Chapter 34

10.6K 231 9
                                    

Tigalgal na napatanga na lamang ako sa pregnancy test kit na palihim kong binili kanina sa drugstore.

Kanina nang sabihin ni Ate Themarie na parang sa buntis ang sama ng katawan na nararamdaman ko agad na akong kinabahan at dagling naalala na lampas isang buwan na mula nung huling may mangyari ulit sa amin ni Joey at last na nakita ko.

At kung di pa ako pinuna ni Ate  Themarie ay mananatili akong walang kamalay malay.

Kasi nun time na pinagbubuntis ko pa lamang si Lucas ay di naman ganito kasama ang pakiramdam ko.

Yun nga lang ubod ko nang takaw, gustong gusto na laging kumakain kaya nga malaking bulas si Lucas nang isilang ko.

Sapo ang ulo ko na napaupo ako sa kama at nabitiwan ang test kit.

Two lines....ibig sabihin nadale na naman ako nun hudas na yun sa pangalawang pagkakataon.

Binuntis na naman ako ng Gago!

Di ko tuloy malaman ang dapat na gawin ko.

Tatawagan ko ba s'ya o pupuntahan sa bahay nila at sasabihin na naka shoot sya at malapit na naman syang maging ama ulit.

Di ko pa nga naipagtatapat dito ang tungkol kay Lucas....sa anak namin na wala s'yang kamalay malay at isa pa alam nya na may boyfriend ako at yun ang ama ni Lucas baka di sya maniwala at itanggi pa na anak nya pati itong nasa tiyan ko.

Masakit ang ulo na sinubsob ko ang mukha ko sa unan.

God! Charlie dahil nilandi ka lang ni Joey nagpalandi ka naman, yan tuloy may dineposito na naman ang hinayupak na yun sa iyo! Kastigo ng utak ko sa akin.

Charlie pull yourself together it's now or never!
Kailangan na malaman ni Joey ang totoo bahala na if magalit s'ya isipin mo si Lucas pati na ang nagsisimula na naman na mabuong buhay sa sinapupunan mo....
Tama na ang pagtakbo, ang pag iwas,
You have to face the consequences ng paglilihim at pagsisinungaling mo sa pamilya mo, kay Joey..... pangaral ng puso ko.

Kaya naman isang desisyon ang napagtanto ko na kailangan at dapat kong gawin....

Joey need to know the truth...

Mabigat ang pakiramdam na bumangon ako sa kama at pumunta na sa shower para maligo baka sakali na bumuti buti na ang pakiramdam ko.




--------------


"You mean to say is?" Paos ang boses na tanong ko sa kasambahay nina Joey.
Nasa may tapat lamang ako gate at tamang tama na magdo doorbell pa lamang ako papalabas naman ang isa sa mga katulong nina Joey para magtapon nang basura.

"Nasa Hawaii po silang pamilya pati po mga Asawa ng mga Ate nya at si Ma'm Geneva----"


"Pati si Geneva?" Gulat na singit ko.

Tumango naman agad ito.

"Kasi po yun Papa po ni Sir Joey ay ina-------" tinaas ko ang kamay ko para patigilin ito sa pagsasalita.

Di ko na kaya pa ang dagdag na sakit ng kalooban.

Sapat na sa akin ang malaman na wala pala dito si Joey pati na ang pamilya nito at kasama pa ang Girlfriend nito.

Tipid na ngumiti ako sa kasambahay nina Joey.

"Thank you na lang po Manang at salamat sa pagsabi kung nasaan si Joey.....ahm....mauna na po ako kailangan ko na po kasing makauwi agad at baka ma traffic na naman po ako" paalam ko dito at saka nagmamadaling sumakay na sa Kotse ko at di na hinintay na makapiyok ito.

Ramdam ko kasi na malapit nang magsipag bagsakan ang mga luha sa dalawang mata ko.

At may pride naman ako kahit kaunti kaya hangga't maaari ay ayaw ko na may makakita sa akin na umiyak.

Mabilis na pinaarangkada ko ang kotse ko papalayo sa lugar na yun.

At sakto na nagbagsakan na ang mga luha sa mga mata ko.

Nagpakatanga ka naman Charlie, inisip mo kasi na oo nga at mukhang wala nang relasyon sina Joey at Diane, di mo naisip na may isang Geneva na bagong nagmamay ari kay Joey ngayon! Lalo kong binilisan ang pagmamaneho sa isipin na yun.

Nang makita ko na ma traffic na sa highway ay bumuwelta ako pabalik at  pumasok sa short cut papunta sa amin.

Madilim ang daan pero wala akong pakialam at imbes na magmenor sa pagmamaneho ay diniinan ko pa ang tapak sa silinyador at binilisan ang pagpapatakbo sa Kotse ko.

Charlie ang tanga tanga mo talaga lagi na lang bang ganyan ang gagawin mo at mangyayari sa buhay mo magpapakatanga, magpapabuntis, nakakaawa ka lamang! Tuya ng isang bahagi ng utak ko.

Tama na! Tama na! Awat ng isa naman.

Mas lalo ko pang tinulinan ang pagpapatakbo sa sasakyan ko.

Bakit di mo irestart lahat?

Paano?

Sa pagsisimula ulit sa next cycle ng buhay mo....

Wag Charlie!

Pag ginawa mo yun mawawala na lahat ng sakit na nararamdaman mo at lahat ng maling desisyon na nagawa mo....

Wag kang makinig Charlie!

Tama na! Tama na! Patahimikin nyo na ako! Nakapikit na sigaw ko at naramdaman ko na lamang na parang may tumama na kung ano sa bumper ng kotse ko at nang dumilat ako ay napasinghap pa ako ng puro dugo ang nakita ko sa salamin ng sasakyan ko.

Nanginginig na agad na pinatay ko ang makina ng sasakyan ko at dahan dahan na bumaba.

At dun nakita ko ang nakatihayang katawan ng isang babae sa gitna mismo nang kalsada.

Duguan ito at alam ko ako ang may kasalanan.

Nanginginig na kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan ang Kuya Jasper ko na agad naman na sumagot.

"Charlie napatawag ka?" Agad na bungad nito.

"K---kuya.." napasigok ako pagkadinig sa boses nito.

"Hey! What's wrong?" Nag aalalang tanong nito sa akin at impit na napaiyak ako.

"K---kuya help me nakabangga... ....ako ng tao at.... natatakot ako.....dito.....Kuya...Kuya baka napatay ko s'ya" paputol putol na sagot ko kay Kuya Jasper.

"Charlie hold on pupunta na agad ako d'yan at ang mahalaga ay makatawag muna tayo ng ambulance para sa nabangga mo, give me your exact location para makapagpunta na ako d'yan nang ambulansiya, don't panic okay?" Wika nito.

Hilam ng luha ang mga mata ko ay tumango ako ng sunod sunod at sinabi dito kung nasaan ako.....

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now