Chapter 2

14.4K 265 4
                                    

Nakakailang wisik na ako nang pabango sa katawan ko pero nagpawis na ako nawala na nang makailang beses ang bango ko di ko pa din nakikita ang mahal ko.

Naman Joey ko pinapapak na nang mga lamok ang beauty ko!!

Nasan ka na ba?

Napatayo ako sa kinauupuan ko nang mamataan ko na si Joey....

Nagwisik ulit ako nang pabango saka sinuklay ng mga daliri ko ang buhok ko na maikli ang pagkakagupit na umaabot lamang hanggang sa may tenga ko.

Pero napako ang pagpapaganda ko nang mapansin ko na di lamang nag iisa si Joey may mga kasama sya....

Yun Isa okay lang kasi si Adam yun pero yun isa pa nakakainis talaga...

"Mauna na ako" nadinig ko na nagpapaalam na si Adam kina Joey at Diane.

Good pakisama na rin yang si Diane!

"Really then tayo na lang Diane ang pumunta sa Boutique na paborito mo para makapamili tayo nang damit na gagamitin mo sa party na dadaluhan natin" ani Joey kay Diane.

"Mabuti pa nga lika na" sagot naman ni Diane.

Ha? Wait di pwede! Pagpropotesta nang isip ko.

Napalapit ako sa mga ito.

"Joey!" Tawag ko sa mahal ko.

Napalingon ang mga ito sa akin.

"Uy Charlene nandito ka pala" nakangiting sabi ni Joey.

Ngumiti ako dito at syempre kay Adam at Diane.

"Pwede ba akong makisabay sa yo Joey kasi di ako masusundo nang driver namin dahil sira yun Car namin" dahilan ko sa mga ito.

Di ko talaga pinapunta ang Driver ko para sunduin ako.

Nagkatinginan sila Joey at Diane.

"Then I better go naghihintay ang date ko" paalam ni Adam sabay talikod.

"Okay Adam" ani Joey dito.

"Bye Adam"

Kumaway lamang ito nang di lumilingon sa amin na tatlo.

"Joey ano na? pwede ba akong sumabay sa inyong dalawa?" Tanong ko dito.

Napakamot si Joey sa ulo ko.

"Ano kasi Charlene may iba pa kaming lakad ni Diane"

"Then okay lang saan ba kayo pupunta?" Tanong ko sa mga ito kahit alam ko naman kung saan pupunta ang mga ito.

Sinabi ni Joey ang lugar kaya napangiti ako.

"Then great sasama na din ako para mabili ko na din nang dress ang Mama ko" lihim na nag cross finger ako dahil sa dinahilan ko ang Mama ko.

"O--okay if that's what you want" alanganin ang ngiti na sagot ni Diane.

"That's what I want!!" Mabilis na sagot ko dito.

Nagkatinginan na lamang ang mga ito at saka binuksan na ni Joey ang sasakyan ito at isinenyas na maupo na kami.

Mauupo na sana ako sa unahan ng sasakyan nang unahan ako ni Diane.

Aish! Shit naman! Naunahan ako nitong babae na eto eh!

Kaya wala na akong nagawa kundi sa likod na lang umupo.

------------------

"Wow bagay na bagay talaga sa iyo yan!" Humahangang napasipol si Joey nang lumabas si Diane sa dressing room at parang model na umikot ikot sa harap ni Joey.

Twice A ReboundWhere stories live. Discover now