Chapter 18

10.6K 200 9
                                    

"Joey san ka na?" Excited na tanong ko kay Joey sa Cellphone ko.

"Sorry naipit lang kasi ako sa traffic pero malapit na ako" sagot nito sa kabilang linya.

"Okay intayin na lang kita dito sa shop love you" wika ko na tinawanan naman nito nang mahina.

"Bye Charlie" anito saka pinatay na ang cellphone nya.

Napapailing na itinago ko ang cellphone ko sa Sling Bag ko saka tumingin ulit sa mga brochure na nakalatag sa mesita.

Nasa last fitting size na ako para sa wedding gown na isusuot ko sa kasal namin next week at talagang nasasabik na akong isukat ang damit pangkasal ko kundi lang sa mga pamahiin nang mga matatanda malamang sa hindi sinuot ko na yun last week pa nang makita ko ang nakaka inlove na final look nang gown ko.

"Sisteret halika na" maarteng yaya sa akin nang baklang designer nang wedding gown ko.

Si Fritz.

"Okay" excited na tumayo ako at lumapit dito saka umabrisiete sa braso nito.

"Ay Sisteret ang bongga mo talaga sa wedding gown mo na itechwa ang galing galing ko talaga" maarteng pagyayabang nito sa sarili habang pinapasadahan ako nang tingin sa suot ko nang damit pangkasal.

"Talagang Ibuild up ang sarili Fritz wala man lang compliment sa bride to be na ubod nang ganda sa gown na gawa mo?" natatawang tanong ko dito.

Pumilantik ang mga daliri nito saka kumendeng kendeng sa harap ko.

"Kasama ka na din dun Sisteret maganda ang bride at maganda ang gown na gawa ko I'm so magaling na talaga" anito at maarteng humalakhak.

Na sinegunduhan ko din nang tawa.

Maya maya pa ay pumasok ang assistant ni Fritz at may binulong dito.

Nanlaki ang mga mata nito at napasinghap.

"Oh my gosh nakalimutan ko na yun cocktail dress na pinagawa ni Mrs. Ocampo" napapakagat labi na humarap ito sa akin.

"Sisteret wait lang ha kukunin ko lang sa car ko yun ipinagawa ni Mrs. Ocampo iwan na muna kita ha" paalam nito sa akin.

"Okay lang Fritz eenjoyin ko muna ang pag aala model ko sa wedding gown ko na ito take your time" sagot ko dito.

"Naku Sisteret thank you talaga sandaling sandali lang naman ako babalik din naman agad kami ni Pilar" tukoy nito sa assistant nito at nakipag beso beso na ito sa akin at nagmamadaling lumabas nang fitting room.

Abala ako sa pagngiti sa salamin nang pumasok si Diane sa fitting room.

"Diane ikaw pala" masiglang bati ko dito.

Ngumiti ito sa akin at saka pinagmasdan ako nito sa salamin bale nasa likod ko sya at ako nakaharap sa salamin.

"You look so happy" puna nito.

"Yes kasi next week na ang kasal namin ni Joey di ba?" Tumatangong sagot ko dito.

Natigilan pagkaraan ay ngumiti ulit.

"Yeah....The Wedding" anito.

"Diane naibigay na ba sa iyo ni Joey yun invitation nyo ni Steve para sa kasal namin?" Tanong ko dito.

".....Nope" sagot nito makaraan nang ilang saglit na katahimikan.

Napasinghap tuloy ako.

"Oh my gosh wait ireremind ko kay Joey na ipadala nya sa iyo yun invitation baka nakalimutan nya dapat kasi ako ang magdadala nun sa iyo pero tumanggi si Joey at ang sabi nya sya na mismo ang magbibigay sa iyo" sabi ko dito.

Twice A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon