamagitan sa amin kung di din nya gusto yun.

Kilala ko si Charlie saka isa pa....kanina naramdaman ko sa pagtatalik namin na parang....

Parang matagal na yun huling beses na nakipagtalik si Charlie.....siguro kasi wala dito ang bwiset na boyfriend nya na yun....

At sisiguraduhin ko na maghihiwalay na silang dalawa dahil ngayon na may nangyari sa amin ni Charlie di na ako papayag na mawala sya ulit sa akin sa pangatlong pagkakataon.

This time...for sure magiging kami na ulit.

"Joey thank god at umuwi ka na!" Nagulat pa ako nang mula sa kung saan ay lumitaw ang humahagulhol na Mama ko at bigla ay niyakap ako nang mahigpit.

"Mama why are you crying?" Nag aalalang hinaplos ko ang likudan nito.

Lalong lumakas ang pag iyak nito.

"Joey, tumawag ang secretary ni Tito Lando" singit ni Geneva.
Kumunot naman ang noo ko.

"Si Tita Lin? Bakit daw?" tanong ko dito.

Nasa Hawaii kasi si Papa para sa isang convention na dapat ako ang pupunta kaya lang nakiusap ako kay Papa na kung pupwede sya na lang ang pumunta kasi gusto ko talagang ipursige na makuha at maibalik ang relasyon namin ni Charlie.

Nataranta pa akong bigla ng humisteral na nang pag iyak ang Mama ko, pati si Geneva napansin ko na napapasigok na.

"Si Tito Lando...ang Papa mo Joey inatake daw sa puso, we need to go there" nanlaki ang mga mata ko sa binalita nito at nangatal ang lalamunan ko.

"Joey....Joey ang Papa mo kailangan nya tayo" humahagulhol na niyugyog ni Mama ang balikat ko.

"Ma..." nayakap ko na lamang ang Mama ko at pumikit nang mariin.

Kasalanan mo ito Joey, kasi inuna mo ang kalandian mo napahamak pa ang Papa mo! Kastigo ng kunsensiya ko sa akin.

--------------------

"Why Lucas ayaw mo na ba?" Nagtaka ako ng iusog ni Lucas ang mangkok ng sopas na niluto ko mismo kanina.

"Mommy maalat ang sabaw ayaw ko" nakangiwing angal nito.

"Ha?" Nagtaka naman ako kasi okay naman kanina nang tikman ko.
Kumuha ako ng spoon at tinikman ulit to.
"Okay naman ah" wika ko after na malasahan ko ito.

Lumabi si Lucas sa akin at napakamot.

"Mommy kundi yan maalat po ubos ko na po yan kasi gutom na po talaga ako you need to check your tastebuds Mommy baka you're sick na" angal nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa pag angal nito at ewan ko ba parang nasaktan ako sa sinabi nang anak ko.

These past few days napapansin ko na napakasensitive ko sa lahat at nakakapagtaka na gusto ko na magluto ng magluto at ipatikim ito kay Lucas.

Actually di ko na mabilang kung pang ilan na ito na ayaw kainin nang anak ko kasi di swak sa panlasa nya ang pagkain, pero gustong gusto ko pa din na ipagluto ito.

"Tita Charlie, Lucas!" Sigaw mula sa may pinto ni Percy.

Agad na nagpilit tumayo si Percy sa high chair kaya agad naman na inalalayan ko ito.

Patakbo itong sumalubong kay Percy at Pierro sa likudan naman nito ay magkahawak kamay ang Kuya Jasper ko at Ate Themarie ko.

"Kuya Jasper, Ate Themarie napadalaw kayo" wika ko at saka nakipagbeso beso sa dalawa.

"Katatapos lamang namin na magsimba at nangulit ang mga bata na dumaan dito para daw makipaglaro kay Lucas" nakangiting sagot ni Kuya Jasper.

"Ganun ba?Ahm....umupo muna kayo at magpapatimpla ako kay Aling Mameng nang juice para makapagkwentuhan tayo" anyaya ko dito.

Tumango naman ang dalawa at magkakasamang pumasok na kami sa may sala.

May halos kalahating oras na kaming nagkukwentuhan nang patakbong lumapit sina Lucas, Pierro at Percy sa aming tatlo.

"Ang hahyper naman nang mga boys ko ah" malambing na niyakap ni Ate Themarie ang dalawa nyang anak at pinugpog ng halik.

Humagikhik naman ang dalawa at niyakap din ang Mommy nila.

"Teka Pierro, Percy awat na yan tagal nyo nang yakap ang Mommy nyo magsisimula na akong magselos nyan" natatawang wika ni Kuya Jasper.

"Group hug na lang tayo Daddy" sabi ni Pierro dito sabay yakap sa ama nito.

Napangiti na lamang ako sa sweet na eksena nilang pamilya.
Lumingon ako kay Lucas na may kinakain na kung ano na parang nagpapabaligtad sa sikmura ko.

"What's that Lucas?" Nagtakip ako ng ilong parang anytime from now maduduwal na ako.

"Mani po Mommy bigay sa akin ni Kuya Percy, you want po ba?" Anito saka nilapit pa lalo sa akin ang mani.

Di ko na napigilan ang sarili ko at patakbo na akong pumunta sa may kitchen at sumuka nang sumuka sa may lababo.

Nanghihinang napahilamos ako matapos na puro laway lang naman ang masuka ko.

"Charlene are you okay?" Nag aalalang tanong ni Ate Themarie na di ko napansin na nakasunod na pala sa akin.

Nakangiting tumango ako dito.

Inalalayan na ako nito na makaupo sa may stool.

"Kamusta na ang pakiramdam mo ayos ka lang ba talaga?" Tanong nito na muli ay tinanguan ko.

"You know what kundi ko lang alam na nasa America ang boyfriend mo iisipin ko na buntis ka ulit" natatawang sabi nito na kinatigil ko.

Awtomatikong nahawakan ko ang impis na tiyan ko at nahulog sa malalim na pag iisip.

Di nga kaya?........












Twice A ReboundWhere stories live. Discover now