Chapter 30

12.9K 251 12
                                    

Mga sunod sunod na malalakas na katok ang gumising sa mahimbing na pagtulog ko.

Inis na nagtakip ako ng unan sa mukha ko at nagsumiksik pa lalo sa malambot na kama ko.

"Langya minsan ka lang makatulog nang mahimbing bubulabugin ka pa!" Naaasar na bulong ko.

Akala ko mapapagod din yun bwisit na kumakatok pero di yun ang nangyari at sa halip binabayo na nito ng mga malalakas ang pinto ko.

"Joey bumangon ka na d'yan!" Sigaw ni Mama ang nagpamulat sa inaantok na mga mata ko.

Agad na napabangon ako at nagmamadaling naglakad papunta sa may pinto at binuksan ito.

"Mama?" Nagtatakang sambit ko pagkakita ko sa Nanay ko at lumipad ang tingin ko sa likod nito kung saan nakita ko ang Pinsan ko na si Geneva.

"Ate Geneva?" Agad napangiti ito at mabilis na lumapit sa akin at yumakap sa akin.

"Namiss kita Joey!" Tili nito saka pinisil ang magkabilang pisngi ko.

Ang nakakaasar na ginagawa nya sa akin pag nagkikita kaming dalawa.

"Ate Geneva stop it masakit ah!" Angal ko sabay layo dito habang himas himas ng kamay ko ang magkabilang pisngi ko na namumula na.

Si Ate Geneva ay first cousin ko sa mother side na kakauwi lang last year dito sa Pinas kasama ang Husband nya para mag stay na for good.

Natawa naman pareho ang Mama ko at ito.

"Hala Joey maligo ka at magbihis samahan mo daw si Geneva sa Ob Gyne nya at magpapa check up daw sya" utos ng Mama ko sa akin.

"Bakit ako may trabaho ako at saka nasaan ang Asawa mo Ate Geneva dapat sya ang sumama sa iyo" kamot kamot ang batok na angal ko.

"Wala si Ferdie nasa out of town" sagot ni Ate Geneva saka malambing na yumakap sa akin.
"And since sabi ni Tita Fe" tukoy nito sa Mama ko.
"Nandito ka daw at magtutulog lang maghapon naisip ko na ikaw na lang ang isama......sige na Joey please" malambing na pakiusap nito sabay ngiti sa akin.

"Oo nga naman Joey nang di puro opisina bahay natin condo mo at bahay ng kaibigan mong si Adam lang ang alam mong puntahan" segunda ni Mama.

"Mama naman alam ko din puntahan ang paborito nyo pong simbahan sa Quiapo" natatawang sagot ko sa Mama ko.

Tinampal ako nang malakas ni Mama sa braso ko.

"Aww Mama naman eh!"

"Ay naku Joey tantanan mo ako sa mga banat mo bilisan mo na ang kilos at hihintayin ka namin ni Geneva sa baba" ani Mama sabay kayag kay Geneva na nakangisi lang.

--------------

"D--dito talaga?!" Nanlalaki ang mga mata na tanong ko kay Ate Geneva habang nakaangkla ito sa braso.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa mahabang pasilyo ng hospital na kinaroroonan namin.

"Yes sabi kasi ng friend ko magaling daw yung doctor dito malay mo makabuo na kami ng Asawa ko" sagot nito.

Limang taon na kasing kasal ang mga ito pero di pa din sila nabibiyayaan ng anak.
Pareho naman na walang diperensya ang dalawa di lang talaga sila makabuo.
Ayaw naman nilang sumailalim sa vitro something na di ko maintindihan kasi medyo takot pa ang pinsan ko dahil daw madalas ay multiple births daw ang madalas na resulta at ayaw daw nya na parang inahing baboy ang labas nya.

Papangit daw sya.

Hay mga babae talaga ang hirap
intin----natigilan ako sa pag iisip ng makita ko ang makakasalubong namin ni Ate Geneva.

Si Charlie!

At di lang sya nag iisa sa mga bisig nya ay may karga karga syang batang lalaki na palagay ko ay nasa tatlo ang edad na nakasubsob sa balikat nito.

