Chapter 6

10.3K 207 1
                                    

"Where's Mama Manang?" Agad na tanong ko sa kasambahay namin nang mapansin ko na wala ang Mama ko sa kusina na pirme nyang tambayan pag ganitong oras.

"Eh Charlene malamang nandun na naman sa kwarto ng Pamangkin mo....Alam mo naman ang Mama mo masyadong dinidibdib ang maagang pagkawala ni Princess" sagot nito.

"Sige Manang pakihanda na lamang ako nang meryenda tapos pakiakyat sa kwarto ni Princess" malambing na utos ko dito.

"Sige hija" anito at saka pumunta na ito sa kusina.

Naiiling na humakbang na ako papunta sa kwarto ni Princess.

Aaminin ko na nagiguilty din ako na halos kay Joey ko na itinuon ang lahat nang atensyon ko.

Na di ko na napagtuunan nang pansin ang pamangkin ko too think na kailan lang sya dumating sa buhay namin....

Di ko man lang nakalaro ang pamangkin ko,
Di ko man lamang nakasama nang matagal....nakasalo na kumain....
And that night na sinalisihan nya kaming lahat.....If nag effort ako....
If di ko inuna ang kalandian ko....
If sana pinuntahan ko ito sa room nya....
If sana inaya ko na kumain ito nang dinner....
Sana baka nalaman ko agad na nawawala ito....

Tama si Kuya Jasper mas may kasalanan kami kaysa kay Themarie.....

Naging pabaya kaming lahat kaya naman si Princess.....

Pinilig ko ang ulo ko para pawiin ang lungkot ko at di makita nang Mama ko na malungkot ako....

"Ma....." tawag ko kay Mama nang buksan ko ang pinto at mapansin na madilim ang kwarto.

"Mama I'm here" muli ay nasabi ko habang kinakapa ang Switch ng Ilaw.

Nang makapa ko na ito ay dali daling binuksan ko na ito at ilang saglit pa ay bumaha na ang liwanag sa kwarto.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko si Mama na walang malay na nakayukyok sa kama ni Princess.

"Ma!" Agad na napadalo ako dito at sinuri ang lagay nito.
"Mama wake up please, please" pakiusap ko habang mahinang tinatampal ang pisngi nito pero di ito nagising man lang.

Oh God! Nagsisimula na akong magpanic nang wala man lang ni katiting na reaksiyon mula sa Mama ko.

"Manang tulong! Si Mama!" Sigaw ko na agad naman na nadinig nang mga katulong at pinuntahan kami dito sa kwarto ni Princess.

"Hija anung nangyari?" Nag aalalang tanong ni Manang.

Naiiyak na nag angat ako nang tingin.

"Manang ang Mama dalhin natin sa hospital pakiusap" naiiyak na tugon ko dito.

Agad naman na lumabas ang ibang katulong at ilang saglit pa ay kasama na nila ang driver namin at agad na binuhat ang Mama ko para dalhin sa sasakyan at inilagay ito dun saka sumakay na din ako at inayos ang pwesto ni Mama at saka  mabilis na pinaandar na din ng Driver namin ang sasakyan para makaalis na kami at makapunta sa pinakamalapit na hospital.

---------

"Papa!" Naiiyak na agad na napayakap ako kay Papa nang makita ko na agad ito.

"Charlene anak anu bang nangyari sa Mama mo?" Tanong agad nito.

"Ang sabi nang doctor Papa sobrang depression daw kaya nawalan nang malay tao ang Mama I dinextrosed na po sya at tsineck lahat ng vital signs nya at lumabas na okay naman daw po ang Mama masyado lamang po syang na dehydrate bukod dun wala na daw po pero dapat bantayan daw natin sya kasi daw napaka delicate nang lagay nya ngayon" naiiyak na paliwanag ko dito.

Napabuntunghininga na lamang ang Papa at malungkot na napatango sa akin.

"Papa" naiiyak pa din na napayakap ako dito.

"Malalagpasan natin ito Charlene don't worry" sabi ni Papa at tinapik ang balikat ko.
"Tara na at  kailangan na tayo ang makita agad nang Mama mo pagkagising nya" anyaya nito at iginiya ako papasok sa kwarto na kinaroroonan ni Mama.

--------------------

"Hush tama na yan Charlene look oh maga na yang mga mata mo" nag aalalang puna ni Joey sa akin.

Nasa Hospital pa din ang Mama.

At ayaw nitong kumain, ni uminom man lang lalo pa ang uminom nang gamot....

Tila mas lalo pa nitong nilulublob ang sarili sa depresiyon.

Dumalaw nga nun isang Araw ang Kuya Jasper nya pero umiyak lamang nang umiyak  ang Mama pagkakita kay Kuya Jasper tapos ang Mama pa ang nagsosorry nang nagsosorry kay Kuya.

At si Kuya Jasper pa ang tila galit na galit sa Mama sa pagtataka ko...

At si Papa ay tila nagiguilty na di mo mawari......

Pagkatapos pinalabas ako ni Papa sa hospital room kaya di ko nadinig ang naging pag uusap nila...
Di ba nakapagtataka?

Suminghot ako nang malakas saka kumuha ulit nang tissue para pahirin ang uhog ko.

"I--I can't help it Mama is not okay dahil sa biglaan na pagkamatay ni Princess because of that bitch ayun si Mama depress na depress and she needs help at b--baka di muna kita maasikaso at makasama" nalulungkot na paliwanag ko dito.

Nakangiting nayakap ako ni Joey at hinimas ang likod ko saka hinagkan ang noo ko.

"It's alright Charlie besides mas kailangan ka nang Mama mo kaysa sa akin so it's alright I understand Charlie that your top priority will be your Mama" tugon nito.

"Thank you Joey and I love you" sabi ko dito pero ngumiti lamang ito at niyakap ako nang mahigpit.

Well maybe that's enough for now....

Baby  Steps Charlie! Baby Steps! Paulit ulit na wika ko sa sarili.

Mas kailangan ako ni Mama ngayon lalo pa't ang kuya kong magaling mas inuna pa ang lagay nang Asawa nya na syang dahilan kung bakit namatay ang pamangkin ko.....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now