Agad na nakahuma agad ako sa pagkabigla ko at agad na ngumiti ng matamis dito.

"Charlie ikaw na ba yan?" Parang sira na tanong ko dito eh obvious naman na si Charlie ang nasa harapan ko.
May masabi lang talaga ako kahit magmukhang eng eng okay na.
"Ikaw nga! teka yan na ba ang anak mo" ewan ko kung bakit malakas ang kabog ng dibdib ko na tanong ko dito.

"J---joey...." mailap ang mga mata na anas nito.

Maganda pa din ito kagaya nang dati.
Mukhang nahiyang ito sa pagiging isang ina.

Napansin ko na natigilan ito at tila di malaman ang isasagot pero pagkaraan lang ng ilang saglit ay tumango din ito.

Nagsimula ako na humakbang papalapit dito.
Di ko alam pero malakas ang hatak sa akin na mapagmasdan nang malapitan ang bata na karga karga ni Charlie.

Kahit pa alam ko na anak ito ni Charlie sa bwiset na sumingit sa aming dalawa kaya naputol ang dapat na meron sa amin.
Wala akong makapa na inis sa bata at sa halip ay pagkasabik na makita at mahawakan ang murang katawan nito ang gusto ko lang gawin.

Nakalapit na ako sa mag ina at pag akma na hahawakan ko ang bata nilalayo ito ni Charlie at nagpaulit ulit kaming dalawa sa ginagawa ko na paglapit at ito naman ay pag iwas.

Malakas na tumikhim si Ate Geneva at sabay na napatingin kaming dalawa dito.

"Matagal pa ba ang meet and greet nyo Darling mala late na tayo sa appointment natin sa doktor ko" malambing na wika ni Ate Geneva na kinanganga ko.
Lumapit ito sa akin at niyakap ang braso ko at saka bumaling kay Charlie.

"Sorry nagmamadali kasi kami ng Darling ko maybe next time na lang kayo magkwentuhan na dalawa if you don't mind" sabi nito kay Charlie na tumango lamang.

"H--ha teka lang----" akma sana na magsasalita ako para klaruhin kay Charlie ang lahat nang pisilin ng mariin ni Ate Geneva ang braso ko sabay ngiti ng matamis sa akin.

"Halika na Darling mala late na tayo" anito sabay hila sa akin papalayo kay Charlie at sa batang karga karga nya.

"Ate Geneva anung drama yun?!" asar na tanong ko dito nang malapit na kami sa clinic ng doktor nya.

Ngumisi ito sa akin at namaywang.

"Relax Joey tactics lang yun para mapagselos natin yang Charlie mo" natatawang sagot nito sa akin.

Di makapaniwalang napailing na lamang ako dito.
Umiral na naman ang pagkaintegera nito.

"Imposible yun may Boyfriend na yun at nakita mo naman may anak na sila wala na akong pag asa pa" malungkot na sagot ko dito.

Lumapit ito sa akin at tinapik tapik ang likuran ko.

"Boyfriend pa lamang mag asawa nga na madaming mga anak naghihiwalay yun pa kaya na isa pa lang" pagpapalakas nang loob nito sa akin.

At ewan ko ba pero kahit sa tingin ko walang sense ang pinapaliwanag nito sa akin ay nagkaroon ng lakas at pag asa ang kalooban ko sa mga sinasabi nito.

Tama minsan nang naging kami ni Charlie sumablay lang dati pero if I gonna played my cards in the right way makukuha ko ang gusto ko....
Right! Ba't di ko naisip yun two years ago nun nabalitaan ko kakauwi pa lamang nilang mag ina ? Napapatango tango na wika ko sa utak ko.

Ngumiti ako ng matamis kay Ate Geneva at niyakap ito ng mahigpit.

"Thanks Ate Geneva ang tali talino mo talaga" pambobola ko dito.

"Of course ako pa ba" natatawa naman na sagot nito sa akin.

Tumango ako dito at sa isip ko nagsimula na akong magplano ng mga susunod na hakbang na gagawin ko.

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now